KABANATA 13.1

2650 Words
MATAPOS HIRANGIN ANG prinsipe ng Astramos bilang susunod na hari kapag naikasal kay Maria ay halos magalak ang mukha ng binata. Kabaligtaran ni Leopoldo'ng halos magunaw ang mundo kasama ng kanyang magulang na bumalik sa kanilang palasyo. Hindi nais ni Maria ang ma nangyayari ngunit kinakailangang gapamanan ng prinsesa ang natanguang responsibilidad sa palasyo. Kasalukuyang nasa hardin ang dalaga kasama si Pinkie. Malungkot ang prinsesa sa naging desisyon ng kanyang ama subalit marapat tanggapin nang maluwat, kahit mayroong agam-agam na hindi mawala-wala sa puso ni Maria. "Pinkie, hindi ko matanggap ang mga nangyayari sa'kin. Hindi ko alam kung marapat ba ang aking nararamdaman? Isang pagtataksil ang ganitong puso kung sa iba ang aking Hanatad," "Bakit hindi mo bigyang pagkakataon si Prinsipe Leon, mahal na prinsesa?" ani Pinkoe habang nakaupo sa talulot ng isang bulaklak at nakaharap sa dalagang nakaupo sa madamong bakuran ng Burgandia. "Hindi iyon ang nais ko, Pinkie. Kailangan kong malaman kung tama ang hinala ko sa prinsipeng iyon." bumaakas ang kaseryosohan sa mukha ni Maria. "A-Anong ibig mong sabihin, Prinsesa Maria Crex?" nagtaka ang kaibigan. "Mayroon akong napansing kakaiba sa binata kaya gusto ko siyang subaybayan sa sinasabi niyang kaharian sa Hilaga." "Hindi ba d-delikado ang nais mo, Prinsesa Maria?" Bumuntong-hininga ang dalaga animo kumbinsido sa pasyang alamin kung anong mayroon sa mapapangasawa. Hindi maaaring basta na lamang tanggapin ang pasya ni Haring Buendia hangga't hindi napapatunayan ang isang bagay...hindi matarok ni Maria kung anong bagay iyon ngunit tinitiyak niyang may kakaiba sa binata. At iyon ang kailangan niyang alamin sa ngayon. Galgotha-Doryang Timog "HAHAHAHA" HINDI NA YATA tumigil ang binata sa kanyang kasiyahan matapos magtagumpay sa binabalak na pananakop sa Burgandia. "Nakita mo kung gaano kahangal ang Hari ng Burgandia, Kudyamat?" bumakas ang kasiyahan sa mukha ng binata. "Nakita ko po, Panginoon." nakikisakay ang alaga sa kanyang tagumpay, sapagkat nalalapit ang pag-upo sa trono. Kung sakaling mangysri iyon ay hindi imposibleng maging malakas ang hukbong pamumunuan ng Galgotha. Hanggang ngayon ay iniisip parin nang haring madaliin ang pagpasa sa trono sapagkat sa mga nangyayaring kaiba lalo sa Doryang Silangan. Isang malaking dagok sa ekonomiya o imbak kung hindi kaagad maibalik ang naturang singsing kay Questro, ngunit hindi iyon ang mas iniisip dahil mas mahalaga ang mangyayari sa Prinsipe ng Galgotha dahil mapapasakamay niya ang batong Elixir. "Malapit ko nang maipaghiganti ang aking ama, Kudyamat! Malapit na! Mga hangal ang likha ni Emeritus!" GALADIA-Doryang Silangan Naglalakbay si Leopoldo sampu ng kanyang mga kawal upang tunguhin ang pusod ng Galadia at ibalik ang singsing ni Questas. Hindi maipaliwanag ni Leopoldo ang mga nangyayari sa bahaging iyon ng Galadia. "Mahal na prinsipe! Napakalakas ng hangin sa bahaging ito ng bundok! Tayong lumayo muna sa ngayon!" anang pinakapinunong kawal sa Harandia. "Hindi maaari! M-Malapit nang magika-anim na kinang! Kailangan kong maibalik ang singsing upang hindi maapektuhan ang mga naninirahan sa Galadia." nakakapit sa sanga si Leopoldo. Hindi niya masyadong makita ang daanan patungo sa pusod ng Galadia subalit desido ang prinsipeng makarating sa malabay na puno ni Questas. Humakbang ang binata at isinandal ang sarili sa puno at pilit siyang sinusundan nang mga kawal subalit tinangay ang mga ito palayo sa lalaki. Mag-isang gumapang ang prinsipe palapit sa lugar kung saan bago ang temperetura at klima. Doon ay mahigpit na humawak si Leopoldo saka matagumpay na nakatawid sa panghuling kagubatan patungo kay Questas. Natanaw ni Leopoldo ang makinang na dahon mula sa malayo tanda na malapit na'ng matumbok ang pusod. Marahang naririnig mula sa kinatatayuan ang pag-atungal marahil ng kambal ni Questas. "Malapit ka na sa wakas!" Hindi pumayag ang hari at reyna'ng magpatuloy ang kanilang panganay na walang kasama subalit si Leopoldo mismo ang nagbawal kay Arnulfo sapagkat hindi pangkaraniwan ang muling bumalik sa lugar lalo't paghihinagpis ang masasalubong dahil sa pusong nanakaw sa kambal ni Questas. Lakad-takbo ang ginawa Leopoldo hanggang sa makita ang proteksiyong bahaghari bago ang malabay na sanga. Inilabas ng prinsipe ang maliit na pansaping ibinigay ni Pinkie. 'Kailangang mahanap ko ang lilang lupain...' Sinuring maigi ni Leopoldo ang bawat d**o o lupaing nakapalibot kay Questas. Hanggang sa mamasdan ang ilang maliliit na yapak, na sadyang ikinangiti ng lalaki. Isang palatandaang maibabalik ang puso ni Questro. Lumuhod ang prinsipe saka inilapat ang maliit na pansapin, doon kuminang ang kulay lilang lupain. Walang sinayang na panahon ang binata at dali-dali siyang umalpas sa proteksiyong bahaghari na humaharang sa mga Emeritian at kay Questas. Nang makarating sa loob ay yumukod ang binata kapagkadaka'y inilabas ang diyamanteng singsing. Dahan-dahang dumilat si Questas na mahahalata ang pagod at puyat sa mata kahit sabihing isang puno. "Sa atungal ni kambal ako'y natitigal hindi makapawi nang antok na dapat ay hindi matatarok kung ibinalik yaring puso ni Questro." bahagyang humikad ang malabay na puno na bahagyang ikinangiti ni Leopoldo. "Ipagpaumanhin sa iyo punong Questas kung ako'y natagalan." Bahagyang tumango ang puno saka binigyang daan patungo sa likuran niya. Namasdan ni Leopoldo ang marahang paghikbi ni Questro at akmang aatungal na naman kung hindi lumapit ang prinsipe sa naturang kambal ni Questas. "Patawarin mo 'ko kung kinuha namin ang iyong puso. Ikingagalak kong ibalik sayo ang aming kinuha. Maaari ka nang mahimbing ng matiwasay." ayon sa nakangiting prinsipe. Hinanap ni Leopoldo ang ugat kung nasaan marapat ilagak ang puso ni Questro. Marahang ibinalik ng prinsipe ang singsing, hanggang sa unti-unting pumikit ang talukap ni Questro maging ang pagbabago ng mga ugat na naging bulok ay unti-unting bumalik sa pagiging luntian. Nakahinga nang maluwag ang binata sapagkat nailigtas ang Galadia sa tiyak na kapahamakan kung nagalit ng tuluyan ang kambal ni Questas. Nawala rin ang ngiti sa labi nito nang maalala ang pagkatalo sa pagsubok. Parang tinatarak ng mga kutsilyo ang damdamin, sapagkat hindi napunta sa kanilang kamay ang pasya sa kung sino ang mapapangasawa ni Prinsesa Maria. BURGANDIA-Doryang Hilaga TULOG NA ANG BUONG kawal o Dama maging ang reyna at hari ngunit hindi parin mapakali si Maria sa mga binabalak na gawin. Maya-maya'y nakatingin ang dalaga sa Hantala subalit mayroong bumato sa kanyang malawak na bintanang salamin. Maliliit na bato na tila nanggagaling sa maliit na Emeritian, rason upang tunguhin ni Maria ang terasa at doon niya napagtantong si Pinkie ang gumagawa niyon. Nakasalakot ang munting diwata at mayroong hawak na sisidlan sa bandang likuran. "A-Anong ginagawa mo rito, Pinkie? Disoras na nang Hantala sa kalangitan!" mahinang usal ni Maria upang walang makarinig o makaulinag sa mga