CHAPTER 2
“Hey?” tumaas ang tingin ko sa kaniya nang tawagin niya ako. Nawala ako sa wisyo, hindi ko akalain na mayroong girl friend na pala ang pinapangarap kong lalaki. “We’re here,” sunod niyang sabi na ikinakurap-kurap ko at agad na tumayo.
“Ah!” Natauhan ako saglit nang huminto na ang bus na aming sinasakyan. Tila hindi ko alam kung paano ako magbabayad nang nagulat ako nang may gawin siya at lumingon na sa akin. “Let’s go.”
Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan nang sumama ako sa kaniya maglakad.
“Exchange student?”
“No,” matipid kong sagot.
“Ojt?” sunod niyang tanong sa akin.
“No,” sagot ko.
Siguro napansin niya kung gaano ako ka-cold sa kaniya nang mainis ako sa aking sarili. Ako na nga itong tinulungan, ngunit ako pa itong parang may utang na loob sa kaniya.
“Here’s my number,” medyo mayroong accent ang pagkakasabi nito sa akin nang ibigay niya ang isang papel. “W-wait!” pigil ko sa kaniya nang hawakan ko ang braso nitong nakalayo na sa akin nang kaunti.
“What’s your name?” tanong ko sa kaniya at nahiya nang kaunti, dahil nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. “Nico,” tipid niyang sagot nang saka siya tumungo sa akin at dali-daling naglakad papalayo. “Hindi ko pa nga nasasabi ang pangalan ko,” mahina kong sambit nang makapasok na siya sa loob ng gate.
Sumunod naman ako, ngunit ilang saglit pa nang hinarang na ako ng guard.
“Where’s your ID?” agad na tanong nito sa akin. Pati ba naman rito ay ganito kahigpit? Akala mo ay nagmamay ari ng school! “Taga pagmana ka ba ng Harbid?” nguso kong tanong nang tumabingi ang ulo niya’t parang naiirita sa akin. “I’m a new student here. Here!” sabay pakita sa kaniya ng isang papel.
Kinuha naman niya iyon at nang tignan niya ay sinamaan ako ng tingin.
“It’s fake. You can’t fool me!”
“What? It’s not fake!”
“Statement of account?” umawang ang labi ko nang pati iyon ay hanapin niya sa akin. “I told you! It’s not fake! Why don’t you ask the registrar?” Nangkit ang mga mata niya nang ibigay sa akin ang papel.
Nagpapadyak ako sa gilid ng gate nang makita ko ang numero ni Nico. Agad nanlaki ang mga mata ko’t madali siyang tinawagan sa aking telepono.
“Hi!” masaya kong bati.
“Who’s this?”
“A-ambella… the one you helped earlier?” hindi ko alam kung tama ba ang ingles ko, pero alam kong naiintindihan naman niya iyon. Kahit pa nag-aral ako sa magandang school at private ay hirap na hirap ako sa ingles. Ano ba ang magagawa ko, dahil hindi naman araw-araw ay pure english kami mag-usap sa bahay. “Oh… what is it?”
“I think… I need you help.”
Narinig ko ang isang ngisi niya. Nakaramdam nanaman ako ng hiya sa pagkat kakapasok ko pa lamang sa paaralang ito ay puno na ng kahihiyan ang inabot ko. “Where are you?” tanong niya.
“Still where you last saw me,” mahina kong sagot.
“You’re still in the gate?”
“Yes.” pinagmasdan ko ang guard na nakatingin lamang sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata. Racist ka, ha! “Okay. Stay where you at,” ayon lamang ang sagot nito nang nawala na ang linya.
Ang ganda-ganda pa man rin ng suot ko! Tapos ay pagtatambayin niya lamang ako sa labas at hindi papapasukin? Lagot talaga siya sa akin kapag ako ay napagalitan sa loob.
Since ang sabi lang naman sa akin ni mommy at daddy ay pumasok na lamang ako at dumiretso sa registrar ay hindi nasunod ang plano ngayon.
“Ambella.” napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin nang makita ko si Nico. “He says it’s fake.” bigay ko kay Nico ng aking papel. Para niya ba itong pinag-aralan nang makita at nang ilang saglit pa ay lumapit siya sa guard.
May kung ano siyang sinabi roon, habang ako ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Sunod niyang ginawa ay may itinuro siya sa guard mula sa papel na hawak ni Nico.
Sa ilang saglit pa ay biglang parang nag-sorry ang guard sa kaniya. Kunot ang noo ni Nico, habang may sinasabi pa sa guard, kaya nang binigyan niya ako ng tingin ay umayos ang tayo ko.
“Ambella! Come here,” utos niya.
Pumunta ako sa kaniyang gawi nang mapasinghap ako. “Let’s go.” hindi ako makatingin sa guard na ngayon ay umiiwas ng tingin sa akin. “So, you’re Relasco’s sister?” umawang ang labi ko nang marinig ko ang kaniyang tanong.
“H-how? How did you know?” ngunit ang nakuha kong sagot ay ang pagbigay niya sa akin ng papel. “Hampton,” saad niya. Kabog nang kabog ang aking dibdib, dahil baka sabihin niya iyon kay kuya. “Can you please not tell him that… I’m here, please?” pagmamakaawa kong pilit sa kaniya.
“He didn’t know?”
“Please! Don’t say anything about me and my presence.” turo ko pa sa aking sarili. “What if I tell him? What will you do?” bumaba ang aking braso’t umiling. “Please don’t nga, e!” kulit! Hindi maka-gets! “Psshh… I will think about it.” saka siya naglakad papalayo.
“Please! He’ll be so angry at me. He will never accept me as his sister.” nahinto siya sa aking sinabi nang harapin ako ulit. “Why? Are you not blood related or something?”
“I’m adopted.” tumaas ang kaniyang kilay at agad na tumungo-tungo na para bang namangha sa aking sinabi sa kaniya. “So, you’re not really a Hampton by blood?”
Talagang kailangan niya pa iyong sabihin sa akin?
“Yes! That’s why you don’t have to tell him that I am here, okay?”
“In one condition.” Para ba akong sinalpakan ng tag tres na kahoy sa mukha nang sabihin niya pa iyon. “I know this one! I already saw this in movies, like you’re gonna ask me to be your fake girl friend? Gosh! Or be your personal assistant?” iling-iling ko pang ani na mas lalong ikinalaki ng kaniyang ngiti. “Nope. This one.” sabay biglang bigay sa akin ng bag niya.
Ano gagawin ko rito sa bag niya?
“Here’s my keys!” nang tignan ko iyon ay nakita ko ang pangalan ng locker nito.