CHAPTER 1

1060 Words
"What? Baka naman classmate niya lang?" Natawa na lamang ako kay Lhou, dahil pinipilit niya pa rin i-push ang mga bagay na mga nakita ko. "Hayss..." iyon na lamang ang nasabi ko kasabay ng pagtingin ko sa kung saan. "After mong pagpaguran mag-aral para lamang makita siya ay ganiyan? Hindi ka pa niya nakikita, hindi ba?" "Wala rin naman akong balak muna magpakita. Magagalit lang 'yon sa akin. Kaya pala siya lumayo ay para makasama ang babaeng iyon." Lumungkot ang mukha kong nanghihinayang sa mga pinagtrabahuan ko. "Imposibleng hindi ka niya makikita d'yan. Una ay nasa iisang school lang kayo! Pangalawa ay nasa iisang condominium lang kayo! Kaya imposibleng hindi ka niya makikita, dahil makikita't makikita ka niya..." Naguguluhan na ako. Parang gusto ko na lang umuwi. "Sabi ko naman sa 'yo ay magbago ka na lang ng crush, e! Sa rami rami ng tao sa mundo ay sa kapatid mo pa kasi ikaw na fall!" Para siyang nanay ko kung sawayin ako sa mga nangyayari na hindi naman niya alam kung saan talaga ako namomoblema. Malamang ay uuwi na 'yon ng Pinas, kapag nalaman niyang narito ako. Panigurado iyon... "Hindi ko muna ito sasabihin kay Nanay at Tatay. Sana ay huwag din muna nila sabihin kay Kuya na narito ako." Kamot lamang ang nakita ko kay Lhou at pagpikit ng mariin. "Kung ano man ang nasa isip mo ay sabihin mo na lang sa akin kapag handa ka na. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang lalaki na mahalin ka, Ambi." Sa kaniyang sinabi ay mas lalo akong nawalan ng lakas. Pinanood ko lamang ang araw na palubog sa aking terrace. Sinilip ko ang katabi kong terrace. Ano kaya ang ginagawa ni Rui kapag magkasama sila ng girl friend niya sa condo? Nagki-kiss kaya sila d'yan? Halos nag-imagination akong hinahalikan ni Rui ang babaeng nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko at umiling-iling! "Hindi! Ayoko makita!" Sabay takip sa aking mga mata. "Ayoko!" Sunod ko pang sigaw at nang mahimasmasan ako ay sinilip ko muli ang kaniyang terrace. "Ang sama mo! Sana ay sinabi mo na lang na gusto mo makasama ang hot girl friend mo, kaysa sa cute at maganda mong kapatid na hindi mo kadugo!" para bang sinusuntok ko sa hangin at tila iniisip na mukha niya iyon. Nang bumukas ang salamin na pinto mula kaniyang terrace ay nanlaki ang mga mata ko. Kaya naman dali-dali akong tumalikod at tila papasok sa loob nang mauntog ako sa pinto kong salamin rin. Tila ramdam ko ang pagkakasampal sa akin ng katotohanan. "Are you okay?" mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong kaniyang pagkumusta sa akin. Hindi niya ako nakilala gawa ng hindi niya makita ang mukha ko mula sa aking buhok na nakatakip sa aking mukha. "Weshingwa! Shemarako!" Ano raw? Basta kunyari ay ibang lahi ako! Hinila ko ang pinto nang makapasok ako sa loob. Agad agad kong sinarado at tinakip ang naglalakihang kurtina. Weshingwa? Shemarako? Ano ang lengwahe na 'yon! Sapo-sapo ko ang aking ulo. Tanga-tanga mo naman, Ambi! "Gigil naman! Paano kung namukhaan niya ako? Ang sabagay ay hindi naman niya ako tinawag. Kung nakilala ako no'n ay iinit na agad ang ulo no'n!" Hindi na ako makapag-isip kung ano ang pwede kong gawin ngayong alam ko na narito na siya sa kabila lamang ng aking pader. Dali-dali kong idinikit ang tainga sa ding-ding. Para bang tanga na gustong marinig ang usapin nilang magjowa sa kabila. "Baka may ginagawa na silang himala? Ibig sabihin ay live in na sila? Oh, no! Hindi pwede! Cannot be!!" Nagwawala kong singhal ng itigil ko ang pagsigaw at pag-iling. "Fine! Hindi na ako makikialam!" Nguso kong sabi at nanamblay saglit. Bakit kasi ngayon pa nila naisipang magpakita sa akin kung kailan narito na ako! Dumating ang kinabusakan nang hindi man lang ako kumain ng gabi. Para akong sabog na panda at naglalakad. Kailangan ko pa namang pumasok ngayon sa school, dahil naka-enroll na ako roon. Hindi naman pwedeng hindi ako magpakita. Bago ko buksan ang pinto ng aking unit ay sinilip-silip ko muna ang maliit na butas na bilog, upang makita kung dumaan na ba si Kuya at ang kaniyang girl friend. Pero, dahil male-late na ako ay kusa na akong lumabas at hindi na nagpalipas pa ng oras. "Takbo! Bilis!" halos nang makarating na ako ng elevator ay puro pindot ang aking ginawa. Ngayon ay ang suot ko'y isang long blazer na cream at high boots na kulay black at pink sweater dress na turtle neck. Kaya nang bumukas iyon ay pasalamat na lamang ako at wala akong nakasabay na Relasco. "Oh, shot! Paano ako makakapunta roon? Hindi ko alam kung paano!" sapo-sapo nanaman ang aking noo nang mamoblema akong muli. Ang sabi kasi ni Nanay at Tatay sa akin ay sumabay na ako kay Kuya. O, kaya naman ay magtanong na lamang ako kay Kuya kung magkaiba ang shift namin. Habang naka labas na ako sa condominium ay palinga-linga ako sa kalsada. Baka nagbabakasaling may mga bus na hihinto, pero hindi pala ganito rito. Tinignan ko kung anong oras na nang mapansin kong isang oras pa bago ako hindi ma-late. "Nakakainis! Paano ba papuntang Harbid!" gigil kong sambit nang may gumulong na coins kaya naman agad kong pinulot iyon. Ngunit nang mahawakan ko ang coins ay may taong sumabay sa pagkuha ko mula sa barya at lumaylay ang isang ID na kitang kita ko ang nakasulat na Harbid! "Thank you so much, Lord!" pinulot ko ang barya at pinaghahalikan iyon! "Thank you so much!" saka ko iyon ibinigay sa... "T-that's mine," ani ng lalaking lubog ang mata at lubog rin ang dimple. Ang buhok niya ay parang kay Leonardo DiCaprio noong kabataan. Blonde rin ang kaniyang buhok na mukhang artistahin. "A-ah! Y-yes! Yours." saka ko ibinigay ng buong puso ang kaniyang barya. Tila aalis na ito nang hilain ko ang kaniyang black coat. Tinignan ako nito nang may pagtaas pa ng kilay. "C-can I sabay? Ay! Can I go with you?" "You what?" "I mean! Uhmm..." bwesit na english 'to! "I need to go to Harbid. I'm a new student, and I didn't know how to go there." sabay ngiti kong sabi. Alam kong palakol ang english ko, pero bakit naman kasi nag-aral ako ng ilang taon ay bulol pa rin ako mag-english! Nakakailang practice na ako! "Oh! Sure!" tungo niyang sagot at ngumiti sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD