KABANATA 18.1

1776 Words
BURGANDIA - Doryang Hilaga HINDI MAKALAPIT ANG ILANG MGA EMERITIAN na taga-Harandia, habang si Maria ay hindi tumitigil sa kakaisip kung anong paraan pa ang marapat niyang gawin upang maatrasado ang kasal at masubukan ng dalaga ang suhestiyon ni Questas, kung saan kinakailangang tumawid sa lubid sa pagpatak ng ika-siyam na pagkinang ng Hantala. Kasalukuyang nasa malalim na pagmumuni-muni ang prinsesa nang putulin ito ni Wanda. Tutol si Maria sa mga ginagawa ni Haring Buendia ngunit kailangan sumunod ang dalaga. "Mahal na prinsesa , maya-maya po ay darating si Prinsipe Leon upang sukatan kayong dalawa ng ating sastre." malungkot na pahayag ni Wanda. "Sige na Wanda, susunod ako kapag maayos na'ng aking pakiramdam." saad nito kahit ang totoo'y wala namang nararamdamang ano mang sakit ang dalaga. Gusto lamang ni Maria na mapag-isa. Matapos ang huling pagkikipag-usap sa naturang lapastangan ay bahagyang nakahinga ng maluwag si Maria, sapagkat naatrasado ng ilang segundo ang kanilang pag-sasaayos sa kasal. Hindi naman permanente ang bisa ng katas na inilagay ng dalaga sa kinakain ni Kundiman at Prinsipe Leon, kung kaya' mabilis ding gumaling ang mga ito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa hangin at iniisip kung ano pa ang maaaring ipain sa dalawa nang sa gayon ay maisagawa ang pagtawid sa lubid upang masungkit ang susi ng emblem na siyang paglalagakan ng Elixir. Halos nalalapit na'ng pumatak sa ika-siyam na pagkinang subalit nananatiling walang kilos na nagaganap mula sa dalaga. 'Mahal na Emeritus, nawa'y tulungan mo at iligtas sa mga balak ni Juantorio Gladi.' ang tanging usal sa hangin. Halos mabigat ang mga paa ng dalaga habang tinatahak ang daan patungo sa silid na inilaan sa mga magsusukat na sastre nang matigilan sa ideyang pumasok sa isip. "Kasuotan sa kasal ngunit ang magiging kalalabasan ay hindi mo magugustuhan..." litanya sa isip. Naabutan ang binatang nakikipagtawanan sa kaniyang dama habang nagkakanda-hirap sa pagsusukat ang naatasang sastre kay Prinisipe Leon sapagkat hindi mapakali sa puwesto. Maya-maya’y nakuha ng dalaga ang pansin ng lalaki kalauna’y nakangising nilapitan nito. “Nariyan na pala ang aking mahal na prinsesa…” “Hindi pa po tapos ang pagsusukat ng inyong kasuotan, mahal na prinsipe,” sabad ng sastre. “Tumahimik ka, maaari mo namang ulitin. Hangal!” Umawang ang bibig sa pagiging arogante ng lalaki kaya’t hindi mapigilan ng dalagang maningkit ang mga mata at sitahin ang naturang binata. “Sino ka para pagsalitaan ang isa sa mga iginagalang na sastre sa Burgandia?” Bahagyang naalarma ang prinsipe at halatang nagbago ang ekspresyon ng mukha mula sa pagiging mabagsik ay biglaan ang pagpapalit niya sa pagiging maamong tupa. “Ang ibig kong sabihin, mahal na prinsesa…maari namang ipagpatuloy niya pagkatapos nating mag-usap, hindi ba?” giit nito. Hindi na lamang kumibo si Maria at kusang lumapit sa sastre saka walang kiming itinaas ang dalawang braso upang madaling matantiya ang eksaktong sukat. Lumaon ay umalis na’ang pobreng Emeritian upang isagawa ang susuutin sa araw ng kasal ngunit bago pa man dumating ang ika-walong pagkinang ng hantala’y mayroong magaganap na pagsusukat upang makasigurong magiging perpekto ang lahat ng mga disenyo o pagiging komportable ng mga susuot nito. Pumuslit ako sandali at sinundan ang ginang saka marahan itong tinawag mula sa pasilyo. “Bakit po, mahal na prinsesa?" "Nakalimutan ko po kasing ipaalam sa inyong ito ang tamang sukat ni Prinsipe Leon." Nakakunot-noong tinanggap ng sastre ang munting papirus na hawak kung saan nakasaad ang mga sukat o bilang na maaaring katumbas ng mabubuong kasuotan para sa binata. "N-ngunit, mahal na prinsesa...maaaring ikapahamak ko--" "Magtiwala ka sa'kin. Ginagawa ko lamang 'to para sa hinaharap ng Burgandia." Ilang mili-segundong nag-isip ang ginang sapagkat maaaring ang serbisyo niya ang maapektuhan ng binabalak ni Maria subalit nanaig ang pagtitiwala sa matanda at malugod na kinuha ang papirus. "Hindi ko man batid ang pinaplano ninyo, mahal na prinsesa ngunit asahab niyo ang aking suporta." "Maraming salamat," anas ng dalaga bago yumukod sa harap ng kilalang sastre ng Burgandia. Tuluyang tumulak sa labas ng palasyo ang mananahi. Samantala, bumalik sa silid kung nasaan ang dalawang huwad dahil maaaring mapagalitan nang hari kung 'di nito makitang sinasamahan ang mapapangasawa. GALADIA-Doryang Silangan Pumuslit lamang ang binata upang makarating sa mahiwagang kagubatan ng Galadia. kinakailangan niyang mahanap si Pinkie at maipabatid ang mga balakin upang makatakas si Maria sa araw ng itinakdang bilin ni Questas upang mailigtas ang Elixir. Kasalukuyang palinga-linga ang binata at sinusuyod ang mga kamarilyong nagkalat sa hardin ng silangan. Hindi man matarok ng lalaki kung anong maaaring gawin para mahagilap ang maliit na diwata'y pipilitin niyang tawirin ang ilog ni Haraya kung kinakailangan. "Pinkie! Si Prinsipe Leopoldo ito! Kailangab kitang makausap..." umaalingawngaw ang boses ng binata sa buong kakahuyan. Pinilit niyang rikisahin ang bawat sulok ng nasasakupan ng mga maliliit na diwata hanggang sa maliit na boses ang tumawag mula sa ugat nang puno ng sayap. "Prinsipe Leopoldo? Anong hangin ang nagdala sa'yo rito?" saad ni Pinkie. Inilapag ng binata ang kaniyang palad saka madaliang tumuntong ang diwata. "Pinkie, kailangan ko ang tulong mo. Ikaw lamang ang makakapagsabi kay Maria sa mga binabalak na pagtakas sa palasyo." "T-Teka...anong pagtakas?" "Hindi ko na kayang ipaliwanag ang lahat, Pinkie. Nauubusan na tayo ng oras sapagkat mag-iika walong pagkinang na ang susunod na pag-angat ng Hantala." Nababahala ang mukha ng maliit na diwata ngunit pilit niyang ipinapaliwanag ang mga hakbang upang tuluyang magtagumpay si Prinsesa Maria sa pagpasok sa mahikal na kakahuyan. Panay ang tango ni Pinkie at iniintinding maigi ang lahat. Kinakailangang kumilos ang mga Emeritian at bumuo ng pag-aaklas sa prinsipeng mamumuno sa hinaharap. Matapos isalaysay ang nabuong plano ay walang sinayang na oras ang diwata. Tumulak siya kaagad patungong Burgandia. Samantala, tinahak ni Prinsipe Leopoldo ang daan pabalik sa Harandia para ipaalam sa mga kapatid ang kanilang mga tungkuling gagampanan sa araw ng pagtatakda sa trono ni Juantorio. Sa kaniyang pag-uwi ay hindi inaasahan ng lalaki na magkakaroon ng aberya sa gitnang bahagi ng daang Galadia. Mayroong mga bisig na pumalibot sa kaniyang balikat at roon ay tinutukan ng tatlong talim ang leeg ni Leopoldo. Mariing kumalas mula sa pagkakahawak ang binata subalit masyadong malakas amg puwersa nito. Tumingala si Prinsipe Leopoldo sa mapangahas na emeritian na sakay ng unicorn. Doon ay napagtanto ng binatang si Kumando ang naturang may tangka sa buhay ng prinsipe. "Anong kailangan mo! Pakawalan niyo 'ko!" singhal sa lider ng hukbo subalit hindi kumikibo ang kawal at patuloy na kinakaladkad patungo sa gawing timog. "Kumando, anong ibig sabihin nito?" Nagtataka sa mga ikinikilos ng pinaka-masugid na lider ng hukbong Burgandia, tika mayroong kakaiba sa kaniyang mga kilos. Ni hindi mababakasan ng kahit anong emosyon. Nang makarating sa bungad ng Doryang Timog ay basta na lamang itinulak sa isang kakaibang portal. "P-pakawalan mo 'ko! Kailangan nating magtulungan dahil isang huwad ang magiging hari ng Burgandia!" giit sa kawal subalit imbis makinig ay patuloy lamang sa ginagawang paghahabilin sa mga kakaibang itsura ng Emeritian. Tuluyang tinalikuran ni Kumando at muling tumungo sa direksiyon patungong Burgandia. "Kumando! Pakawalan niyo 'ko! Nasa panganib ang Burgandia!" Nagkatinginan lamang ang dalawang kawal subalit mas nagulantang nang mamasdan ang kanilang burda sa bandang batok. 'Mga nagpapanggap na hukbo ng Galgotha? Delikado sina Prinsesa Maria sa kanilang mga kawal...' BURGANDIA- Doryang Hilaga Hingal na hingal si Pinkie sa paglipad patungong Burgandia upang ipamalita ang nabuong plano ni Prinsipe Leopoldo. Hindi halos mapakali ang maliit na diwata sapagkat nakasalalay sa kaniya ang magiging kaligtasan at ikakatagumpay ni Maria Crex. Patuloy lamang sa paglibot si Pinkie sa paligid ng kastilyo para hanapin ang prinsesa, hanggang sa mamataan ito sa malawak na silid ng kaniyang mga magulang kasama ang dalawang asungot. 'Kailangang makausap ko si Prinsesa Maria.' Sumuot sa mga maliliit na siwang ng kanilang malawak na bintana at marahang gumapang sa mga tarangkahan para lamang makalapit sa mismong katawan ng dalaga. "Malapit na Pinkie." bulong sa sarili. Naulinagan na lamang ng diwata ang klase ng pakikipag-usap ni Maria sa prinsipe. "Mukhang masama ang gising mo mahal na prinsesa?" Panay ang hagikgik ng dama habang tila tusong nakikipag-usap ang binata. "Walang magiging magandang gising lalo't ikaw ang bubungad isang huwad." Lumapit ang lalaki at matalas ang mga matang tinitigang maigi ang dalaga saka mariing sinapo ang kaniyang baba. "Huwad na magiging hari ng Burgandia, Prinsesa Maria." nakakalokong saad nito saka marahas na binitawan ang pisngi ng dalaga. Napasapo ang babae marahil sa mariing pagkakapisil sa kaniyang pisngi. Nais putulin ni Pinkie ang pag-uusap ng mga ito. Nakararamdam ng galit ang maliit na diwata sapagkat mababakas ang kawalanghiyaan ng mapapangasawa ni Maria Crex. Hindi nagtagal ay pumasok si Haring Buendia at inalam ang kung tapos na silang sukatan. Masiglang sumang-ayon si Prinsipe Leon, kabaligtaran nang kaninang asal nito sa prinsesa. "Napakasama ng lalaking 'to!" mariing pagrereklamo ni Pinkie. Hinintay lamang ng diwatang umalis ang lapastangan bago siya magpasiyang lumapit sa matalik na kaibigan. "Prinsesa Maria!" pabulong na tawag sa dalaga. Hinanap ni Maria ang maliit na tinig sapagkat nasasabik siyang makita ang kaibigan. Ilang araw ding hindi dumalaw si Pinkie dahil sa pagiging abala sa mga gawain sa Galadia. Hindi pa rin kasi natatapos ang ika-pitong anihan at mayroong pang mangilan-ngilang puno ng sayap na hindi pa napipitas. "Narito sa mesa, prinsesa.." Nirikisa ni Maria ang katabing mesa hanggang sa makita ang diwatang nakasalampak malapit sa kaniyang ilawan. "Anong nangyari sa'yo, Pinkie? Mukhang nanggaling ka yata sa malayong dako..." may bahid pag-aalala ang tono. "P-Prinsesa Maria, may kailangan kang malaman ukol sa prinsipe ng Harandia. Mayroong siyang nais ipabatid..." Muling lumingon sa paligid si Maria at sinigurong wala na talagang katao-tao sa mismonh pinag-iwanan sa kaniya ni Prinsipe Leon. Maingat niyang dinala sa palad ang kaibigang diwata at pinakinggang maigi. "Anong sinabi sa'yo ni Prinsipe Leopoldo?" Lumunok si Pinkie tila naghahanap ng tiyempo upang isalaysay ng malinaw ang lahat ng kanilang napag-usapan ng prinsipe nang Harandia. GALGOTHA- Doryang Timog Sumadsad ang Hadrum na nag-aanyong dragonika sa mismomg bungad ng Doryang Timog. Awtomatikong nabahiran ng nakakalokong ngisi ang hari ng Galgotha ng ihambala sa kaniya ang prinsipeng bihag gamit ang tanikalang gawa sa nakalalasong baging ng Damortis. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon..." "Isa kang lapastangan! Hinding-hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak!" matalim na saad ni Prinsipe Leopoldo kahit mababakas amg hirap sa kaniyang ekspresiyon. "Nakakatakot ang iyong mga banta, prinsipe ng Harandia.." pilyong saad ni Juantorio, dahilan upang magtawanan ang kaniyang alagang engkanto kasabay ng mga kawal ng hari. Kinalaunan, ang mga tawa ay nabagdan ng takot nang sumeryoso ang lalaki. Nagsitahimik maging ang mga tauhan at alagang elemento. "Huwag ninyong hahayaang makawala ang bihag kundi kayo ang gagawin kong pain sa mga mababangis na hayop sa kakahuyan ng Timog." "O-Opo, mahal na hari." Dinaanan lamang ni Juantorio ang binata habang patuloy na kumakawag at pinipilit makawala mula sa pagkakagapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD