KABANATA 9.1

2015 Words
Galadia-Doryang Silangan "GISING, PRINSIPE. KAIN SAYAP DALA AKO" anas nang isa sa mga ka-tribo ng Tirania. "Pakawalan niyo 'ko rito!" inuuga ang mga baging na nakalagay sa mismong hawla. "Sabi pinuno, hindi maaari!" sagot nito. Nang makaalis ang isa sa mga kawal ay hindi mapakali ang binata sapagkat nalalapit nang ikaapat na pagkinang ng Hantala kung saan, kailangan niyang magpakita sa Burgandia ayon sa polisiya nang pagsubok. Panay ang hagilap ni Leopoldo ng mga baging na mayroong sira upang doon magsimula ang kanyang pagtakas. Maya-maya'y sumigaw ang pinakapinuno mula sa loob nang trapal, tila nagkakagulo ang mga Tirania sa hindi malamang dahilan. Hindi raw malaman ng pinuno kung anong gagawin sa mataas na lagnat nang nag-iisang anak ni Tirodia, halos inaapoy ito ng lagnat mula pa sa paglubog ng Hantala. Kitang-kita ni Leopoldo nang bitbitin ni Tirodia ang anak patungo sa gitang bahagi ng kanilang tahanan at doon ilagak. Mayroon silang ginagawang pagsamba sa Hantala ngunit imbis na bumubuti'y tila mas nanginig ang anak nito. "Ano atin gagawin Pinuno Tirodia? Hindi galing si Tirani." nag-aalala ang mismong ina nang bata. Makikita rin ang takot sa mga mata ng pinuno ngunit sa mga pagkakataong iyon ay mas nais tumulong kaysa lumaya sa hawla. 'Anong maaari kong maitulong?' Kinapa ni Leopoldo ang lahat ng kanyang mga dalahin ngunit hindi alam kung paano makakatulong ang bitbit na espada, brilyante at ilang mga tupaz at ruby sa pitaka. Nakaramdam nang pagkauhaw ang binata at akmang iinom sa tapayang dala nang sumagi sa isip kung saan nanggagaling ang tubig na dumadaloy sa batis ng Burgandia. "Tama!" Ang inuming ibinigay ni Prinsesa Maria Crex ay galing sa batis na siyang nagdurugtong sa Burgandia at Galadia. Ang kristal na talon ni Haraya na siyang nakapapawi ng anumang pisikal na karamadaman o pagkasawi. Mabilis siyang sumilip sa hawla at bumakas ang pag-asa sa mukha. "Hindi tigil nginig Tiran, ano gagawin natin pinuno!" nababahala ang mga nakapalibot na Tirania. "Ako! Maaari ko siya tulungan!" Natigilan ang lahat nang kuhanin ang atensiyon ng mga taga-Tirania. Doon lumapit si Tirodia sa mismong hawlang kinalalagyan saka sinuring maigi ang kabuuan ng binata. "Ano tulong sabi mo! Di mo nga pakawalan iyo sarili!" matalas na saad ng pinuno. "Hindi ko man kayang gawin iyon, sapagkat nasa inyo ang kamay ang aking paglaya ngunit may kakayahan akong gamutin ang iyong nag-iisang anak." "Ano iyo gawa?" nagdududang saad ng pinuno. "Hindi ko magagawa ang pagpapagaling hangga't hindi mo 'ko pinapalaya. Iyon lamang ang aking kahilingan kung sakaling mapagaling ko ang iyong anak." Nagbulungan ang mga kalahi ni Tirodia kapagkadaka'y sumulyap ang asawa ng pinuno sa gawi nito, tila kumakapit na lamang sa pag-asang mapapagaling ang kanilang anak. Matamang nagtagal sa pag-iisip ang pinuno bago seryosong nagsalita patungkol sa inaalok na tulong. "Sige, ako payag ngunit kapag 'di galing aking anak, papakain ka halimaw ng Tirania!" pakikipagkasundo ng pinuno kaya bahagyang kinabahan sa mga sinabi ni Tirodia. "Pumapayag ako." "Ka-tribo! Pakawalan prinsipe ng Harandia at makita ko kung bisa kanya sinasabi!" utos ni Tirodia sa mga katribong sa burol. Mabilis pinakawalan si Leopoldo ng mga nasa tribo saka nagmamadaling tumungo ang binata sa nakaratay na anak ng pinuno. Tinignan ng prinsipe ang makinang na Hantala at napangiti sapagkat natatanaw niyang makakabalik sa palasyo ng Burgandia sa eksaktong pagkinang nang buwan. Inilapit ni Prinsipe Leopoldo ang tapayan sa labi nang Tiran kapagkadaka'y hinintay ang magiging resulta ngunit nakalipas nang ilang mili-segundo subalit hindi pa rin kumikilos ang anak nito. "Wala nangyari, di galing anak ko!" nagtagis ang bagang ni Tirodia. "H-Hindi maaari, imposibleng sapagkat nanggaling ang tubig sa--" "Dakpin 'yan! Ipakain halimaw ng Tirania!" "Sandali lamang," mabilis binitbit ang magkabilang braso ni Leopoldo palayo sa mga ito ngunit maya-maya'y umubo ang anak ni Tirodia. Ang batang Emerit ay dahan-dahang dumilat saka hinawakan ang mukha nang kanyang ama. "Ama, ako magaling na..." mahinang saad sa pinuno. Bumakas ang masayang mukha ng pinuno saka kinarga ang anak at isinayaw-sayaw, kalauna'y tumungo si Tirodia sa gawi ni Leopoldo habang kalong ang anak sa bisig. Ngumiti ang pinuno at lumuhod sa harap ng prinsipe upang magpsalamat. "Ako hingi patawad, ako hindi salamat sa tulong galing aking anak." "Walang anuman, kailangan ko lamang makaalis sa lalong madaling panahon." "Tupad ni Tirodia kanyang pangako. Ako turo madaling daan palabas sa Tirania." Nagalak ang prinsipe sa narinig kung kaya nagmamadali siyang kumilos, upang tumungo sa makinang na burol na siyang daan patungo sa Burgandia. Pinabaunan ang prinsipe nang ilang gamit at regalo galing sa pinuno na talagang ikinatuwa ng lalaki. Bago tumulak ay nangako si Prinsipe Leopoldo'ng magpapadala ng ilang tauhan sa Harandia para patayuan ng mas matibay na tahanan ang mga taga-burol. "Paalam, prinsipe ng Harandia!" kumaway ang mga nasa tribo ng Tirania habang tinatahak ni Leopoldo ang makinang na burol sa gitnang bahagi ng Hilagang Galadia. HARANDIA- Doryang Kanluran Hindi mapakali ang mga magulang ni Leopoldo sa kanilang trono sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin nakakauwi ang kanilang panganay. Mahal, kinakailangan na yata nating humingi ng tulong sa sandatahan upang hanapin ang iyong panganay," ani Reyna Penelope. "Huwag kang mag-alala aking mahal, kapag hindi pa dumating ang iyong anak sa ikaapat na kinang ay ihahanda ang buong sandatahan ng Harandia." Ilang mili-segundo ang lumipas nang may marinig na pagaspas ang mag-asawa, kaya nagkatinginan ang mga ito. Lumapit sila mula sa bungad ng kanilang malaking pintuan. Nahalinhan nang tuwa ang kanilang pag-aalala sapagkat namasdan ni Haring Cantor at Reyna Penelope ang kanilang panganay habang sakay ng dragonikang si Jeho. Sinalubong ito ng kanyang mga kapatid at niyakap ng mahigpit. Ginulo lamang ni Leopoldo ang mga buhok ng minamahal na kapatid saka sumulyap sa mag-asawa. Seryosong lumapit ang binata saka yumukod sa kanyang mga magulang ngunit itinayo ang prinsipe nang ina at mahigpit na niyakap. "Mabuti at nakauwi ka anak," "Kailangan ina, sapagkat hinihintay ako ni Prinsesa Maria Crex." nagniningning ang mga mata ni Leopoldo. "Anak, ako'y nag-aalala sapagkat labis na mapanganib ang pinakahuling pagsubok dahil maaaring kitilin ni Questas ang kung sinumang magtatangkang kunin ang singsing sa kanyang puso." "Huwag kayong mag-alala ina, ako po'y gagabayan ni Emeritus sa pinakahuling pagsubok ni Haring Buendia." Pumasok si Leopoldo sa palasyo at doon ay sinalubong ng Dama upang alalayan sa sariling kwarto para magkaroon ng maayos na pamamahinga. 'Hindi ako susuko upang masungkit ang iyong puso Maria Crex..." kasalukuyang tumingala ang binata sa makinang Hantala'ng matatanaw mula sa kanyang kinahihigaan. BURGANDIA- Doryang Hilaga PABALIK-BALIK SI MARIA sa kanyang trono ay hinihintay ang pang-apat na pagkinang ng Hantala. Mula roon ay bumungad si Pinkie at umupo sa kanyang balikat na halos ilang pagkinang at paglubog ng Hantala'ng hindi nakikita ang kaibigan. "Prinsesa Maria Crex, isang kasiyahan na makita kang muli." humalik ang munting diwata sa kanyang pisngi. "Pinkie!!!" lumuwang ang bukas ng mukha ni Maria nang makita ang matalik na kaibigan. "Ugh, dahan-dahan nasasaktan ako prinsesa." hindi makahinga ang diwata nang yakapin at dalhin ni Maria sa kanyang dibdib. "Patawad, kaibigan." Muling inilagak ng prinsesa ang diwata sa kanyang balikat saka nagmamadaling tumungo sa trono. Napansin ni Pinkie ang pagkabalisa ng dalaga rason upang hindi mapigilang magtanong. "Anong bumabagabag sa'yo, Prinsesa Maria Crex?" Bumuntong-hininga ang babae saka sumulyap sa malaking bulwagan ng Burgandia. "Hindi sumipot sa ikatlong pagkinang ng Hantala si Leopoldo." nag-aalalang saad ni Maria. Napatakip ng bibig si Pinkie nang malaman ang naturang pangyayari, sapagkat hindi lingin sa diwata ang hirap na kahaharapin ng isang manlalakbay sa Tirania. "Hindi kaya.." "Huwag naman sana, Pinkie. Ayokong makuha ni Prinisipe Leon ang pamumuno sa Burgandia, tila may kakaiba sa estranghero'ng nanggaling sa di pamilyar na kaharian sa Hilaga." Natigilan ang lahat ng marinig ang trumpeta nang tagapagbalita, hudyat na magsisimula na'ng ikatlo at huling pagsubok para sa pamumuno ng Burgandia. Naglakad ang kanyang mga magulang patungo sa trono saka niyakap ang prinsesa bago humarap sa sandatahan ng Burgandia at maging mga Dama. Muling binuksan ang bungad nang masaksihan ang ng mga Emeritian ang pinakahuling tunggalian ng mga prinsipeng nais makamit ang trono at puso ni Prinsesa Maria Crex. "Paano kung hindi sumulpot si Prinsipe Leopoldo, Pinkie?" nababagabag ang puso ng dalaga. "Hindi ko rin alam ang isasagot sa iyo prinsesa." nagkibit balikat ang kaibigan ngunit mababakas din ang pangamba sa mukha. "Inaanyayahan ang lahat sa harap ng trono upang masaksihan ang ikatlo at huling paghirang nang pagsubok. Sa ikatlong pagkinang ng Hantala'y hindi sumulpot ang prinsile ng Harandia at kung magkagayon ay matutulad din sa pang-apat, iisa lamang ang ibig sabihin...tanging si Prinsipe Leon lamang ang maaaring mamuno sa Burgandia kapag napagtagumpayan ng prinsipe ng Astramos ang pinakamahirap na pagsubok." Nagbulungang ang mga Emeritian tila hindi inaasahang magtatagumpay ni isa sa mga prinsipe, sapagkat lubhang mapanganib ang pagkuha sa diyamanteng singsing. Naputol ang bulungan nang dumating si Prinsipe Leon na mababanaag ang nakakalokong ngisi habang ma-ereng lumalakad patungo sa trono nina Haring Buendia at Reyna Crexia. "Kahit ako'y hindi nais na matalo ni Prinsipe Leon ang prinsipe ng Harandia." saad ni Pinkie habang matamang pinagmamasdan ang lalaking lumalapit sa kanila. Kapagkadaka'y yumukod ang binata kasama ang Dama. "Labis kong ikinalulungkot na wala na'ng prinsipe ng Harandia na tila naligaw yata sa daang walang hanggan." tumikhim ang lalaki subalit kakikitaan nang huwad na kalungkutan. "Nawa'y gabayan siya pabalik ni Emeritus." saad ni Reyna Crexia. "Isang magiting na prinsipe ang aking katunggali, at naniniwala akong makakaya niya ang tribo sa Tirania." yumukong muli ang binata. Nilinis ang bara sa lalamunan ni Haring Buendia, kung kaya mataman siyang tumayo. "Kung gayon, nararapat na simulan na natin ang pagpapataw ng basbas sa ikatlong bahagi ng pagsubok" Maya-maya'y bumukas ang pinto sa bungad, rason upang mapatayo si Maria Crex st silipan nang ngiti ang labi. 'Buti at tumupad siyang babalik..." Nagbubulungan ang mga Emeritian habang nakatingin sa matikas na prinsipe. Nanatiling nakayuko si Prinsipe Leon animo hinihintay ang pagpataw subalit hindi nag-aksaya ng panahon at walang kibong yumukod si Prinsipe Leopoldo... "Narito na po ako Haring Buendia.." Nanlaki ang mata ni Prinsipe Leon nang makitang buhay na buy ang binata habang makislap ang mata. "I-Ikaw? P-Paanong..." napatulala si Prisipe Leon tila hindi makapaniwalang buhay na buhay. "Hindi lamang ikaw ang kayang gumawa ng paraaan, Prinsipe Leon." matigas na saad ng binata. Naglabanan sila nang titig sa isa't-isa bago tuluyang humarap sa hari ng Burgandia. "Sa paghabol ni Prinsipe Leopoldo bago ang ika-apat na kinang ng Hantala'y isang malaking pasasalamat kay Emeritus, sapagkat ligtas ang iyong buhay." ngumiti ang ginoo. Muling yumuko ang dalawang prinsipe ngunit halatang nagpapalitan nang masasakit na salita at pagbabanta sa kanyang mga biro. "Tinitiyak kong ngayon ang simula nang pagkawala mo sa Emerit..." ani Leon. "Hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo. Ako ang prinsipe nang buong Kanluran at walang makakapagpabago no'n!" sagot ni Leopoldo. Nagtagis lamang ang mga bagang ng binata sa mga sinabi ni Leopold ngunit hindi makapalag ang lalaki sapagkata nasa harap sila ng trono. "Mag-umpisa ka ng magpaalam kay Maria Crex," Matapos ipataw ang basbas ay nagmamadaling sumakay dalawang prinsipe sa mga dragonika, subalit hindi magkapareha ang tinahak na daan. Patungo sila sa ikapitong bundok na sadyang makikita sa pinakapusod ng Galadia. Kahit saang lugar ang iyong tunguhin ay iisa lamang ang gitnang bahagi, subalit ang pinagkaiba lamang ay 'di karaniwang napupuntahan ninuman ang puno ni Questas, sapagkat tanging ang mga engkantada, diwata o ilang nilalang lamang ang nakakapasok sa pusod ng Galadia. "Huwag kang mag-alala Jedo, hindi mo kailangang suungin ang paiba-ibang temperatura sapagkat iiwan kita sa bungad ng Gitnang-Galadia sapagkat labis na delikado ang bahaging iyon para sa atin na simpleng Emeritian lamang." Mabilis napumagaspas ang malaking pakpak ni Jedo saka umigik animo naiintindihan ang sinasabi ng prinsipe. 'Ang tanging paraan upang makapasok sa mahiwagang proteksiyon ni Questas ay ang mahanap ang lagusan ng Emeritian sa kanyang di nakikitang daanan. Kailangan mong kapain ang naghaharang sa pagitan ng Galadia at protektadong lugar ni Questa. Ang tanging palatandaan ay ang maliit na bakas sa lupa nang mumunting diwata.' ayon kay Pinkie na sadyang dumapo sa balikat ng prinsipe at binulong ang mga habilin. Ibinigay nito ang kulang dilaw niyang sapatos na halos hindi mahawakan dahil mumunti. "Sa sobrang liit ng mga paa nila, paano ko malalaman kung iyon ang bakas?" tanong sa sarili habang naglalakabay sa himpapawid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD