KABANATA 14.1

3024 Words
NAPAKADILIM SA LAGUSAN PATUNGO sa Doryang Timog ngunit hindi iyon ang kinatatakot ni Maria, kundi ang matutuklasan ng dalaga sa lalaking mapapangasawa o mamumuno sa Burgandia. 'Hindi kaya sinadya niyang magkunwaring taga-hilaga upang makapasok sa kaharian? O baka isa siya sa mga tauhang inutusan ni Juantorio upang tuluyang masakop ang buong Burgandia?' Nang makapasok si Maria sa Galgotha'y halos mangalinsag ang kanyang buong balahibo dahil sa nakakakilabot na tanawin sa loob ng kagubatan. Maging si Pinkie ay napakapit sa prinsesa dahil sa takot na sadyang namamayani sa magkaibigan. "Prinsesa Maria, bumalik na lamang kaya tayo sa Galadia? N-Nakakatakot maglakad dito..." halos nakalubog na'ng Hantala kung kaya mas doble ang dilim sa Galgotha dahil na'rin hindi ito masydong nasisinagan ng Hantala. Marami ang mapanganib na nilalang sa lugar, mababangis na engkanto, maninilang Hadrum o maging ang mga bunga'y nagtataglay ng lason. "Pinkie, 'di matatahimik ang aking kalooban lalo't natuklasan kong hindi nagsasabi ng totoo si Prinsipe Leon o maaaring hindi rin iyon ang kanyang totoong pangalan. Nagbabalatkayo ang lalaking iyon." "P-Pero.." "Nasa panganib ang Buong Emerit kung tuluyang mapasakamay ng estranghero ang palasyo. Tiyak na madadamay hindi lamang ang Burgandia ngunit maging ang Galadia o Harandia sapagkat mayroong maitim na puso ang nagbabalak humawak sa Elixir." paliwanag ni Maria sa munting diwata. Mahahalatang nakumbinse ang munting diwata sa mga ipinahayag ng prinsesa. "Hindi kaya mayroong kinalaman ang mga iyon sa pagkawala nina Datuwana?" dugtong pa ni Pinkie. Napaisip din ang dalaga na maaaring posible ang hinuha ng kanyang munting kaibigan, subalit wala silang mapatutunayan kung hindi makakakuha nang matibay na pruweba upang maisakdal ang lapastangan. Dahan-dahang naglakad ang dalaga sa mga siit ng kakahuyan kahit dinadaga ng takot ang puso. Kailangan niyang maging maingat dahil nakataya sa mga kamay ni Maria Crex ang kaligtasan nang buong kaharian. Hindi makapapayag ang prinsesang 'di malaman nang kanyang ama ang maitim na balak ng estrangherong nagbabalat-kayo. Sumuot si Maria sa ilang mga matitinik na halaman, ngunit tinitiyak na hindi masasagi ang anuman sa kanyang balat sapagkat karamihan sa mga sangang nakapalibot sa tarangkahan ng Galgotha'y may taglay na lason. Ilang mili-segundo ang nakalipas nang makaamoy ang dalaga nang masangsang na aroma. "Kailangan nating magtago, Prinsesa Maria baka si Prinsipe Leon ang nakasakay sa naaamoy kong Hadrum." paalala ni Pinkie. Buti na lamang ay naabutan ang misteryosong binata kasama nang kanyang nakakikilabot na alagang engkanto. Ngayon lamang talaga siya nakasaksi ng ganoong nilalang na tanging sa mga kwento lamang ni Maria naririnig sapagkat ang mga nilalang sa Galadia'y malaki ang pagkakaiba kompara sa naturang engkanto. "S-Sige, tumungo tayo sa bandang kaliwa." suhestiyon ko. Tumango ang munting kaibigan saka lumipad gamit ang maliliit na pakpak. Kababakasan ng takot ang dalaga habang nakasunod kay Pinkie, kalauna'y hinawi ng prinsesa ang makakapal na dahon sa pinakagitnang parte nang kakahuyan. Doon tuluyang natuklasan ni Maria ang pinakatatagong lihim lalo't kitang-kita ng dalawang mata ang itinaas na botelya ni Prinsipe Leon. "Muli na naman niyang gagamitin ang likidong iyon." napatakip sa bibig ang maliit na diwata nang unti-unting lagukin ng binata ang kulay lilang likido sa loob nang maliit na sisidlan. Sa ilang mili-segundong pagmamasid ay halos magulantang ang dalawa nang tuluyang alisin ng binata ang salakot na nakapandong sa kanyang ulo. "H-Hindi maaari!" napasinghap ang dalaga sa nadiskubreng lihim ni Prinsipe Leon. "P-Prinsesa...siya...natatandaan ko." nangangatal ang maliit na boses ni Pinkie bago magkapanabay na tumingin sa isa't-isa. "Pinkie, anong gagawin natin?" bulong ko. Sa patuloy na pag-atras sa pinagtataguan dahil sa mga nakagugulat na lihim ay hindi sinasadyang makatapak si Prinsesa Maria ng mga sanga dahilan upang makalikha ng ingay ang dalaga. "Sino iyon?" mabilis lumingon ang binata sa pinagtataguan ng dalaga maging ang alagang engkanto ng lalaki, subalit hindi na masyadong binigyan nang pansin saka naglakad patungo sa nakakatakot na tarangkahan, kung saan nakatirik ang pinakamalaking palasyo sa Galgotha. Napatiim-bagang ang prinsesa sa lalong kahindik-hindik na nadiskubre sa prinsipe. Hindi Astramos ang kanyang tahanan sapagkat mas malala sa inaasahan dahil ito mismo ang pinuno ng buong Galgotha. "Si Juantorio!" usal ni Pinkie kapagkadaka. Nanghihilakbot ang ekspresyon ng kaibigang diwata at maging ang dalaga. "Lalong kailangang malaman ni ama ang ginagawa niyang panlilinlang, Pinkie. Hindi ako makapapayag na mapasakanya ang Elixir sapagkat tinitiyak kong marami ang daranas ng hirap kung sakali mang hirangin siyang hari ng Burgandia." nahihintakutang pahayag ni Maria. "Kailangan nating makabalik sa Burgandia sa lalong madaling panahon, Prinsesa Maria!" anas ni Pinkie subalit tutol ang nararamdaman ng prinsesa sapagkat kinakailangan niyang makakuha ng matibay na ebedensiya upang mapaniwala ang ama. Tinitiyak ng dalagang hindi basta-basta magdedesisyon ang hari kung walang makalap na rason upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib sa naturang lapastangan. "Hindi, Pinkie. Kailangan nating sundan sa loob ng palasyo ang lalaking iyon." "Nahihibang ka na Prinsesa Maria. Delikado ang naiisip mo...maaaring mahuli tayo ni Juantorio." pagpapaalala ng kaibigan kay Maria. "Pinkie, hindi maniniwala si ama hangga't wala tayong malinaw na pruweba." Napakamot sa ulo ang diwata bago sapilitang sumang-ayon sa desisyon ng dalaga. Ilang sandali na nag-isip nang paraan kung paano makapapasok sa Galgotha nang hindi makikita ni isa man sa mga tauhan ni Juantorio. Maya-maya'y gumapang si Maria sa ilang mga damuhan sa bandang likuran ng palasyo upang walang masyadong bantay kung sakali. "Prinsesa, ibulsa mo ang katas ng Galaxia." utos nito sapagkat madali na lamang sa kaibigan ang sumuot sa mga malalagong d**o sa likod ng tarangkahan dahil sa pagiging munti ni Pinkie. Masyadong mahirap ang pinupwestuhan mi Maria ngunit patuloy lamang siya sa paggapang hanggang sa makarating sa itim na pintong nagbubuklod sa bungad ng Galgotha at nang palasyo ni Juantorio. "Pinkie, Pinkie!" tawag ng dalaga. "Shhh." saway nito. "Ito na yata ang likod ng palasyo niya..." bahagyang nilingon ang paligid bago nagmamadaling lumapit sa nakapinid na pinto. "Paano bubuksan 'to?" kinapa-kapa ni Maria ang itim na pintuang kahoy na gawa pa yata sa matibay na sanga ng Damortis. "Baka kailangan nating itulak ng malakas?" "Hindi maari dahil maririnig tayo." anas ni Maria saka nagpalingon-lingon sa paligid ng pintuan, hanggang sa mayroong mapansing nakaukit na Diyanera sa gilid. Ang Diyanera ay tawag sa lenggwaheng ginagamit ng mga ninuno ng Burgandia. "Hindi ako marunong magbasa ng Dyanera mahal na prinsesa." matapat na pag-amin ni Pinkie. "Huwag kang mag-alala, nakababasa ako ng lenggwahe nang aking mga ninuno." anito. "Anong ibig sabihin ng mga nakaukit?" kuryosong tanong ng kaibigan nito. "Dias soli her senarko-Ilapat ang noo sa sirkulo" bigkas ni Maria. Hindi nagpatumpik-tumpik ang dalaga at mabilis na hinanap ang hugis sirkulo sa naturang pinto, hindi nabigo ang prinsesa sapagkat nang idinikit ni Maria ang noo sa pinakagitnang bahagi'y unti-unting nagsigawalan ang hugpong ng dalawang magkadugtong na dahon ng pinto. Bumukas ang lagusan subalit ang bumungad sa dalaga'y isang madilim na daanan na halos walang matanaw mula sa kinatatayuan. "S-sigurado ka bang papasok tayo diyan, Prinsesa Maria?" napakapit si Pinkie sa laylayan ng kanyang pantulog na bestida tila pinipigilan sa binabalak na pagsuot sa nakakatakot na daanan. "Kailangan nating makakuha ng iniinom niyang botelya, Pinkie. Wala tayong maipapakita kay ama." giit ng prinsesa. Napalunok ang kaibigan na sadyang kababakasan ng pagtutol sa ekspresyon nang mukha, ngunit hindi rin nagpapigil at tuluyang sumunod sa dalaga kahit hindi alam kung saan patungo ang bahaging iyon nang palasyo. Sa paglalakad ay dinig na dinig ni Maria ang ilang mga patak ng tubig na nanggagaling sa kisame. "Anong tawag sa lugar na 'to? Tila wala tayo sa sa palasyo ni Juantorio, mahal na prinsesa?" umaalingawngaw ang maliit na boses ni Pinkie, tanda na nasa kailaliman kami nang kaharian. "Mukhang lagusan patungo sa bilangguan nila?" hula ni Maria ngunit imbis bumalik sa bungad ay matapang na sinuong ng dalaga ang madilim na bahagi ng Galgotha. Ilang hakbang ang kanyang ginawa nang muntik mawalan ng balanse ang prinsesa dahil sa hindi pantay ang kinatatayuan. Mula roon ay kinapa ng isang paa ni Maria kung anong mayroon sa tinatapakan niya hanggang sa dumire-diretso ang dalaga pababa sa hindi maipaliwanag na daanan. Napasama si Pinkie sapagkat nakasuksok ito sa bulsa ni Maria dahil narin sa karuwagang nararamdaman ng kaibigan. Napasalampak ang dalaga sa malapit sa hagdanan na naging sanhi nang kanyang pagkahulog. Umingit nang mahina ang prinsesa sapagkat muli siyang nahulog sa kung saan. "Tss, ang sakit." hinimas niya ang sariling balakang ngunit nawala sa iniinda ang konsentrasyon ni Maria nang kalabitin ni Pinkie ang dalaga nang sunud-sunod. "Pinkie, huwag ka munang manggulo. Masakit talaga 'tong beywang ko." "P-Prinsesa..." "Kaunting hintay, Pinkie. Tss, ang sakit talaga." anito. "P-Prinsesa..." "A-Ano bang--" Nanlaki ang mga mata ni Maria nang lingunin ang nais ipakita ng kaibigan, halos hindi makahuma ang dalaga sa nakikitang lugar na kanilang pinagbagsakan. Sari-saring botelya ang naroroon, maging ang ilang mga halaman o sangkap na gagamitin sa kung saang lason o kung anumang maging sanhi ng mga bagay na iyon sa isang Emeritian. "A-anong lugar ito, Pinkie?" bulong nito. "Si U-Ulna." "Ulna?" nagtatakang ulit ni Maria. "Ang mortal na kaaway ni Haraya at nang aming buong lahi." nanginginig ang munting diwata marahil sa takot o pagkabahala. "A-Anong mayroon kay Ulna?" "K-Kaya niyang gawin ang anumang naisin niya sa isang ordinaryong Emeritian, Prinsesa Maria." Marahil sa kanya nanggaling ang botelyang hawak ni Juantorio kanina. Paanong hindi nahalata ni ama ang kagaspangan o pagkakaiba ni Prinsipe Leon kay Prinsipe Leopoldo. Kalauna'y natigilan ang dalawa sa kanilang mga hinuha ukol sa mga kasangkapang naroroon. Nakarinig nang yabag mula sa hagdan sina Maria at maging pamilyar na boses ng mga kalalakihan, rason para manlaki ang mga mata nila. "Ulna!" tawag ni Juantorio mula sa pinaghulugan ni Maria. Dahan-dahang sumilip ang prinsesa maging ang munting diwata at nakita nilang mayroong dalang sulo ang lalaki. Kasama nito ang enkantong nagtatago sa kanyang likuran; nagsisitaasan ang balahibo sa batok ni Maria dahil sa mga nadidiskubre maging ang pagsulpot ng tinatawag nilang Ulna'y nakapagdala nang kakaibang rimarim sa puso ng prinsesa. "Hihihi! Mukhang nagtagumpay ang hari ng Galgotha." anang manggagaway. "Hindi ko kailangan ang papuri nang sinuman. Kailangan mong kumilos at makagawa ng panibagong lason o mahikang mas makatutulong sa'kin upang tuluyang makontrol ang lahat ng Emeritian." pahayag nito. "Hindi pa ba sapat ang lila?" litanya ng matanda. "Sundin mo ang ipinag-uutos ko." Tumawa lamang nang nakahihindik ang manggagaway bago binuksan ang isang platera, na mas ikinagulat nina Maria at Pinkie. "Si Datuwana!" saad ng munting diwata kay Maria subalit napatakip nang madalian dahil maaaring marinig ang kanya hiyaw. Natigilan ang matanda sa pagbubukas ng mga platera saka lumingon malapit sa pinagtataguan namin. "Mayroon ka bang kasama maliban sa pangit na engkanto sa likod mo." matalas na anas ni Ulna. "Wala." maikling saad ni Juantorio. "Sigurado ka? Kailangan mong mag-ingat na malaman ng mga taga-Burgandia ang itinatago mo." buryong tumingin ang hari sa manggagaway saka sumenyas na ipagpatuloy ang gagawin. Hindi mapakali ang mukha ni Pinkie lalo't nakikita niya ang mga kasamahang nakakulong sa makapangyarihang garapon. Pilit silang humihingi nang tulong subalit hindi naririnig ang kanilang mga boses habang ang pinunong Datuwana'y wala na yatang malay sa lasong nakakabit sa kanyang buong katawan. "P-prinsesa, tulungan natin ang mga kalahi ko." naiiyak ang diwata sapagkat walang magawa sa sitwasyon. "Shh." saway ni Maria dahil maaari silang mahuli ni Ulna. Kinuha ng manggagaway ang kanyang makapangyarihang botelya na naglalaman ng pulang likido saka isinalin sa napakaliit na sisidlan. "Anong nagagawa nang posyon mong iyan?" ani Juantorio habang nakahalukipkip. "Hi-hi-hi isang patak para sa kontroladong utak ng hari." nagkatinginan ang dalawa animo nagkakaintindihan sa masamang balak saka magkasabay na tumawa. Pinipigilan lamang ni Maria si Pinkie ngunit parang gustong kumawala ng diwata upang sagipin ang iba pang bihag ni Ulna. "Kailangan nating mag-ingat, Pinkie. Kailangang makakuha tayo ng lilang botelya upang makapagbigay ng patunay." "Gaya nang napag-usapan." determinado ang mukha ni Pinkie lalo't nakompirmang nasa kamay nga ni Ulna ang ilang kalahi.. Matapos ipasa ng manggagaway ang botelya kay Juantorio'y wala pa sa mili-segundong umalis ang hari sa tirahan ng matanda. Naghintay ang dalawa nang ilang sandali bago lumipad si Pinkie malapit sa mga nakahilerang sangkap ni Ulna. Dahan-dahan ang kanyang yabag subalit sa pagkakataong iyon ay napahinto ang diwata. "Hindi mo 'ko maiisahan, kung sino ka mang lapastangang narito sa'king tirahan." anang matanda, rason para manlaki ang mga mata ni Pinkie saka unti-unting lumingon sa matanda. Laking pasasalamat ni Pinkie na'ng tangi lamang ginagawa nang matanda'y niririkisa ang ilang bahagi ng tahanan tila hinahanap ang kakaibang presensiyang nararamdaman. Sa pagkakataong iyon ay nagmamadaling hinablot ni Pinkie ang natitirang botelya sa gilid ng mesa, pinilit niyang buhatin at ilagay sa sisidlan kahit mas malaki ito. 'Kaunti na lamang, Pinkie. Makukuha mo rin iyan...' piping usal ni Maria habang minamatyagan ang kilos ni Ulna'ng patuloy na nagmamasid sa paligid upang mahuli ang kakaibang presensiyang dala ng mga Emeritian. Lumipad ang diwata kahit halatang nahihirapan sa bigat ng botelya ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Pinkie ng mahulog ang nasagi niyang sisidlan patungo kay Maria, rason upang makalikha ng ingay. "Sino iyan! Kapag nahuli ko ang lapastangang tumutungo sa'king tahanan ay gagawin kong pakak habang buhay!" lumapit si Ulna malapit sa kinatataguan ni Maria, dahilan upang ibuhos ng dalaga ang natitirang dakot ng Galaxia upang hindi siya makita nang matanda. Sumilip si Ulna sa mismong kinukublihan ng prinsesa ngunit gaya ni Juantorio ay hindi siya nakita ng manggagaway dahil sa bisa nang katas ng Galaxia. Samantala, eksaktong nakalapag si Pinkie malapit sa paanan ni Maria kung kaya mabilis siyang nakapagtago sa likuran ng prinsesa. Maya-maya'y tumigil si Ulna sa paghahalughog sa kanyang sagradong lugar, saka umalis patungo sa kung saan. Doon pa lamang nakahinga ng maluwag ang dalaga maging ang kaibigan at dahan-dahang tumalilis palayo sa pinakailalim ng kastilyo. Binagtas nila ang diretsong lagusan saka kinapa nang prinsesa ang pintuang mayroong nakaukit na Dyanera. Muling gumapang palayo ang prinsesa sa kaharian ng Galgotha. "Prinsesa, kailangan nating manghingi ng tulong. Iligtas natin ang aking mga kalahi." nag-aalalang saad ni Pinkie. "Pangako, Pinkie. Makalayo lamang tayo sa lugar na ito'y hihingi tayo nang tulong sa bawat kaharian sa hilaga, silangan at kanluran." "Si Prinsipe Leopoldo, mahal na prinsesa. Maari niya tayong matulungan." suhestiyon ni Pinkie. Hindi alintana ni Maria ang paggapang sa maiitim na damuhan sa mismong tarangkahan ng Galgotha upang makaalpas lamang sa malagim na lugar sa Doryang-Timog. Ilang pagtitiis ang kanilang ginawa bago sila nakalampas sa bakod ni Juantorio. Nagmamadali si Maria at Pinkie na tuluyang makauwi upang maipaalam sa Haring Buendia ang kabulukang lihim nang Hari ng Galgotha. "Humihingi ako nang lakas ng loob Emeritus" mahinang dasal ng prinsesa. HARANDIA-Doryang Kanluran Nakakalumbaba ang prinsipe sa tapat nang kanilang malawak na hardin, kung saan nakatingala sa ikaanim na pagkinang nang Hantala. Iniisip niya ang maaaring mangyari kung sakaling ikasal ang prinsesa sa isang estranghero. Nakapagtataka para sa isang prinsipeng nanirahan mula pagkabata sa Doryang lupain subalit ni minsan ay hindi pa naulinagan ang kaharian ng Astramos. Parang mayroong mali sa mga nangyayari ngunit kailangan irespeto ang pasya ni Haring Buendia. Ilang mili-segundo pa ang inalagi ni Prinsipe Leopoldo sa kanilang bungad at akmang babalik sa loob ng Harandia nang may tinig na tumawag sa kanya sa pinakaibabang bahagi ng kastilyo. "Prinsipe Leopoldo!" mahinang usal. "Sino ka?" hindi nita matanaw ang nagmamay-ari nang mahinang tinig. "Prinsipe Leopoldo!" Hinawi ng binata ang ilang baging na nakadikit sa tarangkahan at doon namasdan ang dalagang nakasalakot. "A-anong kailangan mo? Delikado ang maglakbay ng ganitong disoras mili-segundo." paalala sa babae. "Ako ito." inalis ng dalaga ang nakaharang sa ulo dahilan upang magulat ang binata. "Prinsesa Maria Crex, anong ginagawa mo sa aming kaharian ng ganitong oras?" nagtataka ang binata subalit hindi nagawang magsalita nang walang paalam na akyatin ni Maria ang puno upang makatawid sa kinaroroonan ni Leopoldo. "S-Sandali, baka ikaw ay mahulog." paalala ng prinsipe. "Kailangan kitang makausap sa lalong madaling panahon. Kailangan ko ang tulong mo!" walang patumpik-tumpik na saad ng babae. "Huh?" "Ako rin! Kailangan ko ang tulong mo!" saad ng maliit na boses kung saan sumulpot ang ulo nang munting diwata sa bulsa ni Maria. "T-Teka, naguguluhan ako... Bumaba ka riyan mahal na prinsesa at sa hardin tayo mag-usap." "Wala nang oras. Bukas sa ika-pitong pagkinang ay i-aanunsiyo ni ama ang aking pakikipag-isang dibdib sa isang huwad at hari ng Galgotha!" bulalas ni Maria. "A-anong ibig mong sabihin?" nanlaki ang mata ni Leopoldo, animo hindi makapaniwala sa sinasabi ni Maria. "Si Juantorio Gladi ng Galgotha. Siya ba ang tinutukoy mong ikakasal sa'yo? Paano nangyari? Paano si Prinsipe Leopoldo!" anang prinsipe. "Isang huwad na hari ng Astramos!" tumiim ang bagang ng babae. Halatang nagulat ang prinsipe sa mga rebelasyong narinig mula sa prinsesa at doon napagtagni-tagni ang mga pangyayari sa mga panahong nakikipagtunggali sa lalaki. Kaya pala madalas siyang nahuhuli at ang dragonika'ng mapanghi ay isa ring Hardum na nagbabalatkayo. "Nasa panganib ang buong Emerit, Prinsipe Leopoldo." Napipilan ang binata habang malalim na nag-iisip kung paano matutulungan ang dalagang makaligtas ang buong Burgandia sa bagong hihiranging hari. Isang malaking suliranin ang maaaring dalhin ng haring iyon at tinitiyak ni Maria'ng ang habol lamang ni Juantorio ay ang Elixir na hawak ng kanilang palasyo. Kapag nagkataon ay magiging kontrolado ni Juantorio ang buong ekonomiya at pagkakaisang nagbubuklod sa bawat palasyo maliban sa Doryang Timog. "Kailangan ding malaman ni Haring Buendia ang mga bagay na iyong nalalaman kung gayon ngunit paano natin mapapatunayan." sabad ni Leopoldo bilang pakikiisa sa nakahandang laban na magaganap sa ika-pitong pagkinang. "Mayroong dalang lila si Pinkie na nankuha namin sa lugar ni Ulna." "Tumungo kayo sa Doryang Timog? Labis na mapanganib ang lugar na iyon! Hindi ka dapat---" "Hindi na mahalaga iyon, Prinsipe Leopoldo. Ang tanging kailangan ko ay maiparating sa'king ama ang maitim na balak ni Juantrio!" Ipinaalala ng binata ang maaaring maganap kung magkaroon ng pagbubunyag sa lihim kaya nagbigay ang lalaki nang tulong na hukbo kung sakaling magdala si Juantorio ng ilang padrino sa pagtungo niya sa Burgandia. Dadanak ang dugo para lamang hindi magtagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan ayon sa prinsipe. "Ihanda natin ang ating mga sarili kung sakali, Prinsesa Maria Crex dahil tinitiyak kong hindi makapapayag si Juantorio na hindi mapatawan ng kapangyarihan ang kanyang kapa bilang bagong hari." "Tutulong ako, sampu ng mga diwatang nakatira sa Galadia!" presenta ni Pinkie. Nais manindigan ng munting diwata upang mabawi ang kanyang mga kalahing bihag ni Ulna. Nangako si Maria kay Pinkie na tutulungan o pakakawalan ang lahat ng mga diwatang nasa panganib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD