Chapter 24

2925 Words

Abala si Tatay sa pagtatahi ng lambat nang lapitan ko siya.   "Tay, mamaya po pupunta ang mga magulang ni Dok, mamamanhikan," sabi ko. Tumigil siya sa ginagawa at nilapag sa baba ang pisi. Tumingin siya sa akin at tumango.   Nasabi ko na rin ito kay Nanay kahapon kaya abala siya ngayon sa paghahanda ng makakain. Kanina lang kasi ang uwi nila Kuya at Tatay galing laot kaya ngayon ko lang magagawang sabihin sa kanila.   Martes ngayon. Si Diana ay nasa eskwela. Kaya mag-isa akong tumutulong ngayon kay Nanay upang maghanda ng mga pagkain.   Mga specialty ni Nanay sa seafoods ang kaniyang ihahain. Napag-alaman kong adobong pugita, kinilaw, at pinangat ang kaniyang hinahanda. Pinagmamasdan ko lamang siya habang nakaupo ako rito sa mesa at siya naman ay abala sa paghihiwa sa mga rekados.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD