KABANATA 26.1

1121 Words
BURGANDIA- Doryang Hilaga Kasalukuyang nasa loob ng bilangguan ang prinsipe ng Harandia kasama ang ama’t ina ni Maria. Puno ng bantay ang kanilang mga kubol animo mga presong nakalabag ng mabigat na kasalanan sa kaharian ng Burgandia. Maririnig ang pagtangis mula kay Reyna Crexia habang nakatulala ang hari sa kawalan tila hindi alam ang mga nangyayari sa mga kaganapang nagaganap sa kahariang humahawak sa pinakamahalagang puso ng Elixir. “Pakawalan ninyo kami rito!” panay ang pagmamakakaawa ng naturang ginang sa mga bantay. Makikita sa kanilang mga mukha ang labis na pagtutol sa mga nangyayari ngunit wala silang magagawa kundi sundin ang ipinag-uutos ng bagong hari sapagkat nakasalalay rin ang kanilang mga buhay sa lalaking mapangahas. Walang magawa si Prinsipe Leopoldo saapagkat maging sila ni Jedo ay labis ang mga kawal na ipinadala ni Prinsipe Leon upang makasiguradong hindi sila makakawala. Anong kamalasan ang nangyayari sa kanilang mga Emeritian magmula ng dumating ang naturang prinsipe mula sa ibayong lugar sa Harandia: Ang Astramos. Mula sa kabilang lungga’y nakarinig ng mahalinang tunog ngunit ang kantang iyon ay sadyang nagkaroon ng malaking epekto sa mga nakaririnig na Emeritian. “Ang Emerit ay ginapos at nagtapos sa kaharian na tinatatawag na Astramos…kalayaan ang sagot sa ating mga bihag ng lalaking si Prinsipe Leon. Hiling kay Emeritus ay maglahong parang bula ang hari ng Astramos!” saad ng babaeng nasa kabilang lungga. Walang emosyong tumutulo ang luha ng hari habang patuloy ang mahalina ngunit napakasakit na kanta ng isang bilanggong Emeritian. ‘Kinakailangan kong makaisip ng paraan upang makalaya sa kamay ng mga kawal!’ mariing saad ng binata sa kaniyang sarili. Matinding obserbasiyon ang kaniyang isinasagawa upang sa gayon ay mapag-aralan ang mga kilos ng mga kawal. Ang kaniyang pinupuntirya ay ang pulutong ng susing nakasabit sa ilang guwardiyang naglilibot sa buong selda ng mga bilanggo at palalo sa hanay ng mga payak na Emeritian hiwalay sa kanilang selda na hindi naman mas hamak na malawak kaysa sa ibang mga naroroon. GALADIA- Doryang Silangan- Kalalapag lamang ng baston kung saan nakasakay ang engkantadang si Haraya nang salubungin siya nang ibang mga Kawani ng kaniyang nasasakupan upang ibalita ang hindi magandang binabalak ni Pinkie ukol sa pagsugod ng mag-isa sa a Galgotha. Sadyang napakahirap ng kaniyang kalagayan dahil naiipit ang engkatanda sa mga mahikang isinaboy ni Ulna upang kasabwatin ang sino man sa mga Emertian na nais sakupin at makuha ang Burgandia. Lubhang mapangangib ang ginagawa ni Pinkie ngunit upang kaniyang pinuno’y kinakailangan ni Haraya na padalhan ng mga mandrigmang diwata na susunod sa munting diwata. “Anon gating maitutulong kay Pinkie, Haraya? Ako’y labis na nag-aalala sa magiging tagapagmana ng ikatlong henerasyon ng aming lahi.” “Hindi natin maaaring pabayaan ang ating kalahi lalo’t siya ang magiging isa sa mga magsasalin ng aral na matututunan ng kaniyang pamumunuan sa hinaharap.” usal ni Haraya. Pumitas ang engkantada ng isang mala-dayaming butil at kaagad isinubo ng bantay-talon, doon ay sumipol siya na parang mayroong ritwal ang kaniyang ginagawang pagtawag sa mga elementong maaring makatulong sa munting diwata. Nagsimulang dumagundong ang bawat sulok ng Galadia, habang ang mga vedak ay tila nabugaw sa kanilang papanahimik mula sa kanilang pagpupugad sap uno ng sinas. “A-anong pagyanig ang nangyayari sa ating kapaligiran, Haraya? Mayroon na naman bang sigalot ang nagbabanta sa’ting kaligtasan?”saad ng isang matandang konseho. “Hindi ko hahayaang si Pinkie lamang ang magliligtas sa ating mga kasamahan. Inihahanda ko ang pagsibol ng daygami upang tawagin ang ilang elementong nilikha rin ni Emeritus.” “H-hindi ko matarok ang nais mong tukuyin, Haraya.” Saad ng isa pang konseho. “Ang daygami ang magiging kasagutan mula kay Emeritus upang maisakatuparan ang ating paghingi ng tulong sa poong si Emeritus. Sa bawat magdadaang minuto ng ating panahon sa Galadia ay halos isang beses lamang nagkakaroon ng daygami sa ilog na aking binabantayan, tila ito ang sagot ni Emeritus sa’king pagtawag.” Hindi na natapos ni Haraya ang kaniyang pagpapaliwanag at basta na lamang nagkaroon ng kumpol ng mga iba’t-ibang lahi ng mga elemento sa bawat sulok ng Galadia, nagsama rin maging ang mga kinatatakutan o ang mga mababait na elemento. Naroroon din ang ilang mga mandirigma sa pamumuno ng Hilagang Galadia. Ang mga kawal at ang mga kakaibang bulaklak ni Narsus ay sadyang nagkaroon ng kakaibang buhay upang magtipon sa tabi ng ilog na kaniyang binabantayan. Nagulat ang mga konseho dahil sa dagsa ng mga elementong nakatira sa mismong silangan ng Emerit. “Ipinatawag ko ang lahat upang tulungan kaming makalaya ang mga binihag na diwata sa doryang timog. Si Ulna ang masamang manggagaway ay binigyang parusa ang mga ilang kalahi, ikinulong sa kanilang mga lason. Ang aming tagapagmana ay lulusob ng mag-isa upang ibuwis ang kaniyang buhay…” Nagsisitanguan ang mga ito at matamang nakikinig sa mga sinasabi ng bantay-ilog. Hindi akalain ni Haraya ang ganitong pagkakataon sa lahing manggagawa. “Sampu ng aming reyna at hari maging ang prinsipe ng hilagang Galadia, kami’y inyong utusan ng kahit anong kahilingan…” Yumukod lamang si Haraya at sinabi ang kaniyang nais na matulungan si Pinkie. Walang sinayang na oras ang mga elemento at kawal saka lumipad patungo sa direksyon ng Galgotha. GALGOTHA- Doryang Timog Hirap na hirap si Diwatano habang sunud nang sunod sa kaniya si Pinkie ngunit hindi malaman ng munting prinsipe kung saan siya tutungo kaya’t huminto ang binata at bahagyang tinignan ang munting diwata na mahahalata ang hapo sa kaniyang buong mukha. “Kailangan na yata nating magpahinga muna rito sa ilalim ng punong damortis upang sa gayon ay lakas tayo kung sakali mang sumabak sa kadiliman ng Galgotha. “ ani Pinkie. Kitang-kita ang mariing paglunok ni Diwatano tila nakaramdam ng bahagyang takot nang masabi ang literal na susuungin sa pinakailalim ng mismong Galgotha. Maya-maya’y nagsimula silang maglakbay muli sa mga siit-siitan ng kakahuyan at hindi malaman kung ano mang direksiyon ang kanilang pinatutunguhan ngunit ang mahalaga ay matagpuan nila ang nakakatakot na palasyo sa mismong gitna ng Galgotha. Ano man ang suungin ay hindi papatalo ang dalawa dahil sa kanilang hangarin na iligtas ang kanilang mga kalahi. “Wala pa ba tayo sa mismong bakuran ng Galgotha?” hingal na saad ng Diwatano. “Hindi ko alam kung saan na tutungo ngunit maglakad pa tayo ng ilang mga hakbang tiyak na makakita rin tayo ng simbolo nila,” Napipilitang sumunod ang prinsipeng diwata. HIndi alam kung paano gagalaw ang prinsipe ngunit pinipilit niyang maging kalmado hanggang sa mayroon siyang matanaw na maitim ang kalangitan sa bahaging iyon nang Galgotha. Madalian niyang hinawakan ang kamay ni Pinkie saka sila pumunta sa natanaw niyang maitim na kalangitan hanggang sa wakas at natanaw ang palasyo ng Galgotha. "Ang Galgotha!" kitang kita ang kasabikan sa kaniyang mukha hanggang sa sumunod sa daan patungo sa Galgotha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD