MATAPOS YAYAIN ni Clyde si MaCa’y walang kibong iniwanan siya nang binata ngunit kaagad nahulog sa pag-iisip ang dalaga dahil biglaan naman yata ang pagiging maamo ng lalaki na dating halos maging suplado kahit walang masyadong naging daan upang makilala ng maigi, dahilan upang gano’n niya husgahan base sa mga nakikita lamang o naririnig na kuwento ukol sa dalaga. Nagsimula ang klase ni MaCa na matiwasay at walang kakaibang pangyayari sapagkat ilang oras na ring hindi niya natatanaw si Ms. Bragend na sadyang karaniwan na nagiging pangyayari sa buhay ng dalaga sa loob ng ilang buwang pagsisimula ng klase. Hindi maiwasang matulala si MaCa sa labas ng bintana, kung saan matatanaw ang ilang estudyanteng abala sa kani-kanilang gawain sa araw na iyon. Nasisiyahan ang babae sa mga naglalaro ng