sinasabi. "Hindi ba gusto mong malaman kung anong totoo kay Prinsipe Leon? Ang kamo mayroon kang gustong patunayan?" bulong nito ngunit halos hindi mapakali animo makikita ang diwata kahit malabo namang mangyari ang bagay na iyon. "Oo. Paano?" Lumingun-lingon ang diwata animo umaaktong malaking Emeritian kung kaya hindi mapigilan ang sumusungaw na ngiti sa labi. "Ganito ang gagawin na-- teka, bakit tila hindi ka seryoso, Prinsesa Maria? Ayaw mo bang gawin o babalik na lamang ako--" "H-Hindi! Nagbibiro lamang ako, Pinkie! Ipagpatuloy mo na ang iyong plano..." Ngumuso lamang ang diwata saka sinbi ang mga gagawing hakbang ukol sa pagsunod at pagtakas sa Burgandia ngayong ikaanim na kinang ng Hantala. "Kailangan mong makalusot sa maliit na pinto sa likuran ng palasyo, subalit hindi yata natutulog ang mga kawal doon kaya nagdala ako ng maraming katas ng Galaxia." gumikgik ang diwata. "Salamat, Pinkie." Mabilis kumilos ang dalaga saka dahan-dahang bumaba sa mula sa terasa. Matagal naman nang ginagawa ni Maria ang pagtawid sa puno subalit ngayon lamang ang oras kung kailan pinakamahirap, sapagkat ginagawa ng dalaga ang bagay na 'yon dahil naglalaro siya noon. Hindi iyon ang tamang panahon upang maging isip-bata ang prinsesa, rason upang pinipilit abutin ni Maria ang malaking sanga ngunjmit imbis maabot ay tuluyan siyang mawalan ng balanse sa terasa dahilan upang malaglag ang dalaga sa malalagong bulaklak sa hardin. "Ugh, a-aray ko tss..." "Prinsesa Maria! Ayos ka lamang ba?" ani Pinkie. "M-Medyo masakit ang balakang ko, Pinkie." Nanlaki ang mata ni Maria kapagkadaka, nang marinig ang yabag ng ilang mga kawal na nagbabantay sa paglubog ng Hantala. "Tago, Pinkie!" mabilis hinuli ni Maria ang kaibigan saka lumukob sa mga halaman at bulaklak sa gilid ng palasyo. "Anong marapat nating gawin bukas, kaibigan?" tanong ng kawal. "Balita ko'y aalis si Kumando at tutungo sa pamilihan pagsikat ng Hantala, marahil ay isasama ako o ang ilang kawal upang ihanda ang mga kakailanganin sa kasal ni Prinsesa Maria." iyon lamang ang naulinagan hanggang sa lumakad na palayo ang mga ito. Nagkatinginan lamang si Pinkie at Maria sa mga narinig at tila iisa ang nasa isip. Pinilit makaalis ni Maria nang hindi makakalikha ng ingay palayo sa mga halaman o bulaklak na kinasasadlakan. Nagmamadali siyang tumungo sa likuran subalit muntik na siyang mahuli nang mayroong sumulpot na kawal sa harap, buti na lamang ay mabilis siyang nakapag tago sa dilim. Tinakpan ang sariling bibig nang sa gayon ay mapigilang makapagsalita ng kahit ano... "Anong gagawin natin? Nakabantay silang lahat?" mahinang usal ni Maria. "Shh. Akong bahala, prinsesa!" "Paano?" "Huwag kang mag-alala." gumikgik ang diwata hanggang sa tumungo sa mismong mga kawal na tila inaantok na dahil mahahalata ang pasuray-suray na ulo o pagsandal sa semento ngunit pilit pinaglalabanan ang antok. Sumilip si Maria kaya namasdan niya ang isinaboy ni Pinkie sa mga kawal, rason upang tuluyang pumikit ang mga ito. Kumaway ang kaibigan kalaunan saka pinalalapit sa pwesto ng mga ito. "A-Anong isinaboy mo?" "Isang malaking sangkap na nanggaling sa ugat ni Questro," "P-Paano ka nakakuha?" "Hindi na mahala iyon." Nangunot-noo lamang si Maria saka sumunod sa diwata subalit pinagmasdan pa ng dalaga ang paghilik ng mga kawal. "Patawarin ninyo ako. Maaaring gagantimpalaan ko na lamang kayo sa ikapitong-pagkinang." pahayag ni Maria sa mga tauhan ng palasyo bago tuluyang nakalabas sa bahagi ng Burgandia. Marahang nilingo ng prinsesa ang malawak na palasyo bago sumuot sa mga kakahuyan. "Pinkie, sandali!" Lakad-takbo ang ginawa ni Maria hanggang sa makasunod sa kaibigan. "Shhh..." anito. "S-Sandali, paano natin malalaman kung nasaan sa hilaga matatagpuan ang kaharian?" ani Maria sa mahinang tinig. "Hindi ko lamang sinasabi sa'yo ang bagay na ito prinsesa, ngunit sinusubaybayan ko ang lalaking iyon sa tuwing aalis sa inyong palasyo." 'Iyon pala ang dahilan kung bakit palaging nagpapaalam ang munting diwata kapag umaalis si Prinsipe Leon sa kaharian at magpapaalam na uuwi sa kanyang munting palasyo' "Ano ang iyong nalaman?" "Kailangan muna nating magtago sa mga malalabay na puno, dahil muli kong nakita ang binata ngayong gabi malapit sa b****a ng timog." "T-Timog? Ang ibig mong sabihin D-Doryang Timog?" Tumango si Pinkie. "Hindi ko alam kung bakit palagi kong nakikita ang kanyang dragonika'ng nagpapahinga sa i***********l na kakahuyan malapit sa Doryang Timog." mahinang saad ni Pinkie. Dumagundong ang kaba sa puso ni Maria lalo't nakaramdam sila nang kaluskos sa b****a ng Doryang Timog kung kaya mabilis pa sa mili-segundo alaskwatrong nagtago si Maria sa mga halamanan, maging si Pinkie ngunit tinitiyak na makikita parin nito ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata ng prinsesa ng makita ang kabuuan ni Prinsipe Leon habang mayroong hawak na balitaptap kasama ang isang engkanto? Nanginginig ang kanyang mga labi sa takot, sapagkat iyon ang kauna-unahan niyang pagkakataong makakita ng ganoong nilalang na nakatunghay sa balikat ng binata. "A-Anong ginagawa niya sa ganoong lugar?" bulong ni Maria kay Pinkie na bahagyang umiling lamang. Nagmamasid si Prinsipe Leon sa paligid habang lumalapit sa natutulog na dragonika. Hindi maiwasan ni Maria'ng umandar ang kuryosidad kaya hindi siya matigil sa kakausad sa mga halamanan para masaksihan ang misteryosong rason kung bakit naroroon ang binata. "P-Pinkie..." takot si Maria. Hindi mapigilan ni Pinkie ang magtago sa kanyang bulsa dahil patagal nang patagal ay parang lalong nabubunyag ang katauhan ng hinirang na pinuno sa Burgandia. Sumuot si Maria malapit sa siwang kung saan matatanaw nito ang ginagawa ng lalaki sa dragonika. Maya-maya'y mayroong kinuha ang binatang isang maliit na botelya na halos magpalaki sa mata ni Pinkie. "H-Hindi ako pwedeng magkamali!" bulong ni Pinkie. "Shh." ani Maria kaya muling tinakpan ni Pinkie ang sariling bibig. Ibinuhos ni Prinsipe Leon ang botelya sa naturang dragonika at doon ay unti-unting nagbago ang anyo ng transportasyon. Halos matulala si Pinkie at Maria nang mamasdan ang tunay na anyo nito. Isang Hadrum! Hindi mapigilan ang mapasinghap ng dalawa na talagang nakakuha sa atensiyon ng prinsipe. "Sino iyon, kudyamat!" "Mayroon bang lapastangang nakasunod sa'tin? Hindi ba't sinabi kong magbantay kang maigi! Talasan mo ang iyong pang-amoy!" pasinghal na saad nito. "Hi-Hi-Hi huwag kayong mag-alala, Panginoon w-wala akong naaninag na kahit sino maliban sa--" "Saan?" dumagundong ang boses nito. "Sa pamilyar na amoy ni Prinsesa Maria," "Pinkie a-anong gagawin natin?" halos sensyas na lamang ang kanilang usapan sapagkat hindi imposibleng mahuli sila. "Amoy ni Prinsesa Maria?" nangangatal ang prinsesa lalo't parang hinahanap ni Prinsipe Leon kung saan matindi ang naaamoy nang kanyang alagang engkanto. "Opo, panginoon." "Hindi kaya nasa paligid lamang ang prinsesa at natuklasan na niya ang ating lihim." nakakatakot na saad nito. Panay ang hawi ni Prinsipe Leon sa mga halamanan hanggang sa maramdaman ni Maria ang yabag at pansapin ni Prinsipe Leon sa mismong tapat nang kanilang pinagkukublihan. Biglang hinawi ni Prinsipe Leon ang naturang halamanan kaya walang nagawa si Maria kundi pumikit. 'H-Hindi maaari!' aniya sa isip subalit nagulantang siya nang nilagpasan lamang ni Leon kapagkadaka ang kanilang kinapupwestuhan. "Hindi ko malaman kung bakit amoy na amoy ko ang kanyang pabango, Panginoon. Malapit sa lugar na iyon.." anito. "Hangal! Palpak iyang pang-amoy mo!" "Sige na at kailangan nating bumalik sa Palasyo dahil bukas ang unang kinang ng Hantala upang salubungin ng mga Emeritian na aking sakop sa Burgandia." tumawa ang binata. Si Kudyamat ang sumakay sa mapangheng Hadrum papasok sa bungad ng Doryang Timog. Doon lamang nakahinga ng maluwag ang dalaga hindi lamang sa kadahilanang muntik na silang mahuli ng prinsipe kundi maging sa amoy ng mga transportasyon sa Doryang Timog. "Hindi ako makapaniwalang nagpapanggap at nagsinungaling ang lalaking iyon." "Muntik na tayo roon, prinsesa. Salamat kay Emeritus!" "Kailangang malaman ito ni ama!" anang prinsesa. "Ngunit paano, prinsesa? Wala tayong ebedensiya kung magkagayon. Hindi maaaring mamaratang tayo nang walang matibay na patunay. Alam mong patas ang iyong ama pagdating sa pagpapasya?" nababahalang saad ng kaibigan. "Hindi ako makapapayag, Pinkie. Mananagot ang lalaking iyon na nagpapanggap na taga-Hilaga." "A-Anong iyong balak?" "Tutungo tayo sa Doryang Timog!" "Ano? Nahihibang ka na ba, Prinsesa Maria? Miski si Haraya ay hindi nagagawi sa Galgotha o maging mga Emeritian sa Galadia na ginantimpalaan ng kaalaman sa mahika o kapagyarihan. Sadyang delikado ang maglakbay bulunundukin o palasyo ng Galgotha. Hindi natin alam baka mabihag tayo nang mga kawal ni Juantorio." "Kailangan kong makakita nang ebedensiya bago kuminang ang Hantala. Hindi pa sila nakalalayo palagay ko!" Malakas ang loob ni Maria na tumungo sa Doryang Timog kahit tanaw-tanaw niya ang masukal na lagusan patungong Galgotha. Napalunok ang prinsesa at bahagyang nakaramdam ng takot ngunit kaagad ding bumawi at tinapangan ang ekspresyon ng mukha. "Para sa Burgandia.." usal ni Maria bago tuluyang lumakad palapit sa lagusan. GALADIA-Doryang Silangan "Haraya, hindi pa ba tayo kikilos at hahanapin ang ating mga kasamahan? Si Datuwana?" ayon sa isang pinuno sa silangang Galadia. Nagpupulong ang buong konseho ng mga diwata ukol sa malaking suliranin na kinakaharap nila, sapagkag maging hanggang ngayon ay wala silang makalap na balita tungkol sa misteryong pagkawala nang ilan sa kanilang manggagawa at pinuno ng mga lahi nang diwata. "Kailangan nating pag-isipan ang mga hakbang upang mabawi ang si Datuwana at mga diwata sa kamay ni Ulna." ani Haraya Malaki ang hinala nang konsehong ang matandang manggagaway ang may kinalaman sa pagkawal ng mga manggagawa ng bantay-talon. Hindi ibig ni Haraya'ng manghingi ng tulong sa ilang mga engkantada sa apat na sulok ng Galadia, ngunit kung para sa kapakanan ng kanyang manggagawa'y hihingi siya ng tulong kina Narsus, Diwatano, at Questas. "Kailan pa Haraya? Sadyang nababahala na ang ilang diwata sa pagkawala ng kanilang mga kaanak?" anang isa sa mga konseho. "Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang mga kasamahan ninyo..." Nagtinginan lamang ang mga ito at tila hindi kumbinsido sa mga sinabi ng engkantada, subalit bilang paggalang sa bantay-talon ay sumang-ayon na lamang ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD