HINDI ko na talaga maintindihan pa ang takbo ng isip ni Demetrius. Sumisinghot ata iyon ng katol sa gabi, eh. Huwag akong tumingin sa ibang lalaki? So, ano'ng gusto niyang gawin ko? Likod ko ang iharap sa kanila kapag nakikipag-usap ako? Inabot ko ang black cap sa vanity table saka isinuot. Sinuri ko muna ang sarili sa harap ng salamin. Wala akong magawa kaya balak kong lumabas uli at uminom ng kape habang nakatambay doon sa mga benches na minsang pinagtambayan namin ni Demetrius. Lumabas ako ng kwarto nang makuntento sa itsura. Nayakap ko ang sarili nang humaplos sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Kakatapos lang kasing umulan. As usual, wala nang masyadong tao sa mga hallway kahit maaga pa naman. Maganda na ganitong oras ay nasa loob na silang lahat ng dorm. Walang makakaisto

