"WALA AKONG MATANDAAN" pilit inaalala ang mga pirasong memorya ngunit hindi matarok kung paano nakapasok sa loob o kung anong naging paraan upang mahimbing sa gilid ni Questas.
"Ang mahalaga ligtas ka na" hinawakan ni Maria ang pisngi ni Leopoldo tila mababakas ang tuwa ss mukha ng dalaga.
Maya-maya'y naputol ang kanilang pag-uuspa nang makita ang diwatang takot na takot at hingal na hingal.
I
"Prinsesa Maria, kailangan nating makabalik sa palasyo sa lalong madaling panahon. Nagising si Questro,hindi biro ang namumuong galit sa kanyang mga mata matapos maabutang wala ang kanyang puso."
"A-Ano?"
Nagkatinginan ang binata at si Maria animo nabagdan nang kaunting kaba lalo't hindi maganda ang naturang ideya na baka maapektuhan ang buong Galadia sa galit ng kambal ni Questas.
"Kailangan nating makuha kay Prinsipe Leon ang singsing upang maibalik sa Gitnang Galadia."
"Ngunit ang sabi ng prinsipe'y walang anumang habilin si Questas?" nagtataka ang prinsesa na siyang dahilan nangm matinding pagdududa para sa lalaking estranghero.
"Iyon ang hindi ko malaman kung bakit niya sasabihin ang ganitong bagay."
Mabilis sumakay si Maria Crex kasama si Leopoldo sa alagang unicorn ngunit nahinto lamang ang mga ito nang matanaw ang pulutong ng mga kawal sa bandang timog ng Galadia.
"Hinto!" ani Leopoldo sa unicorn.
Nagmamadaling tumungo ang binata sa pulutong nang mga kawal hanggang sa sumaludo ang mga ito, niyakap ng kapatid nitong si Arnulfo ang binata na mukhang tumungo sa Galadia upang hanapin din ang binatang nawala halos nang isang buong pagkinang at paglubog ng Hantala.
Lumapit sina Maria at Pinkie sa mga naroroon, hanggang sa binati o sinaluduhan din nang mga kawal. Tumungo roon ang mga magulang ni Leopoldo upang magpasalamat sa dalaga sapagkat niligtas ni Maria ang binata sa anumang panganib na maaaring idulot ng kanyang pananatili malapit sa mayabong na puno ni Questas.
"Ina, ama, kailangan kong sumama kina Maria upang mabawi ang diyamanteng singsing sa paglitaw ng ika-limang kinang ng Hantala."
"Hindi ka ba muna uuwi sa'ting palasyo mahal na prinsipe?" mababakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Reyna Penelope.
Matamang pinagmasdan ng binata ang kanyang mga magulang saka bumuntong-hininga. Lubhang malungkot ang mga mata sapagkat natalo sa pangatlong pagsubok. Ang tanging nais lamang ni Leopoldo ay mabawi ang singsing sapagkat maaaring magpatuloy ang ngalit ni Questro.
"Kailangan ko pong mabawi ang bagay na kinuha ng aking katunggali, ina." anas nito.
"Ang buong hukbo'y sasama sa palasyo Burgandia upang maging panalig sa anumang desisyon ukol sa iyong pagsali." ani Haring Cantor.
Hindi malaman ni Maria kung anong tumatakbo sa isip nang lahat ng mga kaharap na Emeritian sa Kanluran, ngunit alam sa sariling isang malaking eskandalo kung sakaling malaman ni ama ang buong pangyayari.
'Paanong hindi nabanggit ni Questas kay Prinsipe Leon ang mga habilin ukol sa diyamanteng singsing? Hindi kaya mayroong ginawang kung anong mahika ang binata upang 'di matandaan ni Prinsipe Leopoldo ang totoong mga nangyari?'
Nagdalawang-isip ang binata saka tumingin sa gawi ni Maria tila nanghihingi ng permiso sa dalaga upang isama ang halos kalahati ng hukbong Harandia sa kanilang palasyo sa Doryang Hilaga.
Ang inaalala lamang ng babae'y mamaya na mangyayari ang natatanging anunsiyo upang ihirang si Prinsipe Leopoldo bilang bagong mamumuno sa Burgandia. Ang singsing na kanyang nakuha ang binabalak nitong gawing regalo sa aming gaganaping pag-iisang dibdib.
Naglakbay ang lahat kasama ang mga kawal, hari,reyna at kapatid ng binata patungong Burgandia para bawiin ang singsing ni Questas. Tanggap ni Leopoldo ang kanyang pagkatalo ngunit ang tanging nais niya ay mabawi lamang ang bagay na maaaring maging sanhi nang mas matinding problema laban sa Doryang Silangan. Mas mapanganib ang nahihimbing na kambal ni Questas ayon kay Pinkie kaya kinakailangang bumalik sa pusod ng Galadia matapos hirangin ang estranghero bilang bagong hari at mapapangasawa ni Maria.
"Pinkie, ayokong makasal sa lalaking hindi ko lubos na kilala. May masama akong nararamdaman kay Prinsipe Leon." ayon ng dalaga habang naglalakabay sila sa kalagitnaan ng Galadia.
Lumipad si Pinkie saka umupo sa kanyang ulunan.
"Anong ibig mong sabihin, Prinses Maria?" nakakunot-noo ang munting diwata.
"Hindi ko maintindihan ang aking sarili, mayroon akong nararamdamang mali sa mga nangyayari. Sana'y matuklasan ko sa lalong madaling panahon..." tumikom ang bibig ni Maria.
"Anong gagawin mo prinsesa? Paano mo malalaman kung mayroon ngang mali sa prinsipe ng Astramos..."
Natahimik lamang si Maria at hindi nagsalita ngunit sa isip nang dalaga'y may namumuong balakin upang matuklasan ang sinasabi nitong palasyo.
'Patutunayan kong tama ang kutob ko...'
Imbis na sagutin si Pinkie ay mabilis na kinabig ni Maria ang unicorn patungo sa daaang tinatahak ng mga kawal nang Harandia.
Nakarating ang kanilang pulutong sa ikalimang-kinang ng Hantala ngunit halos magulat ang mga magulang ni Maria nang mamasdan siyang nakasakay sa unicorn. Marahil ay naiisip nilang nakapuslit ang prinsesa nang hindi nalalaman ng mag-asawa o kawal ng Burgandia.
Dumaluhong ang binata at tumungo sa trono ni Haring Buendia at Reyna Crexia na kakikitaan nang kasiyahan kahit mahahalata ang pagtutol, lalo sa ideyang umalis ang anak upang iligtas lamang si Leopoldo sa pusod ng Galadia.
"Ikinalulungkot ko pong hindi naging matagumpay ang aking hangarin na makompleto ang inyong pagsubok." ani Leopoldo.
Nasa bandang likuran ang mga magulang ng binata maging ang kanyang kapatid na si Arnulfo kasama ang mga kawal ng Harandia. Matapos magsalita ni Leopoldo ay bahagyang tumango ang hari saka idinikit ang Elixir sa puso ng prinsipe bilang simbolo ng kapayapaan sa pagitan nang bawat kaharian kahit hindi nagtagumpay ang kanilang prinsipe.
"Nasisiyahan ako at isa kang magiting na prinsipe sapagkat wala kang pag-iimbot sa iyong puso kahit hindi naging matagumpay ang iyong mga paraan upang makompleto ang aking pagsusulit."
Lalong yumuko si Leopoldo upang magpakumbaba sa hari. Samantala ay hindi matanggap ni Maria ang nagind "Hanatad" na kinasapitan nang kanilang hangarin para sa isa't-isa. Hindi mapigilang mapaluha si Maria ay tumalikod sa mga nagaganap sapagkat nasasaktan ang kanyang puso.
"Prinsesa, tahan na..." ani Pinkie na tila nag-aalala sa maaring kahihinatnan nang lahat.
Maya-maya'y tumunog ang diyamanteng orasan sa kanilang palasyo tanda na magsisimula na'ng paghihirang kay Prinsipe Leopoldo bilang susunod na mamumuno sa hinaharap, kung sakaling matapos ang pakikipag-isang dibdib nito kay Maria.
Nang lumingon ang dalaga'y kitang-kita niyang umatras si Leopoldo kasama ng mga magulang nito sa gilid sapagkat eksakto ang pagbukas nang bulwagan, kung saan naroroon ang binatang taga-Astramos na mayroong ere ang bawat hakbang sa Alpombre.
May bakas ng mapanganib na ngisi animo maninila'ng Emeritian. Hindi lubos maisip ni Maria na ito ang kanyang mapapangasawa.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Mukha marami yata ang inyong panauhin, Haring Buendia?" maaliwalas ang bungad ng mga ngiti maging ang Dama'ng kasama nito.
"Kanina lamang ay humingi ng pagsuko si Prinsipe Leopoldo--"
"Buhay si Prinsipe Leopoldo!" singhal ng binata na ikinatahimik nang lahat saka nagtinginan sa isa't-isa.
"A-Ang ibig kong sabihin--h-hindi ko akalaing makaliligtas siya d-dahil kitang-kita nang mata ko kung paanong--"
"Kung paano ako bumulagta sa harapan ni Questas o paano nawalan ng memorya sa mga sumunod na nangyari?" putol ni Leopoldo mula sa kumpol ng Emeritian na naroroon upang saksihan din yata ang naturang anunsiyo ng tagapagbalita.
"P-Prinsipe Leopoldo, ikinagagalak kong makita kang buhay at ni walang galos!" lumapit si Prinsipe Leon at halos yakapin ang lalaki at tapikin sa likod ngunit hindi naniniwala si Prinsesa Maria Crex na walang kinalaman ang lalaki sa mga nangyari sa prinsipe ng Harandia.
"Mabuti at nakaligtas ka este nakarating ka sa'king pagtanggap ng basbas upang mamuno sa Burgandia..." pilit na tumawa ang prinsipe subalit kitang-kita ang palihim na talim sa kanyang mata na tanging si Prinsesa Maria Crex lamang yata ang nakapapansin.
"Oo, Prinsipe Leon. Isang malaking karangalan ang makitang ikaw ang mamununo ng palasyo." tumiim bagang ang binata at halos mababakas ang pagkadisgusto sa mga sinasabi.
"Maari na po ba tayong magsimula?" pag-iiba sa uspan, kung saan tumikhim si Haring Buendia.
"Sinisimulan ko ang aking pagpapataw sa--"
"Sandali!" anang munting diwata na mas lalong naging dahilan upang mapahilamos sa mukha si Prinsile Leon dahil sa inis o galit.
"Ano't nakikialam ka munting diwata!"
Humarang si Prinsesa Maria na naging dahilan upang biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Leon.
"Sino ka para pagsalitaan ang kaibigan ko!"
"P-Pasensiya na mahal ko, alam ko namang kaibigan mo si Pinkie ngunit kailangan na nating madaliin sa lalong madaling panahon ang--"
"Bakit masyado yata ang interes mo na mapakasal sa--"
"Prinsesa Maria!" saway ng ama.
"Pasensiya na po ama." yumukod lamang si Maria at hindi na muling umalma.
"Pinkie, ano nga ba ang nais mong sabihin?" saad ni Haring Buendia sa kaibigan ni Maria.
"Nais ko lamang po mabawai ang singsing ni Questas..."
"At bakit mo naman iyon nais maibalik?" hinawakan ni Reyna Crexia ang bisig ng kanyang asawa.
"Hindi ako naniniwalang 'di ka binigyan nang habilin ni Questas. Nais kong mabawi ang diyamanteng singsing dahil nagwawala ang kanyang kambal."
"Sino nagsabing kwestiyunin ang lahat ng mga narinig at ibinilin ni Questas bago at matapos kunin ang singsing?"
"W-Wala akong narinig na uhm.."
Doon namagitan si Haring Buendia upang ayusin ang komprontasyong nagaganap sa pagitan ng Emeritian at diwata.
"Upang hindi na makalikha nang anumang g**o'y ibalik mo ang diyamanteng singsing,"
Bumuntong -hininga ang binata saka itinapon kaagad sa harap ni Pinkie ang alahas. Halos mabigatan ang diwata ngunit nakuha niyang ilagak sa trono ni Maria ang sing-sing.
Nang maibalik sa normal ang kasiyahan ay tuluyang nag-pokus ang hari sa pagpataw ng kanyang kapangyarihan sa binata.
"Ngayong ika-limang kinang ng Hantala'y ipinapataw ko ang aking buong lakas at kapangyarihan sa prinsipe ng Astramos sa Doryang Hilaga bilang bagong magiging pinuno ng Burgandia sa mga susunod na salinlahi," inabot ni Haring Buendia ang Elixir sa lalaki.
Mangha-mangha ang mukha ni Leon habang lungkot naman ang mababakas sa ekspresyon ni Leopoldo subalit hanggang tinginan na lamang ang tanging magagawa ng dalawa. Sa nakabibinging palakpakan ng Emerit ay tila bingi ang puso ng bawat isa sa kanilang kahaharapin na pasakit sa mga kamay ni Juantorio Gladi.
Itinaas ni Leon ang Elixir kaya lalong naghiwayan ang lahat, subalit nang kinukuha na ni Haring Beundia ang bato'y parang nag-aalinlangang ibinigay ng prinsipe ang kamay ni Maria Crex sa isang estranghero sa Astramos.
'Hindi ako makapapayag. Di magtatagal ay malalaman ko rin kung anong itinatago mo, Prinsipe Leon...'