ANONG PARTY? Hindi niya man lang pinaliwanag sa akin kung anong party ang dadaluhan namin. Paranoid pa naman ako sa susuotin kapag ganyan. Hindi ko malaman kung ano'ng susuotin. At saka bakit ako ang isasama niya? Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga party. Kahit sa campus namin ay hindi ako nagpupunta. Mandatory man yan o hindi. Maliban kasi sa wala akong oras dahil nga may trabaho. Nakakatamad mag-ayos para lang tumambay at makihalubilo. Mas gugustuhin ko na lang humilata sa kama at magselpon. Nakaka-drain kaya kahit nakaupo ka lang at saglit na nakikipag-usap. Mula sa gilid na kinatatayuan ko, hinanap ng mga mata ko si Demetrius sa mga nagdadaang mga estudyante. Hindi kasi talaga ako mapakali. Bigla na lang niya akong iniwan ng walang pali-paliwanag kagabi. "H-Hello, D-Drusilla." Nagb

