KABANATA 15.1

3019 Words
Nanatili si Maria at Pinkie sa Harandia at hinintay nila ang pagkinang ng ika-pitong Hantala, upang paghandaan ang pagtungo ni Juantorio sa Burgandia. Marahil para kuhanin ang titulo bilang bagong hari. 'Hindi ako makapapayag!' usal nang dalaga sa isip habang nakahiga sa silid na inilaan ni Prinsipe Leopoldo sa kanilang dalawa ni Pinkie. Tulog na halos lahat ng mga tao sa palasyo subalit gising na gising ang diwa ni Maria dahil sa mga nasaksihang lihim nang binatang pakakasalan. Hindi rin alam ng hari at reyna nang Harandia na tumungo sila sa palasyo o nakitulog. Ipapaliwanag na lamang nila ang tunay na dahilan kung sakali. Ika-alasais mili segundo ay gumising ang dalawa saka pumanaog sa kastilyo nina Prinsipe Leopoldo. Nagkabungguan si Maria at ang pinakabatang anak nina Haring Cantor at Reyna Penelope kaya hindi maiwasang manlaki ang mata ni Prinsipe Ricardo. "A-ano, ang, -uh si kuya tatawagin ko doon este doon pala..." hindi malaman kung saan tutungo lalo't parang iba na yata ang iniisip sa pagkikitulog ni Maria sa Harandia. "Tamang-tama kailangan kong makausap si Prinsipe Leopoldo." nakangiti ang prinsesa. Naputol ang pag-uusap nila nang bumungad ang munting diwata habang nakaunat ang dalawang kamay saka humikab tila 'di alintanang hindi lamang si Prinsesa Maria ang naroroon sa kanyang harap. "Magandang umaga, Prinsesa Maria!" malapad ang ngiti ni Pinkie subalit napalis lamang ito nang mamataan ng diwaatang hindi nag-iisa ang prinsesa. Halos mangamatis ang buong mukha ng kaibigan nang dalaga saka nagmamadaling nagtago sa loob ng bulsa ni Maria. "Pinkie..." tawag nito. "B-bakit, Prinsesa Maria Crex?" nag-aalinlangang tanong ni Pinkie. "Batiin mo rin si Prinsipe Ricardo." anang dalaga sa matalik na kaibigan. Ilang mili-segundong walang kibo ang diwata bago sumulpot ang ulo sa bulsa ni Maria. "Magandang umaga!" anito saka muling bumalik sa pinagtataguan nito. Napailing na lamang ang babae sa mga ikinikilos nang kaibigan lalo't kaharap ang nakababatang kapatid ng prinsipe. "Magandang umaga magandang diwata na nasa bulsa ni Prinsesa Maria Crex." pilyong nakangiti ang kapatid ni Leopoldo bago tumungo sa silid nang nakatatanda. Humagikgik lamang ang dalaga habang nararamdaman ang panunundot ni Pinkie mula sa loob ng bulsa, tila sinasaway ang kaibigan sa ekspresyong ipinapakita. "Maaari ka nang lumabas sa'king bulsa, Pinkie. Umalis na si Prinsipe Ricardo." patuloy ang babae sa panunukso hanggang sa lumabas nga ang munting diwata mula rito. Umirap nang bahagya saka nagpatuloy sila sa paglalakad sa pasilyo subalit mayroong tumawag mula sa bandang likuran kasama ang nakababatang kapatid. "Gising na pala kayo, Prinsesa Maria." anang baritonong boses ni Leopoldo. Hindi malaman ni Prinsesa Maria Crex ang gagawin nang madinig ang prinsipe mula sa likuran. Mabilis napalingon ang dalaga hanggang sa magtama ang kanilang paningin ngunit walang maapuhap salita sa bawat isa. "Uh, ah, ipapabatid ko kila ama't inang tumuloy ka sa palasyo maging ang suliraning kinakaharap ng Burgandia." "H-Huwag. A-ang ibig kong sabihin, huwag mo munang ipaalam ang tungkol kay Juantorio, prinsipe d-dahil baka magkagulo ng hindi tayo handa." Kumibot ang labi ng binata saka marahang sumang-ayon sa babae. Maya-maya'y tumikhim ang nakababatang kapatid ni Leipoldo kaya magkasabay na gumawi ang kanilang mga mata sa binatilyo. "Maaari kaming makatulong ni Kuya Arnulfo." suhestiyon nito. "Delikado!" "N-ngunit kuya, kung nasa panganib ang buong Emerit hindi ba't marapat na makiisa upang mapabagsak ang hari ng Galgotha?" pangangatwiran ni Ricardo. Natigilan ang dalawa ngunit mababakas ang pag-aalala sa maaaring maging epekto ng natuklasan laban sa hari ng Doryang-Timog Galadia-Doryang Silangan "Nalalapit na ang wakas, propesiya ay mangyayari sa panahong hindi matatarok ng Emeritian!" Sari-saring eksena ang patuloy na lumilitaw sa balintataw. Hindi maintindihan ni Haraya kung kailan makakaalpas sa naturang kalagayan, hanggang sa mga eksenang nabasag ang Elixir at namataan ang repleksiyon ni Prinsesa Maria mula sa makinis na piraso nito habang nakakalat sa sahig. Doon napabalikwas ng upo ang bantay-talon saka mayroong pagmamadaling ibinuka ang talulot ng kamarilyo na siyang nagsisilbing proteksiyon ng mga diwata sa lamig ng gabi. Hindi lubos maisip ng diwata kung paano pipigilan ang nakatakdang maganap. Nagbabadya ang pagkalito sa isip lalo nang maalala ang repleksiyon ni Maria sa mga Elixir na nagkapira-piraso. 'Isang nakakatakot na katapusan yata ang kahahantungan ng prinsesa?' Lumingon sa kalangitan si Haraya kung saan kitang-kita ang liwanag ng Hantala, subalit nanlaki ang kanyang mata ng mayroong bumulusok na pulang kumintang sa gitnang bahagi ng kalangitan. "Isang pangitaing marapata malaman ng buong Emerit." bulong sa sarili. Nahulog sa pag-iisip ang diwata kung paano niya matutulungan ang Burgandia, gayong ang kanyang nasasakupan ay kinukubkob rin ng suliranin dahil sa pagkawala ng ilang diwata kasama ang kanilang pinunong si Datuwana. Alam sa sarili kung sino ang may pakana ng lahat subalit hindi ganoong kadali ang lumusob ng walang kongkretong plano. Isang pagkakamali kung isasapalaran ng bantay-talon ang ilang mga natirang manggagawa ng Galadia. Burgandia- Doryang Hilaga Patungo si Wanda sa silid ng prinsesa, desido ang Dama'ng daluhan ang dalaga tuwing umaga upang sana'y ipaalala rito ang ilang tagubilin nang hari, ngayong tutungo ang mapapangasawa ni Maria Crex sa ika-pitong pagkinang ng Hantala. Nang kumatok sa silid ang dama'y walang bumubukas nito, kung kaya dahan-dahang pumasok ang babae subalit sa kanyang paghakbang sa gilid ng kama'y namasdan ni Wanda'ng nakatalukbong ang prinsesa ng kanyang sedang kumot. "Prinsesa, kailangan niyo pong bumangon sapagkat naghihintay na ang inyong ama sa dulong ng hapag kainan. Prinsesa Maria Crex?" unti-unting hinila ng ginang ang kumit at nadiskubreng wala roon ang dalaga. Nagulantang ang Dama, rason upang mapatakbo sa pasilyo at i-anunsyo ang pagkawala ng prinsesa. Kaagad kumilos ang mga kawal upang halughugin ang paligid ng Burgandia o maging sa ordinaryong pamilihan upang malaman kung saan tumungo ang prinsesa. Kasalukuyang nakamasid ang hari sa terasa habang tinatanaw ang mga kawal ni Kumando'ng patuloy na lumalabas sa malaking harang na naghahati sa palasyo at payak na Emeritian. Nakasakay ang mga ito sa kani-kanilang unicorn at halos tuliro ang ilan sapagkat delikado o maselan ang ganoong kaganapan. Naputol ang nakababahalang mukha ni Haring Buendia ng maramdaman ang haplos nang minamahal na asawa sa kanyang balikat. "Mahal, huwag kang mag-alala sapagkat makikita rin ang ating anak." pagbibigay lubag ni Reyna Crexia. "Sana nga mahal ko. Kung mayroong mangyari sa ating anak ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Lalo't nasa paligid lamang ang ating mga kalaban partikular kay Gladi." ang tinutukoy ay ang hari ng Galgotha. Tumingin lamang sa malayo ang mag-asawa upang umusal ng panalangin kay Emeritus. Hindi nila malaman kung anong sabihin sa prinsipe ng Astramos, lalo kung malaman nang binatang nawawala ang kanyang mapapangasawa. HARANDIA-Doryang Kanluran Ipinasya ni Prinsesa Maria at Prinsipe Leopoldong huwag magpakita sa mga kawal ng Harandia, sapagkat maaaring maging dahilan ito nang mas malaking kaguluhan. Kailangan muna nilang pag-isipan ang mga hakbang upang sa gayon ay mapigilan ang masamang tangka ni Juantorio Gladi laban sa buong Emerit. Sa tulong ng mga kapatid ni Leopoldo ay nakaalpas sila sa kaharian ng Harandia. Lihim ang kanilang paglisan sa kastilyo sapagkat kailangang maglakbay patungo nang gitnang bahagi ng Galadia. "Kailangan nating isangguni kay Haraya ang marapat gawin, Prinsesa Maria Crex." suhestiyon ni Pinkie. "Sasamahan ko kayo, Pinkie. Kailangan nating mapigilan si Juantorio, bago pa niya tuluyang malinlang ang hari sa kanyang maitim na balak." sabad ni Leopoldo. Kasalukuyan nilang tinatahak ang hilagang bahagi ng Galadia. Mayroon ditong daan upang mapabilis ang pagtungo sa Doryan-Silangan. Sa kanilanh paglalakbay ay namasdan ang maliit na kastilyong nakatalaga sa mismong gitna ng kakahuyan. "Doon tayo tumungo." utos ni Pinkie tila mayroong iniiwasan sa magarang kastilyo dahil napansin ni Maria na umirap ang munting diwata. Napakamunti ng kaharian ngunit makikita ang mga ginto o diyamanteng nagkalat sa paligid, maging ang iilang kawal na nakatayo sa maliit na pintuan. "Nakamamangha ang mga nasa paligid ng maliit na kastilyo." bulalas ng prinsesa. "Ngayon ko lamang namasdan ang lugar na ito sa Galadia." anaman ni Leopoldo na tila kakikitaan ng pagkamangha lalo nang mamasdan ang tahimik na kalakalan sa gitnang bahagi ng kastilyo. Ang mga munting diwata'y nakasuot ng mamahaling mga damit, habang ang ilan ay magagarang kagamitan ang dala-dala. "Hmp!Magara nga, masasama naman ang budhi lalo nang antipatikong diwatang iyon," nakakipkip ang braso ni Pinkie sa kanyang dibdib at matatalim na irap ang pinakakawalan. "Tila mayroon kang namumuong galit sa mga diwata rito sa hilaga, Pinkie?" mababakas ang pagtataka kay Maria. "Mayroong antipatiko, hambog, at mayabang na diwatang nakatira sa palasyong 'yan!" nakatalikod si Pinkie malapit sa palasyo. "At sino naman ang tinutukoy mong antinpatiko, hambog, at mayabang na diwatang nakatira sa palasyo, aber?" mula sa maliit na boses sa gilid ng malaking dahon ng Kamporya. "Ikaw?" singhal ni Pinkie. Nagkatinginan lamang ang prinsesa at prinsipe sa isa't-isa saka makahulugang napangit, animo mayroong iisang bagay na naiintindihan sa mga nangyayari. "At bakit? Masama bang mamasyal sa bakurang pagmamay-ari nang aking dughong-dilaw na pamilya?" "Wala akong sinabing masama. Tinatanong kita kung bakit sulpot ka nang sulpot sa kung saan!" Tumikhim si Prinsipe Leopoldo na nakakuha sa atensiyon ng Prinsipeng diwata. Nanlaki ang mga mata ni Diwatano dahil isang beses pa lamang yata siya nakakita ng mga totoong Emeritian. "Isang Emeritian? Anong ginagawa nila rito sa Galadia? Hindi ba't takot ang mga iyan sa paglalakbay sa misteryong nababalot sa Galadia?" imporma ni Diwatano. Yumukod ang prinsipe ng Harandia sa munting prinsipe sa Galadia, maging ang Prinsesa Maria ay gayundin ang ginawa, tanging si Pinkie lamang ang mayroong matatalim na irap laban sa munting prinsipe. "Ikinagagalak naming makilala ang prinsipe ng mga mararangyang diwata sa Hilagang Galadia." pagbibigay galang ni Leopoldo. Tumango lamang si Diwatano, kahit halos gapunggos lamang ang laki ng binata sa prinsipe ng Harandia. "Maging ako'y namamangha sa inyong kaharian." ani Prinsesa Maria Crex. "Salamat mga Emeritian. Isang pambihirang pagkakataong makakilala ng mga kagaya ninyo." Sumilay lamang ang ngiti ng dalawa habang si Pinkie ay tila napipikon sa mga sinasabi nito. "Hindi Emeritian dahil mayroon silang mga pangalan!" "Pinkie..." saway ni Maria sa kaibigan kaya nanggigigil na tumalikod ang munting diwata sa munting prinsipe saka ito lumipad patungong bulsa ng prinsesa. Doon kumubli ang kaibigan ng dalaga upang marahil ay hindi na makabanggaan ang kauri nito. "Anong sadya ninyo sa Galadia? Bakit napagawi yata kayo sa aming bakuran?" Muling nagkatinginan ang prinsipe at prinsesa tila nag-aalinlangang ikuwento ang rason nang kanilang paglalakbay, subalit sa huli'y hindi napigilan ang babalang lumabas sa bibig ni Leopoldo. "Kailangan naming pigilan ang balak na pananakop ni Juantorio sa buong Emerit." "Ang hari ng Galgotha?" "P-Paano mo nalaman ang haring--" naputol ang pagsasalita ni Prinsesa Maria dahil muling sumingit si Pinkie sa usapan. "Wala nang panahon, prinsesa. Baka naroon na ang mga kawal ni Junatorio! O baka hinahanap ka na sa palasyo. Kailangan na nating makarating sa Silangan ng Galadia sa lalong madaling panahon," saka muling kumubli sa bulsa ang diwata. Samantala, humingi ng paumanhin si Leipoldo sa prinsipe dahil kailangan talaga nilang magmadali. "Isang karangalan ang makikilala ka munting prinsipe, ngunit saka na namin sasabihin sng lahat. Kinakailangan na naming lumisan upang makahingi ng payo kay Haraya." "Ang diwata ng mga munting diwatang manggagawa?" Tumango lamang ang mga ito kay Diwatano kapagkadaka'y nagmamadaling tinalikuran ang munting prinsipe. "Nais ko kayong tulungan." Napahinto ang dalawa saka lumingon dito kapagkadaka. "Huwagcm kayong makinig diyan. Isang tuso at hambog ang diwatang 'yan!" singit ni Pinkie. Bumuntong-hininga lamang si Diwatano marahil sa narinig mula kay Pinkie. "Halikayo sumunod kayo sa'kin. Mayroon akong alam na daan upang mas mapadali ang paglalakbay ninyo." Nag-alinlangan nang bahagya ang mga ito subalit sumunod pa rin. Dumaan sila sa gilid ng kastilyo. Naalarma ang ilang kawal ni Diwatano, subalit inutos sa mga diwata na manatiling kalmado dahil sila'y mga maharlikang Emeritian at walang bahid nang anumang tangka sa seguridad ng buong palasyo. Nagtungo sila sa isang malabay na puno, na mayroong kakaibang hibla na mayroong makinang na dahon. "Ito ang puno ng maikling daanan. Pumitas kayo at kumagat sa kanyang matamis na daho. Dadalhin kayo sa inyong paroroonan nang walang kahirap-hirap." Kasinglaki lamang ni Pinkie ang punong sinasabi nang munting prinsipe kung kaya yumukod pa sina Leopoldo at Maria upang pumitas ng maliit na dahong hindi na halos mahawakan sa kamay. Magkasabay nilang kinain ang mga dahon, hanggang sa makaramdam ng napakatamis na lasa animo katumabas ng lasa nang sayap. Ilang mili-segundo ang nagdaan nang hindi nila namalayang nakarating na sila sa Silangan, sa mismong harap ng kamarilyong pahingahan ni Haraya. Namangha ang dalawa sa kanilang naranasan dahil sa tulong ni Diwatano, tuwang-tuwa si Maria sa malaking tulong na ginawa nito, kung kaya nangako sa sarili ang dalagang babalikan ni Maria ang hilagang Galadia upang makapagbigay ng handog, matapo lamang ang suliraning kinakaharap. "Pinkie, nakita mo 'yon? Mabait ang munting prinsipe hindi gaya nang iniisip mo." nakangisi si Maria habang kinakapa ang kaibigan. "Tama si Maria. Hindi mo dapat husgahan ang diwatang kauri mo, Pinkie." pagbibigay payo ng prinsipe. "P-Pinkie?" sinilip ni Maria ang kanyang bulsa ngunit hindi nakita ang kaibigan. "Nawawala si Pinkie, Prinsipe Leopoldo!" Maya-maya'y napaisip ang binata at doon napagtanto kung nasaan ang kaibigan ng dalaga. "Marahil ay naiwan si Pinkie sa Hilagang Galadia, sapagkat hindi siya kumain ng dahon." "A-anong gagawin natin?" kababakasan nang pag-aalala ang prinsesa. Nakuha ang atensiyon nang dalawang Emeritian sa pagbuka ng talulot nang kamarilyo, doon lumitaw ang bantay-talon habang humihigop ng mainit na katas ng sayap. "Ano't nagawi ang prinsipe at prinsesa ng magkabilang panig sa'king nasasakupan?" tanong ng engkantada. "Kailangan namin ang tulong mo, Haraya." Nanatiling tahimik ang bantay-talon, tila hinihintay ang nais iparating na balita. "Si Leon ng Astramos ay si Juantorio Gladi." matapang na saad ni Prinsesa Maria Crex na naging rason upang matapo ang iniinom ng engkantada dahil sa labis na pagkagulat. "A-anong ibig mong sabihin?" "Sinundan namin ang lapastangan sa Doryang Timog." paglalahad ni Maria. "Delikado ang tumungo roon! Kapag nalaman ni Haring Buendia ang iyong ginawa'y maparurusahan ang iyong kasama." nag-aalala si Haraya para sa kanyang masugid na manggagawang si Pinkie. "Akong bahala sa'king kaibigan. Huwag kang mag-alala, Haraya." Napalunok ang engkatanda tila kababakasan ng kaba o takot, na kahit kailan ay hindi pa nakita ni Maria sa naturang bantay-talon. "A-anong natuklasan mo bukod roon?" "Hawak nang kanyang kasabwat na si Tandang Ulna ang ilang mga kalahi ni Pinkie. Naroroon din si Datuwana'ng halos hirap na hirap na nakagapos sa hawlang mayroong mahika." "Emeritus!" napahawak sa dibdib ang mabait na engkantada dahil sa mga narinig. "Narito kami upang sugpuin ang binabalak ni Juantorio. Dahil kapag nagkataong mapasakamay niya ang Elixir ay tuluyang magiging abo ang lahat ng Emeritian."dugtong ni Leopoldo. "A-ang propesiya..." usal ni Haraya habang nakatanaw sa kalangitan, kung saan malapit ng sikatan ng araw. "A-anong propesiya?" tumingin ng diretso ang bantay talon sa mga mata ni Maria. "Tumungo kayo kay Questas at alamin kung paano mapahihinto ang propesiya. Ang tangi lamang maibibigay kong payo ay maging matatag kayo lalo't ang susuungin ng buong Emerit ay hindi biro." Bubuka sanang muli ang bibig ni Haraya upang mag-iwan ng tagubilin, nang mula sa kung saan ay mayroong nahulog sa tasang hawak ni Haraya. "Akin sabi ito!" saad ng maliit na boses mula sa loob ng tasa. "Sinabi nang ikaw lamang ang tumikhim. Bakit kailangan mong kunin ang lahat, ha? Isinubo mo kaya pati ako nadamay sa kalokohan mo!" singhal ng maliig na boses ng lalaki. Hanggang sumulpot ang ulo ng dalawang diwata mula sa tasa. Basang-basa ang mga ito dahil sa natirang katas ng sayap ni Haraya. "Napakasama talaga ng ugali mong diwata ka! Hindi bagay sa'yong maging prinsipe!" "Mas lalong hindi bagay sa'yong maging manggagawa ni Haraya. Nabasa pa ko sa ginawa mong kapilyahan!" umaalingawngaw ang mga boses ng nagtatalong diwata mula sa tasang hawak ni Haraya. Hindi mapigilang matawa ni Prinsesa Maria dahil sa mga nakikitang pagtatalo ng dalawa. Mula roon ay tumikhim si Haraya upang pukawin ang atensiyon ng dalawa na talagang nasa loob pa rin ng kanyang tasa. "Ehem, Prinsipe Diwatano. Isang karangalan na dalawin nang maharlika ng Hilagang Galadia ang aming bakuran dito sa Silangan?" magiliw na pagbati ni Haraya kung kaya natigilan ang dalawa sa pagbabangayan.. "Ikaw pala engkantada ng Silangan, nais ko sanang tanggalan mo ng posisyon ang diwatang palalong ito." utos ng munting prinsipe. "Anong sinabi mo ha?" kalauna'y tinapakan ni Pinkie ang maliit na paa ni Diwatano kung kaya halos magtampisaw ito sa katas ng sayap. "Sumusobra ka na ha?!" namumula ang buong mukha ng maharlikang diwata ngunit nang aambang yayakapin ni Diwatano si Pinkie ay doon namagitan ang engkantada. Sinaway ang dalawa habang walang puknat ang asaran. Samantala ay natatawa lamang si Maria at Leopoldo sa mumunting kaibigan. Hindi rin namalayan na nakaakbay na ang binata sa prinsesa kung kaya nang matauhan au kaagad inalis ng prinsipe ang kanyang braso sa balikat ni Prinsesa Maria. "P-Paumanhin, prinsesa..." Ngumiti lamang ang dalaga saka tumalikod sa mga ito. "T-Teka, galit ka ba? P-paumanhin kung naakbayan kita.." "Kailangan na nating kumilos. Tutungo tayo kau Questas." ani Maria na may halong determinasyong ang boses. "Sasama ako, Prinsesa Maria" boluntaryong nagtaas ng kamay ang kaibigang si Pinkie. "Ako rin!" tumaas din nang kamay si Diwatano ngunit halos maggitgitan ang dalawa. "Gaya-gaya ka!" "Gusto ko ring tumulong at wala kang pakialam doon. Nakasalalay ngayon sa mga kamay din ng mga nakatira rito sa Emerit ang kaligtasan ng buong lahi." pangangatwiran ng munting prinsipe. Akmang magsasagutan muli ang dalawa,rason upang si Maria mismo ang nagbigay ng kondisyones na hindi maaari ang alitan sa kanilang paglalakbay. "Kung kinakailangan niyong mag-iwasan gawin ninyo. Nagkakaintindihan ba? Walang sumagot kung kaya muling inulit ni Maria ang tanong subalit hindi parin sumasagot ang dalawang diwata kaya napilitan si Maria na magpasyang hindi pasamahin ang mga ito. "Kung ayaw ninyo sa kondisyong ibinigay ko, hindi kayo maaaring sumama." tumalikod sina Leopoldo at Maria. "Sandali, prinsesa...hindi na kami magka-away! Hindi ba, Prinsipe Diwatano?" hapit na hapit ni Pinkie ang beywang ng munting prinsipe upang maipilit lamang na maayos na sila. "H-Hindi ako makahinga!" namumula na si Diwatano dahil sa pagkakayapos ni Pinkie, ngunit nang makita ng diwatang halos namumula na ang buong mukha nito'y kaagad binitiwan at nangingiming ngumiti sa mga kaibigan. "P-Pasensiya na..." napakagat labi si Pinkie habang inuubo-ubo ang pobreng diwatano. Ang paglalakbay mula roon ay mayroong mga panganib na kailangang suungin, subalit nakahanda ang dalaga at prinsipe para lamang malutas ang suliraning kahaharapin ng buong Emerit. Mabulgar at maipabatid sa haring nagbabalatkayo lamang ang Hari ng Astramos. Lahat iyon ay isang kasinungalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD