Chapter 28

1890 Words

MALAKAS ang pintig ng aking puso. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang nakatingin iyon sa kanya. Gusto kong magsalita. Tanungin kung tama ba ang iniisip ko. Ngunit tila naumid ang dila ko. Siya naman ay nakatitig lang sa akin. Sa bawat paglipas ng segundo ay ang dumidiin at lalong sumeseryoso ang kanyang mga mata. May kakaibang hatid iyon sa akin. Tila ba isa akong bagay na matagal na niyang gustong makuha at ngayong nasa harap na niya ako ay ayaw niya nang pakawalan. Ganoon niya ako tingnan. Napalunok ako. Lakas-loob ko siyang tinanong. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" kinabahan kong tanong. Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba sa para sa akin ay umamin siya o dahil sa tingin niya? Hindi ko alam. Pati utak ko ay nag-freeze na rin yata. Automatiko akong napaatras nang humakban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD