NAGISING ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking hita. Hindi rin ako makakilos dahil sa brasong nakayakap sa bewang ko. Inaantok akong napaungol sa inis habang tinatangkang tanggalin ang brasong iyon. "Ang bigat mo!" reklamo ko. Ungol ang sagot niya sa reklamo ko pero hindi pa rin niya tinanggal ang braso. Mas lalo pa nga yatang humigpit. "Ano ba? Ang braso mo sabi—" Teka? Mabilis pa sa alas kwatrong nagmulat ang mga mata ko. Marahas akong bumangon at nilingon ang kung sinong pontio pilatong katabi ko. Nagulat ako at nagtaka nang ma-realize kong si Demetrius ito. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. Niyugyog ko siya sa braso pero hindi siya nagmulat ng mga mata. Isang himig nagrereklamong ungol ang sagot niya sa akin. Napasabunot ako sa aking buhok. Iyong panaginip ko kagab

