The sky is clear and the clouds are thin and shapes like cotton candies
Cebu, the Queen City of the South, is very close to her heart. Hindi lang dahil isa ito sa mga napakagandang lugar at tourist spot ng Pilipinas, pero dahil sa madami siyang mga masasayang alaala dito, mga alaala na kasama ang kanyang mga magulang, noong kompleto pa sila.
Kaya halos hindi matawarang ang lungkot at kasiyahan na kanyang nararamdaman. Pero syempre mas mahigit siyang masaya kesa sa
malungkot, maging ang kanyang murang puso ay subrang nagagalak. Nakasama niya na muli si Kuya Lindon niya. It was one of her dreams na makapiling muli ang kapatid, at ngayong nangyari muli ay halos napawi na ang lahat ng pagtatampo at hinanakit niya dito.
Kung sabagay, ganoon naman talaga siya. Mabilis siyang magtampo at magalit pero mabilis din itong humupa at mawala. Lalo na tulad ngayon, masaya siyang nakikipaghabolan at nakikilagpaligsahan sa paglangoy kay Kuya Lindon niya.
At ang usapan nila ay kung sino ang manalo ay siyang magluluto.
Tawa siya nang tawa, kasi gaya ng dati talonan pa rin siya. Yes, she is good at swimming pero hindi niya pa rin madadaig si Lindon, mas mabilis pa rin ito kesa kanya.
"Ayoko na! Pagod na Ako!"
nakangusong sabi ni Jasmine saka biglang tumigil sa paglangoy.
"Don't tell me magpapatalo ka na lang?" pang- aasar ni Lindon sa kanya.
Tinignan niya ng masama ang kapatid. "Hindi ba pwede mapagod at magpatalo? Grabe ka! Kuya, nakakapagod din kaya ang lumangoy! Saka ginalingan mo pa talaga so paano ako mananalo sa 'yo!"
" 'Di huwag kang magpatalo sa akin!"
Tumawa si Lindon saka inakbayan siya. "Ang pustahan, eh, kung sino ang talo ang siyang magluluto kaya dapat galingan ko. Aba, masarap ka kaya magluto kaya dapat ako ang manalo!" nakingiting dagdag pa ni Lindon. Inalis nito ang pagkakaakbay sa dalaga saka nagseryosong humarap dito. "Parang buhay lang 'yan, dapat kang lumaban at magsikap na manalo. Hindi ka dapat nagpapadaig. Dapat gawin at ipamalas mo ang lahat ng makakaya mo, lalo na sa paligsahan. Dapat pag-igihan mo at pagbutihan lalo. 'Wag kang magpalamang. 'Wag kang pakakampante, kahit na ang katunggali mo ay ang iyong kaibigan."
Hinampas niya ng kanyang kamay ang alon para tumalsik ang tubig sa mukha ng kapatid.
"Alam mo napapanisn ko na... you always giving me lectures this past few days! Ano ba ang drama mo ha?" natatawa niyang reklamo sa kapatid "Kuya naman, please lang gusto ko magpahinga sa lectures. Kaya please, stop being a lecturer or something! We're not in a classroom."
Mabilis inalo siya ni Lindon at niyakap nang mahigpit.
"I won't stop being a lecturer, a teacher and adviser to you. Kasi iyon ang nararapat. I'm your Kuya at isa sa mga papel ko ay palaahanan ka, subaybayan ka at pagpayohan ka ng mga bagay na dapat mong malaman at mapagtandaan," madamdaming wika nito at hinalikan ang kanyang noo.
Mabuti na lang at nakayakap nang mahigpit si Jasmine sa kanya. Kung hindi mahalata nito ang pagbago ng kanyang boses at maging pagluluha ng kanyang mga mata. Kasabay ng pagpintig ng kanyang puso at paninikip ng dibdib. "Never stop me from something I am entitled to, my sweet sunshine. I know you don't like my rants and nags but someday you will surely understand me. Kapag nasa gitna ka na ng pagsubok at pag iisa, maalala mo ang lahat ng payo na ibinigay ko sa 'yo. You will surely miss me. At 'pag nangyari iyon, tandaan mo ang lahat ng sinabi ko sa 'yo. Please be strong and let your heart guide you. You need to be strong for yourself and show the world that you are brave. Let my love for you guide you in every step of the ladder. I love you so much, tandaan mo iyan. Be brave even if you're shaking with fear and be strong even if you are alone. Do that for Kuya, okey?"
Dumaloy na ang luhang kanina pa pinipigilan ni Lindon. Hindi niya na makontrol ang sarili na umiyak nang mahina. Dala ng subrang kalungkotan at sakit na nadarama. Iniisip niya pa lang na iiwan na niya ang kapatid ay parang pinupunit na ang kanyang puso. Masuyo niyang hinalikan ang buhok ni Jasmine, habang dumadaloy ang masaganang luha sa kanyang mata.
"Kuya naman eh, pinapaiyak mo ako, eh," naiiyak na angal ni Jasmine saka niyakap nang mahigpit si Lindon. Her heart suddenly sadden as she wrapped her arms around Lindon. Marahan niyang inilayo ang kanilang katawan para tignan ng maigi ang mukha ng kapatid. "Why do I have a feeling na nagpapaalam ka? May problema ba, Kuya?"
Sunod-sunod na umiling si Lindon saka ngumiti nang mapait. "No, my sweet sunshine, I just want you to be ready. When time comes and I need to rest, gusto ko na maging matatag ka at maging matapang," sumasamo na wika niya habang hinawakan ang pisngi ng kapatid. "Mapapangako mo ba sa akin na kahit anong dagok ang dumating, magiging matapang ka? Na kahit na ang sakit-sakit na ay maging matatag ka pa din. Ipangako mo 'yan, nang napanatag ang damdamin ko, habang nasa malayo ako!"
"Oo naman, Kuya. You don't have to worry about me. Pangako, lahat ng bilin mo at paalaa lagi kong iniisip iyon. Kahit na mahirap gawin. I will try my best to be strong and brave kahit napakahirap. Promise po, I will be brave and strong no matter what happen."
"That's good to hear." Nakahinga si Lindon sa narinig. "And one more thing, pwede mo bang ipangako na ituring na Kuya, si Martin. Huwag mo siyang sungitan. I asked him to check on you from time to time. Mabait na tao si Martin at tanging siya lang ang maaasahan ko."
"Sige, Kuya, kung iyan ang nais ninyo," nakangiting wika ni Jasmine. "Mukhang mabait naman siya at hindi mahirap pakisamahan."
Nagpasiya silang magkapatid na muli na lumangoy. At habang naghahabolan sila, ay kapwa masaya at may galak ang puso.
Samantalang si Nay Debra ay abala sa paglalatag ng pagkain sa may kubo. Si Martin naman ay preskong nakaupo, may matamis na ngiti sa labi habang ang mga mata ay nakatanaw sa dalawa taong nagpapaligsahan sa paglangoy sa dagat.
Napailing siya, ni minsan sa buhay niya hindi siya nakaramdam ng kasiyahan sa pagmamasid lamang. Subalit parang nag-iba ang kanyang pananaw at pamantayan sa kasiyahan simula nang nakilala niya sina Lindon at si Jasmine.
Ang pagmamahal ni Lindon sa kapatid at ang pag-alala nito ay nagmulat sa kanya kung ano ba talaga ang tunay na kahulogan ng pagmamahal at pag-ibig.
Napatingin si Debra sa binata na abala sa pagsuklay ng kanyang buhok, at tutok na tutok ang tingin sa may dagat. Napapailing na lang siya sabay ngiti. Dahil alam na alam niya ang uri ng titig at ngiti na iyon. Matagal na siyang naninilbihan sa mga Almonte at Monteverde, at maaring wala siyang karanasan sa pag-ibig o pakikipagrelasiyon pero alam na alam niya ang pagkakaiba ng titig ng paghanga at titig ng pagkabighani. Kung sabagay wala namang masama kung magkagusto man ang kaibigan ng kanyang alaga sa kapatid nito. Wala naman nagsasabing hindi pwede nagkagustohan ang dalawang tao na malayo ang agwat ng edad.
All is fair in love and war, ika nga.
"Baka matunaw iyang alaga ko sa kakatitig mo," wala sa sariling wika ni Debra na ikinalingon ni Martin. Namula siya at napayuko. "Dios mio! Naunawaan niya 'ata ang sinabi ko!" nakakunot noong wika niya muli.
"Oo naman, Nay Debra," natatawang sabi ni Martin na ikinalaki ng ama nito.
"Nakakapagsalita ka't nakauunawa ng Tagalog? Akala ko ba Stateside ka?" naniniguradong sabi ni Debra.
"Pinay po si Mama saka dito ako ipinanganak at nagkaisip. Kaya hindi po nakakapagtaka na nakakaunawa ako," paliwanag ni Martin sa mayordoma ng kaibigan
Namula ang mukha ni Debra sa hiya, at sa kanyang isip, sinisisi niya ang sariling bibig sa katabilan.
"Sandali't tatawagin ko ang dalawa baka nagugutom na mga 'yon," pagdadahilan ni Debra upang mapagtakpan ang hiya na naramdaman. Nagmamadaling itong naglakad tungo sa kinaroonan ng magkapatid.
Napangiti tuloy si Martin habang pinagmasdan ang papalayong bulto ni Debra. Alam niyang nagdadahilan lang ang ale at gusto lang nitong makaligtas sa kanya.
Masiglang tinawag ni Debra sina Lindon at Jasmine para kumain. Agad naman tumalima ang magkapatid. Magkasabay na umahon mula sa tubig at naglakad papunta sa kubong kinaroroonan ni Martin.
Nang makalapit na sila, biglang namula ang pisngi ni Jasmine nang napuna ang mapanuring tingin ni Martin sa kanya.
She's wearing a plain black swimsuit that perfectly shows her curves, sa murang edad niya ay isa na siyang ganap na dalaga kung tindig at hulma ng katawan ang pagbabasehan.
"Don't mind Martin. Huwag kang mahiya diyan. Normal lang sa kanya ang makakita ng naka-swimsuit na babae. Mas marami pa ngang nakitang mas revealing na swimsuit kesa sa suot mo," natatawang saway ni Lindon nang mapansin ang pamumula ng mukha ng kapatid.
"Kuya naman, hindi naman ako amerikana no! May hiya pa naman ako," asik ni Jasmine saka mabilis na dinampot at isinuot ang roba na nasa may upoan. "I don't care if he is used to it, basta asiwa ako na naka-swimsuit sa harap ng ibang tao!" mataray pa nitong wika saka pinanlakihan ng mata si Martin.
"Don't worry, I prefer more experience women and of my age," pilyong wika ni Martin na ikinatawa ni Lindon pero ikinabanas naman ni Jasmine.
Samantalang napailing nalang si Debra sa inasal ng alaga niya.
"Well, good to know, dahil walang akong paki sa likes mo! At para sabihin ko sa 'yo, I have no interest to involve myself to men like you. Sa tingin ko palang sa 'yo, palekero kana!" prangka at mataray na balik-sagot ni Jasmine. Napalingon si Lindon tuloy sa gawi nito, saka mahina siyang sinaway.
Samantalang malokong patawa-tawa lang si Martin habang patudyong pinagmasdan si Jasmine.
"Naku, kumain na tayo baka saan pa mapunta iyang word war niyo!" natatawang tudyo ni Lindon sa dalawa.
Tahimik silang kumain kahit na parehong nag aasaran ang kanilang mga ngiti at titig. Paano panay ang tawa at kindat ni Martin sa kay Jasmine habang ang huli ay pinagtataasan ng kilay ang una.
Napapangiti nalang tuloy si Lindon, habang pasimpleng pinagmamasdan ang dalawa. At kahit papano ay nakaramdam siya ng kapanatagan.
He knows Martin will surely earned Jasmine's trust, if not today maybe a few more weeks. Kilala niya ang kapatid. Hindi ito nakipagbibiruan or makipag-angalan sa ibang tao pag hindi ito kumportable.
Jasmine might start the word war battle but she's definitely end up liking Martin, lalo na pag ipakilala niya ang tunay na pagkatao ni Martin.
Iyon ang dumadaloy sa isip ni Lindon
Martin is a very caring and loving guy, who loves to tease and have fun with the people he likes and loves. Kaya nasisigurado niya na gusto ni Martin si Jasmine.
Lindon utter a short prayer.. And he prays.. That Martin will take good care of his sister when times comes...
Because all he wants is to make Jasmine realize that she can trust and learn to like other people too ...
Can Jasmine do that?...