KABANATA 25.1

2098 Words
CHAPTER 25 “Huwag kayong makinig sa huwad na ‘yan!” anas ni Prinsipe Leopoldo, subalit imbis na mapakinggan ay binuhat siya ni Kumando habang kumakawag-kawag ngunit ang mga kawal ay hindi namamansin at tila halos wala sa huwisyo. Nang ipatong ang korona ay hindi mapigilan ni Maria Crex ang magwala animo hindi mapakapaniwala sa mga nangyayari. Hindi maintindihan ng prinsesa kung paano makakawala sa kaniyang masamang kondisyon o sitwasyon. Di nagtagal ay inutos ni Prinsipe Leon na damputin ang hari ng Burgandia kaya nagulantang ang ilang mga kawal, tila ayaw sundin ang inuutos ng bagong hari subalit dahil sa takot ay hindi na lamang kumibo ang mga ito. Lumapit ang pinaka pinuno sa harapan ng trono habang bitbit ang prinsipe ng Harandia na halos duguan, saka yumukod kay Juantorio at tila nirerespeto ang bagong luklok na hari. “Sumainyo po ang aking buong katapatan, bagong hari ng Burgandia!” matigas na saad ni Kumando. “Isa kang traydor sa pamumuno at pangunguna ng aking ama sa kaniyang paghahari!” singhal ni Maria. Hindi pinansin ni Kumando ang hinaing ng prinsesa habang nakatulala lamang ang kaniyang ama na kasalukuyang iginigiya ng dalawang kawal patungo sa kulungan kasama si prinsipe Leopoldo. Napatiim-bagang si Maria nang makita ang kalagayan ng kaniyang ama, hanggang sa ilagak na lamang ito sa direksiyon kung saan ibinibilanggo ang mga nagkakasalang Emeritian. “Saan ninyo dadalhin ang aking ama? Bitiwan niyo siya!” Hindi halos kumikibo ang mga kawal ngunit alam ni Maria na napipilitan lamang ang mga pulutong ni Kumando at nang akma siyang tatay mula sa pagkakaupo sa trono ay mariing pinigilan ng mga kawal na kasama ni Juantorio. “Kahit anong gawin mong pagpapanggap, hinding-hindi kita kikilalaning hari! Napakasama ng iyong budhi! May katapusan din ang iyong kasamaan sampu ng mga nilikha ni Emeritus.” Itinulak ni Kumando si Leopoldo palayo sa trono at habang naroroon siya ay nagkatinginan ang prinsipe ng Burgandia at Harandia. “Prinsesa Maria, iligtas mo ang puso ng buong Emerit. Aaasahan ko ang iyong pagtatagumpay!” “Tama na ang iyong satsat! Sige, ilagak na ‘yan sa kulungan kasama ng walang kuwentang hari!” utos ni Kumando sa mga nasasakupan niya. “Ikaw ang walang kuwenta! Isa kang palalo at traydor sa lahi ng Burgandia!” sigaw ni Maria rason upang lumapit ang binata at pagbuhatan siya nang kamay. Kaagad nasapo ni Maria ang kaniyang pisngi dahil sa lakas ng mga lagatok ng palad ni Kumando. Samantala, walang makakapang pag-aalala sa mukha ni Prinsipe Leon kahit nakita niyang sinaktan ang dalaga ng kaniyang pinuno ng hukbo, tila interesado lamang ang lalaki sa kaniyang nakukuhang kapangyarihan at posisyon sa loob ng palasyo ng Burgandia. “Kung ako sa’yo Prinsesa Maria, sumunod ka na lamang kung ayaw mong napagbubuhatan ng kamay!” payo ni Juantorio saka ngumisi ng nakaloloko habang pinapaikot sa kaniyang daliri ang koronang ipinasa ng kaniyang ama. Gano’n na lamang kasama ang loob ni Maria animo mala-asido ang tingin na ipinupukol sa lalaking mapagpanggap na umagaw sa trono ng ama. Manlilinlang ang kaharap at talagang mapanganib ang binata kung susumahin ang mga planong inilatag ni Juantorio. Samantala, tuluyang nagapi ang ilang mga kawal ng Harandia matapos malaman ang bagong hirang na hari. Sadyang nakaramdam ng panlulumo ang mga kawal maging ang ilang payak na Emeritian. Ang ilang hukbo ni Prinsipe Leopoldo ay tumakas sakay ng dragonika upang muling bumalik sa palasyo sa kanluran at ibalita ang pagkatalong naranasan, maging ang pagkabihag ng kanilang panganay na anak sa kamay ng pinaka-pinunong si Kumando. Hindi maintindihan ng mga ilang mga Emeritian kung bakit gano’n na lamang ang pagbabagong nagaganap sa kanilang mundo, tila pagdanak ng dugo ang tanging dala ng bagong hinirang na hari. Alam ng karamihan na balatkayo lamang ang ipinapakitang pisikal na anyo ng bagong hari ng Burgandia ngunit wala pa silang maipakitang patunay kung kaya walang karapatang ihabla at patalsikin sa posisyon ang malupit na hari. “Umatras sa ngalan ng kaligtasan ng ating mga kasamahan sa pulutong ni Prinsipe Leon!” saad ng kanilang tagapagbalita. Doon nagsimulang mag-aklas ang mga kawal at bumuo ng kanilang linya upang mabilis na sumakay sa kani-kanilang mga dragonika habang ang mga unicorn ay panay ang atungal sa kawalan tila naghihimutok sa mga nangyayari ring kaguluhan. GALADIA- Doryang Silangan Sakay ng baston si Haraya at halata ang kaniyang hindi maikakailang kaba base sa kaniyang ekspresyon sapagkat nasa bungad pa lamang siya ng teritoryo malapit sa Burgandia ay makikita na‘ng pulutong nang kawal ng dalawang makapangyarihang palasyo. ‘Hindi maaari, tila nangyari na’ng kinakatakot ng buong Emeritian. Paano mapipigilan ang ganitong suliranin? Nagtagumpay kaya si Maria sa kaniyang mga balakin upang ikulong sa emblem ang puso ng Elixir? Sunud-sunod ang katanungan sa isip ni Haraya ngunit isa man roon ay hindi mahanap ang sagot dahil sa mga ilang pagkabahalang nangyayari sa kaniyang damdamin. Hindi malaman ni Haraya kung paano siya makatutulong sa buong Burgandia dahil tinitiyak niyang hindi lamang ang buong Burgandia ang nasa panganib kundi maging ang buong elementong naninirahan sa Galadia. “Tutungo ako sa gitna aking baston!” saad ni Haraya. Tila may buhay na sumunod sa hangin ang hawak niyang makapangyarihang baston at doon ay nagsabog ng makulay na bahagdan ang bantay-talon upang huminto ng panandalian ang bawat kawal na masasabuyan o makakasinghot ng bahagdan. Makikitang walang gumagalaw ni isa man sa kanila sapagkat ang tanging kapangyarihan nito ay pahintuin ng ilang segudo ang ikot ng aksis sa Emerit. Sinaboy ni Haraya ang naturang pulbos upang maibalik sa ayos ang pag-iisip ng mga kawal na masasabuyan nito. Nilibot ni Haraya ang kaniyang paningin sa ilang Emeritian at sadyang hindi malaman ang uunahing ayusin. Inalis lahat ng bantay-ilog ang mga sandata at inilapag mula sa mga kamay ng mga nagtutunggaling kawal at imbis nag-uundayan ay literal na nagkakamayan upang hindi nila maisip na mayroong tunggaliang nagaganap. Ilang segundo rin ang itinagal ng kaniyang pag-sasaayos, hanggang sa muling lumipad sa ere at ipunin sa mahiwagang garapon ang isinaboy na bahagdan. Doon nagsimulang kumilos ang mga kawal tila may pagkalitong nagaganap sa kanilang mga kilos sapagkat iba ang kanilang naabutang posisyon kaya’t mabilis silang naghiwalay ng mga kamay at parang nandidiring sumakay ng kani-kanilang transportasyon. Literal ang naramdamang kaginhawaan sa dibdib ng engkantada ng hindi na tuluyang matuloy ang madugong digmaan sa pagitan ng mga palasyo sa kanluran at hilaga. GALGOTHA-Doryang Timog Hapong-hapo si Pinkie mula sa kaniyang paglalakbay at pagtawid sa ilog ni Haraya upang dalhin lamang ang mga abo ni Narsus sa dalawang bihag na nasa bungad ng Galgotha. Tinitiyak ni Pinkie na malubha ang dalawang prinsipe kapag nadatnan niya, ngunit mas lamang ang hirap na dinaranas ni Prinsipe Ricardo mula sa pagkahulog sa ituktok ng ere. Hindi matatawaran ang kasamaang tinataglay ni Ulna upang gawin ang ganitong kahindik-hindik na Gawain laban sa Emiritian. Determinado ang munting diwatang mailigtas din ang kaniyang mga kalahing binihag ng matandang manggagaway. Nais man ni Haraya na samahan ang diwata’y tumulak ang huli sa nagkakagulong mga palasyo kaya’t ang tanging maasahan ni Pinkie ay ang prinsipe ng Hilagang Galadia, kahit mararamdaman ang pagkadisgusto sa kaniyang presensiya. “Kailangan na nating bilisan, prinsipe Diwatano. Nasa malubhang kalagayan si Prinsipe Ricardo. Hindi ko naisin na mawala sa mundo ng Emerit ang kaluluwa ng mahal na prinsipe ng Harandia.” mahabang litanya ni Pinkie. Hindi na lamang kumibo ang binata at sadyang lumipad palayo sa munting diwata. Di malaman ni Pinkie kung bakit bigla na lamang nagsusungit ang prinsipe subalit ikinibit-balikat na lamang ng diwata ang kakaibang kilos nito. “Akala mo kung sinong makisig na diwata! Kung makapagsungit tila palaging may paggalaw sa Hantala!” irap ni Pinkie matapos bumulong sa sarili. “May sinasabi k aba?” “N-naku, wala akong tinutukoy na kahit ano. Sadyang kinakausap ko lamang ang aking sarili paminsan,” inosenteng saad ni Pinkie upang pagtakpan ang kaniyang mga pagsisentemyento ukol sa prinsipe. ILANG MILI-SEGUNDO ang nakalipas ng makarating ang dalawa sa entrada ng Galgotha at mula pa lamang sa malayo ay matatanaw ang kaawa-awang kalagayan ng dalawang prinsipe ng Harandia. Inungusan ni Pinkie si Diwatano upang daluhan ang walang malay na binata sa kaliwang bahagi ng Damortis. Tumuntong ang munting diwata sa balikat ng walang malay na prinsipe at kinapa ang kaniyang pisngi, lumipad ang diwata sa tapat ng labi ni Prinsipe Ricardo kaya’t nakaramdam ng pagkailang ang dalaga bago niya ibinuhos ang katas ng buto sa labi ng lalaki. Naghintay ng ilang sandali Pinkie ngunit wala ni isang kilos galing sa binata kaya’t hindi mapigilang kabahan ang diwata. Napaiyak si Pinkie sapagkat sobrang tagal na nang inilalagi nito sa pagiging walang malay hanggang sa umungol at tila nasasaktan ang ekspresyong ipinakita ni Prinsipe Ricardo. Gulat na gulat na hinihintay ni Pinkie ang magiging kalalabasan ng kaniyang ginawa, walang ilang mili-segundo ng makita niyang unti-unting dumilat ang mata ng prinsipe. “Prinsipe Ricardo…a-ayos lamang po ba kayo?” “A-anong nangyayari? Nasaan ang lapastangang manggagaway? Hindi siya makawawala sa kaniyang mga ginawang kasamaan laban sa mga tagapagmana ng Harandia!” singhal ni Prinsipe Ricardo. “Kumalma po kayo mahal na prinsipe…” “Ang aking mga kapatid?” Natigilan si Pinkie at malayang tumingin sa gawi ni Diwatano kung saan ginawa rin ang prosesong ginawa ni Pinkie kay Arnulfo. Ang mga buto ang naging sanhi ng kanilang pagkalaya mula sa tanikala ng Damortis. Mababagdan ng kasiyahan ang mukha ni Pinkie kung kaya hindi niya mapigilang yakapin ang prinsipe ng Harandia. Tumikhim si Diwatano kung kaya natigilan ang munting diwata at parang dumaan sa utak ang kapusukang ginawa rason upang layuan ang prinsipe at lubos na dumaan ang kahihiyan sa kaniyang ekspresyon. Sumeryoso ang mukha ni Pinkie kapagkadaka saka tinignan ang kaniyang mga kasamahan ukol sa kaniyang susunod na misyon sa pagtungo sa Galgotha. Nais niyang tanungin ang mga Emeritian at maging si Diwatano kung anong kanilang pasiya. Kung sila ba’y boluntaryong sasama sa munting diwata sa pagpasok sa mapanganib na bakuran ng Galgotha upang iligtas ang kaniyang mga kalahi. “Hindi ko man gusting idamay o inyong ikapamahak ang aking mga nasa isip kung kaya ako na lamang ang tutungo sa sa pinakaloob ng Galgotha.” “Anong iyong ipinagkakahulugan sa iyong mga kataga?” ani Arnulfo. “Kinakailngan kong iligtas ang aking mga kalahi sa kamay ni Ulna gamit ang butong ibinigay ni Haraya!” “Lubhang mapanganib ang pagtungo roon ng nag-iisa, Pinkie…” anang pinakabata sa Harandia. “Hindi ko man naisin ang maagang pagkasawi kung sakali mang maabutan ni Ulna ay handa akong ibuwisang buhay para lamang sa ikakalaya ng aking buong angkan.” Nagkatinginan ang mga Emeritian at maging si Diwatano ngunit mahahalata ang kanilang pagtutol dahil sa panganib na susuungin ng kanilang kasamahan hanggang sa nagsalita si Diwatano. “Sasamahan kita hanggang Galgotha. Pagtulungan nating iligtas ang iyong angkan..” seryosong saad ng Prinsipe ng Hilagang Galdia. “P-pero—“ “Wala nang pagtutol akong maririnig mula sa’yo…aanhin ang aking posisyon kung hindi rin naman magiging legasiya sa’king mga nasasakupan?” Bumuntong hininga ang munting diwata sapagkat nababahala siyang maaaring ikapahamak ni Diwatano ang pagsama sa kaniya. “Kung gayon, wala nang dapat pang sayanging oras…” putol ni Prinsipe Ricardo. Nanlaki ang mga mata ni Pinkie at mahahalatang sumimangot si Diwatano ng sumabad ang pinakabatang prinsipe. Samantaala, pinauna ni Prinsipe Ricardo ang kaniyang mas nakatatandang kapatid upang ipaalam at umuwi sa Harandia upang manghingi ng tulong laban sa mga kawal ng Galgotha. “Kinakailangan nating makauwi sa Harandia, Ricardo…” “Ngunit kuya? Kailangan ng tulong ni Pinkie at nang kaniyang mga kalahi. Hindi natin sila maaaring pabayaan.” giit ni Prinsipe Ricardo. “Tama si Prinsipe Arnulfo, kinakailngan ninyong makauwi sa Harandia Prinsipe Ricardo. Tiyak na nag-aalala na ang inyong mga magulang…” Matagal na nag-isip ang nakababatang prinsipe ngunit sa huli’y nanaig ang kanilang payo sapagkat hindi rin lingid sa kanila ang kaguluhang nagaganap sa pagitan ng Harandia at Burgandia. “Ingatan mo nalamang si Pinkie, Prinsipe Diwatano…” habilin ni Ricardo ngunit kakikitaan ng pag-ismid ang munting prinsipe dahil sa mga kataga nito. “Hindi mo ‘ko kailangang payuhan sapagkat kaya kong ipagtanggol ang aking mga kalahi. Sinusukat mo ba ang aking kakayahan bilang prinsipe ng hilagang Galadia…” “Hindi ko nais ang makipagtunggali sa’yo. Ang akin lamang ay isang paalala, Prinsipe Diwtano…” Hindi na muling kumibo ang munting prinsipe at nangunang lumipad sa direksiyon patungong Galgotha kung kaya si Pinkie nalamang ang maayosna nagpaalam sa dalawang prinsipe. Walang sinayang na oras si Pinkie at sumuot sa loob ng matitinik na halamanan kasunod ng nangungunang prinsipeng diwata. “Ililigtas ko ang aking mga kalahi ano man ang mangyari…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD