Nang makauwi si Maria sa kanilang tahanan ay nakasunod parin ang nilalang. Hindi napapansin ni Manong Pilo ang kakaibang ale, ngunit hindi magawang kausapim ni MaCa dahil bak isipin ng lalaking nasisiraan na ng ulo. “Prinsesa, hindi ko alam na sobrang liit naman pala ng iyong tinutuluyan dito sa mundo.” “Maliit? Malaki na ito sa kumpara sa iba.” bulong ni MaCa. “Ganito lamang kalaki ang tinutuluyan ng iyong mga dama sa Burgandia.” anas ng nilalang. Umirap lamang ang dalaga dahil sa pagiging matabil ng aleng kasama niya sa tabi ng sasakyan. “Manahimik ka na lamang.” angil ni MaCa. Bumuntong-hininga ang dalaga ng makitang nakatingin si Manong Pilo sa front view mirror at inaalam kung anong ginagawa. Pinanatili ng babaeng nakasalpak ang airpods upang hindi siya magmukhang mayroong

