CHAPTER 3
Kunot noo akong naglalakad habang parang aso na nakasunod sa kaniyang likod. Tumirik lamang ang mata ko nang nakanguso lamang.
Sandali lamang nang mauntog ako sa kaniya nang mapansin kong hindi na pala siya naglalakad. "Sakit, ah!" Hindi ko napigilang mag-Tagalog nang taasan niya lamang ako ng kilay. Sinundan ko ang kaniyang kamay at tila may itinuturo.
Nakita ko ang nakaukit na pangalan niya at numero sa locker na ito.
Ronico Miller
"Nico!" Napatingin kami sa gilid nang may tumawag sa kaniya. Sinundan ko naman iyon ng tingin ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Relasco. Tila hindi na ako magkadaugaga nang agad-agad ko namang buksan ang kaniyang locker. Nang mabuksan ko iyon ay ihinagis ko ang kaniyang bag sa loob.
Kabang-kaba ako nang animo'y nanlaki pa lalo ang mata ko nang marinig ko na ang boses ni Relasco. Tinikom ko ang aking bibig nang sandaling gusto ko nang maiyak, dahil sa pagka-miss ko sa kaniya.
Gusto ko na kumawala at yakapin siya ngunit hindi pwede. Kilala ko siya at ayaw niya na gagawin ko iyan sa kaniya sa kahit sino pa ang kaharap naming dalawa. "Why took you so long?" Tanong iyon ni Relasco. "Sorry, I just assisted a kitten that couldn't get in earlier," sagot naman ni Ronico kay Relasco.
"Kitten?" Kahit ang pagbanggit niya kitten ay kakaiba. kit-en... sosyal ang kuya ko! Baka Rui ko 'yan! Naramdaman kong may lumapit sa akin ngunit nang mapalingon ako ay nagulat ako nang makita ko si Ronico na nakatingin sa akin at nakangiti.
"Nasa likod mo lang kuya mo," wika niya. Ngunit ang mas ikinalaki ng mga mata ko ay marunong pala siya magtagalog?! "Bye, kitten. I'll take my keys," sunod niya pa nang kunin niya ito sa kamay ko at agad naman na umalis.
Nakasuot pa rin ang ulo sa loob ng locker ni Ronico...nagtatago.
Ginawa kong harang ang pinto ng kaniyang locker at pinagmasdan kung asan na ba sila. Hindi ako nagkamali nang makita ko na silang paalis. Sa awa ni Lord ay agad ko namang isinara ang pintuan ng kaniyang locker.
Dali-dali na rin akong pumunta ng office at ibigay ang iba kong papel.
"You are late for class." Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa babae na nag-aayos na rin ng mga papel ko. "It's alright, and I'll just hand you a note to present into your teacher tomorrow..." sunod niya nang may i-type na siya sa kaniyang keyboard at ituro ang upuan sa akin. Hindi ko na iyon pinalampas nang umupo na muna ako at nilibot ang tingin ng office.
" For the time being, someone will take care of you so that you can be toured and informed about what is and is not permitted." Habang siya ay nagta-type ay sinasabi niya iyon. "O-okay..." Nahihiya kong tugon nang hindi rin nagtagal nang tumunog ang printer niya. May pinirmahan siya roon at itiniklop iyon saka inilagay sa puting sobre.
Inabot ko naman iyon at nagpasalamat sa kaniya.
May itinawag siya sa kaniyang telepono at doon naman ay ngumiti siya sa akin.
"This is Nica..." Pakilala sa akin ng babaeng nasa office nang may pumasok na rin na babaeng hindi masyadong katandaan sa akin. Batid kong isa o dalawa lamang ang tanda sa akin. Tumayo ako nang bigyan ko siya ng kamay. "You can go now," ani pa nito nang ngumiti na lamang ako at lumabas na kasama si Nica.
Mukha siyang banyaga ngunit may nakikita akong kamukha niya. Hindi ko alam kung saan ko nakita ang pamilyar na kaniyang mukha. "Nice to meet you." Habang naglalakad kami ay nginitian niya ako. "N-nice to meet you," sagot ko ring bati sa kaniya.
"Ranica Miller, by the way." Miller? Gumalaw ang aking ulo bahagya nang maisip ko kung saan ko naman nakita ang Miller na iyon nang tila parang tamaan ako ng ilaw sa utak. "Are you related to... Ronico Miller?" Naningkit ang mga mata niya nang bigyan ako ng pansin.
"Yes," sagot niya. "So, nagta-Tagalog ka rin?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Not really," tugon niya nang lumabas na lamang ang hangin sa aking bibig. "I still struggle to communicate in English. But I can communicate in English!" Humarap pa ako sa kaniya. "I can see that," matipid niyang sagot.
"Your brother forced me to place his bag in his locker." Pagsumbong ko sa kaniya nang matigilan siyang maglakad at harapin naman na ako. "He did what?" Kunot na ang noo niya akong tignan. "Which of you two is the elder?" Hindi niya naman pinansin ang tanong ko nang igalaw niya ang kaniyang salamin sa mata.
"Pasensiya ka na sa ginawa ng kapatid ko," sabi niya.
Umawang pa ang bibig ko nang mapagtanto kong nag-Tagalog siya! Sabi ko na nga ba at marunong din siyang mag-Tagalog, e! Tila sobrang saya ko nang hindi ako mahihirapan pang mag-english sa harapan niya.
Aaminin ko at marunong ako sa english, pero parang naba-blanko ang isip ko kapag kakausapin mo na ako. Huwag sana nila ako i-judge, ngunit alam ko naman na maiintindihan nila ako, dahil bago pa lamang ako rito sa bansa nila.
"Pagsasabihan ko na lang siya mamaya o hindi kaya ay isusumbong kay mommy-" Hindi ko na siya pinatapos nang umiling ako. "Huwag!" Pigil ko sa kaniya. Nakita ko kung paano muli naningkit ang mga mata niya kung tignan ako. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Are you okay with what he's doing to you?" Tinaasan niya ako ng kilay. "And you're fine with it?" sunod niya pa.
"Of course, It's Nico! He's attractive, therefore you won't mind if he bullies you." Umiling pa akong muli, dahil mali ang naiisip niya. Hindi naman dahil gwapo ang kapatid niya kaya ayos lang naman sa akin. Sadyang ayoko lang na sabihin niya na narito ako sa kapatid ko.
"I don't want him to be upset with me because he knows my secret." Sana ay maintindihan niya kung bakit ko ito ginagawa. "Your secret?" Tumungo na lamang ako. "So, you're close with my brother?" Iniling ko ang ulo ko.
Totoo naman na hindi kami close!
"That's why I avoid talking to girls since I know what their motivation is. They are fond of my brother." Ang feeling naman ng babaeng ito! "I'm not like the other girls. My brother is hotter than yours!" Pag-uumpisa ko.
"Really? You know my brother's whole name, so I know you have a crush on him!" Matabang akong natawa at agad na tinarayan siya. "Hindi, 'no! Pogi nga kapatid mo, feeling nasa telenovela naman! Baka ang kapatid mo ang may crush sa akin!" Bawi ko nang makitaan ko rin siya ng inis sa mukha.
"Para namang tatanggapin kita bilang kapatid!"
"Para namang sasagutin ko ang kapatid mo!"
Naglabanan lamang kami ng tingin nang sa hindi nanaman kalayuan ay nakita ko na ang kapatid kong nakangiti at nakikipag-usap sa iba niyang kaibigan. Hindi ko alam kung paano ako magtatago, dahil kapag talaga nakita niya ako ay malalagot ako!
"What the heck are you doing?" Tanong ni Nica sa akin nang harapin ko siya at agad na itinalikod at mabilis na inilakad sa kung saan. "Ako ang magto-tour sa 'yo, hindi ako ang ito-tour mo! Take off your hands at me!" Palo niya pa sa kamay ko nang hindi ko iyon pinansin.
Nang makalabas kami ng building ay agad naman bumungad sa akin ang isang malaking field sa gitna.
"C'mon!" Tinakpan ko ang kaniyang bibig para hindi na siya makapagsalita. Hindi naman siya ganoon katangkaran sa akin kaya nakaya ko namang gawin iyon sa kaniya. "It's Relasco!" Kahit takip na ang kaniyang bibig ay narinig kong sinabi niya ang pangalan ng kapatid ko.
Nang makita kong sa ibang direksyon na sila nagtungo ay binitawan ko na ang kaniyang bibig. Galit naman siyang tumingin sa akin na animo'y namumula pa ang mukha.
"What's wrong with you?!" Singhal niya nang ayusin niya ang kaniyang mukha. Sinundan ko nanaman muli ng tingin si Relasco nang makita kong wala na sila. "Kainis! Bilisan mo na nga lang at magpa-picture ka ng I.D mo!" Galit niyang sabi kaya sinundan ko na lamang siya.
Lahat ay gagawin ko upang hindi niya lamang malaman na narito ako.
Nang makarating kami sa loob ay may ibinigay siya sa aking papel. "Fill in your full name here," utos niya ng pagalit. Kinuha ko naman ang aking pentel at doon na nagsulat ng aking pangalan.
Ambella Rose Hampton...
Hindi naman iyon tinignan ni Nica nang masungit niya pa rin akong utusan na pumunta ng studio. Sinamahan niya pa rin naman ako nang kausapin niya ang isang lalaki. Ibinigay ko rito ang papel na sinabi sa office na pinuntahan ko kanina at sandali lamang nang may isulat din siya sa papel.
"Show your whole name and smile," sabi niya nang gawin ko naman iyon. Bago ako ngumiti ay nakita ko si Nica na nanlaki ang mga mata kung tignan ako, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Ngumiti na lamang ako at naramdaman ko na lamang na nakuhaan na ako ng litrato ko para sa aking I.D...