Chapter 04

2327 Words
NAPAKALAKI ng university ‘to! Nahirapan akong hanapin ang classroom ko sa first at second subject. Mabuti na lang demonyita ‘tong si Drusilla. Maraming takot sa kanya kaya madali sa akin ang magtanong sa mga estudyante. Mata-mata lang ang galawan. Short break time ko na pagkatapos ng dalawang subject. Normal na mga subject lang din ang pinag-aaralan nila rito. Akala ko may eme tulad ng paggamit ng espada, exhibition ng mga makalumang damit nila, history kung saan sila nagmula at mga magic pero naalala ko na wala nga pala silang kaalam-alam na hindi mga tao ang nakakasalamuha nila. Pabagsak akong naupo sa bakanteng upuan na nakita rito sa napakalaki nilang cafeteria. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante. Ilag na ilag sa ‘kin. Akala mo ngayon lang nakakita ng cute. “Ops! Hindi ko nga pala ‘to katawan. . .” bulong ko sa sarili. Sayang naman. Hindi nila masisilayan ang tunay kong alindog. Hinimas ko ang manipis na tiyan nang kumulo iyon. Ano ba’ng kinakain o iniinom ni Drusilla? Dugo ba? Kumakain ba siya ng natural na pagkain? Laman-loob ng tao? Napangiwi ako. Kadiri naman ‘yon. Dapat pala hiningi ko ang number ni Lilith para makapagtanong. Sa laki ng lugar na ‘to. Baka next century ko pa siya makita. Kinuha ko ang notebook kung saan nakalagay ang schedule ko. Classroom number at subject lang ang nakalagay rito. Wala man lang mapa. Magtatanong-tanong na lang ako rito. Bahala na kung magtaka sila. Kumagat ako sa burger ko. “Saan kaya ang mga ‘to? Sana magkalapit lang. . .” bulong ko. “We’re classmates.” Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Siya ‘yung babaeng napagtanungan ko kaninang umaga. “H-Hello!” alanganin niyang bulalas. “I’m Emma Reyes. I-I figured out you’re having trouble finding your classroom.” Emma pala pangalan niya. Bagay sa kanya dahil medyo kamukha niya si Emma Watson. Short hair version nga lang. “Salamat!” nakangiting saad ko. “Kanina pa ako nababaliw kakahanap sa mga room na ‘to. Napalaki naman kasi ng university na ‘to.” “Can I?” tanong niya. Nakaturo sa upuang nasa harap ko. Tumango ako saka siya naupo roon. “I agree. Malaki talaga ang Crescent but I think tama lang naman since maraming nag-aaral dito.” “Sabagay,” saad ko. Kumagat ako sa burger at sumipsip sa softdrinks. Napatingin ako sa kanya nang tumikhim siya. Tumaas ang dalawa kong kilay. Hindi ako makapagsalita. May laman pa ang bibig ko. “I’m curious, though,” panimula niya. “Bakit nahihirapan kang hanapin ang room mo? Sa pagkakaalam ko, mas matagal ka nang nag-aaral rito kaysa sa ‘kin.” Natigilan ako. Oo nga no? Bakit hindi ko man lang naisip ‘yon? Halatado na kaagad ako. Nagkibit-balikat na lang ako. “Ewan ko rin, eh.” Alam kong walang kuwenta ang sagot ko pero wala akong maisip. Kahit naman magtaka siya. Sigurado akong hinding-hindi siya maghihinala na hindi ako si Drusilla. Hindi nga nila alam na may nakakasalamuha silang hindi tao, soul-swap pa kaya? Hindi na siya nagtanong kahit halatang nagtataka. Inilibot ko ang tingin sa paligid habang kumakagat sa burger ko. Sa mga pulseras palang at mga mamahaling batong palamuti sa katawan. Masasabi ko kaagad na mayaman ang mga estudyante rito. Sino-sino kaya sa mga ito ang hindi tao? “Mga spokening dollars pala rito,” bulong ko. Hindi ko namalayan na napalakas ang pagkakasabi ko. “Yes, majority ng mga students dito ay galing sa mayayamang angkan,” saad ni Emma. Sinulyapan ko siya. “Edi mayaman ka rin?” tanong ko. Ngumiti siya at tumango. “But not as wealthy as you.” Napakunot-noo ako. Mas mayaman si Drusilla sa kanya? Ano ba’ng trabaho ng mga magulang ni Drusilla? Wala man lang akong kaalam-alam sa katawang ‘to. “Mas mayaman ako?” bulong ko. “Oo, hindi ba?” pati siya ay nagtataka dahil sa reaksyon ko. “Hindi ba’t may koneksyon ang angkan mo sa isang royal family? Besides, you’re very respected here.” “Ah. . . oo, m-may koneksyon kami sa royal family,” saad ko saka alanganing tumawa. “Sorry, lagi kong nakakalimutan. Humble kasi akong tao.” Sana hindi niya napansin na tabingi na ang ngiti ko. Magtatanong na talaga ako kay Lilith. Hindi puwedeng wala akong alam. Hindi ako mabubuko ng katulad kong mortal pero sure akong hindi makakaligtas sa mga katulad ni Drusilla lalo na ni Lilith. Nangiti naman siya. Parang tuwang-tuwa sa akin. “Yeah! No offense, ha? Pero akala ko noong una masama talaga ugali mo. You are often called witch ng iba nang palihim. But now na nakilala kita, I can guarantee na hindi ka katulad ng mga tsismis.” Nahihiya akong ngumiti at napakamot sa ulo. “Ito naman! Parang sira! S’yempre, alam ko na ‘yon. Mabuti talaga akong tao.” Hindi na ako magde-deny. Ang compliment ay blessing. Dapat tinatanggap nang maluwag sa laman-loob. Nagkuwentuhan na lang kami ng iba’t ibang bagay tulad ng history ng University na ‘to, mga nag-aaral dito, mga tsismis at kasama rin ang mga kilalang estudyante rito na ka-group ko raw pagdating sa yaman at impluwensya ng angkan. S’yempre, hindi ko tinanggi uli. Ang building pa lang kanina kung saan ako nanggaling ay ang Luna building/dormitory kung saan puro babae lang ang umuukupa. Samantalang iyong isang building naman kung saan nakita ko ‘yung lalaking maka-ismid akala mo ikinakinis ng itlog ay ang Artemis building/dormitory exclusive for boys lang. “Have you heard about the abandoned building? Sa tingin mo, bakit kaya ipinagbabawal na pumunta roon?” curious niyang tanong. “Kasi abandonado?” ‘di ko sure na sagot. Malay ko ba kung saan at anong building ang sinasabi niya. “No! Feeling ko may mas malalim na dahilan bakit bawal pumunta sa Hecate building. I feel like it’s deeper than just being abandoned,” saad niya at malalim na nag-iisip. Sumipsip siya sa hawak na coke. Nanliliit ang mga mata. Akala mo ‘yung imbestigador sa pelikula. “Baka may nagchuchukchakan doon kaya bawal,” kaswal kong saad. Halos maibuga niya ang iniinom. Buti na lang nakailag ako. Sapol sana ako sa mukha. Pulang-pula ang mukha niya. “Drusilla!” nahintatakutang suway niya. Hindi pala siya sanay sa bunganga ko. Nag-peace sign na lang ako. Mga classmate ko kasi sa room noon mga walang preno ang bibig kaya ayon, naimpluwensyahan ako. Inosente ako rati, eh. “Nagsu-suggest lang,” saad ko. “Ang pangit ng suggestion mo!” histerikal niyang saad. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pumasok sa isip kong muli si Demetrius. Saan ko ba makikita ang lalaking ‘yon? NAGTINGIN-TINGIN ako sa paligid habang hinihintay si Emma lumabas ng comfort room. Sabay kaming papasok sa next subject. Mabuti na lang at classmate ko siya sa tatlo kong huling subject pagkatapos ng breaktime. Hindi na ako mahihirapan maghanap mamaya. Umatras ako nang magsawa kakatingin. Hindi ko tiningnan ang likuran ko kaya bumangga ako sa matigas na bagay. Sa lakas ay na-out balance ako at pahigang bumagsak. Ngunit hindi sahig ang sumalo sa akin kundi isang katawan! Hindi pa ako nakakabawi nang itulak ako ng dalawang kamay. Napasubsob tuloy ako sahig. “Takte! Mukha ko!” gigil kong reklamo. “Hindi mo pagmamay-ari ang daan dito kaya matuto kang tumingin,” gigil na saad ng baritonong boses. Mga abuhing mata ang sumalubong sa akin nang tingnan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko. Siya ‘yon! Iyong lalaking nakita ko kaninang umaga na akala mo ikinagwapo ang pagsusungit. Tinitingnan ko lang naman. Kung minamalas ka nga naman. Marahas akong tumayo at inayos ang skirt ko na tumaas. Nakita pa ’ata tumbong ko kanina takte! “Bakit? Inangkin ko ba ang daang ‘to?” asik ko. “Nakita mo nang hindi ko sinasadya, ang dami mo nang sinasabi. Bakit? Sinadya ko bang bungguin ka? Ha?” Nangunot ang noo niya pero hindi nagsalita. “Kairita!” gigil kong bulong. “Ikaw na ang dumagan sa ‘kin, ikaw pa ang galit?” Nilingon ko siya. “Ano gusto mong gawin ko? Daganan ka uli, padapa naman? Gano’n?” Narinig ko ang pag-ismid niya. Lalo tuloy akong nairita. Ang sarap ibitin patiwarik! “Nice strategy but sorry to tell you. It won’t work. Kahit gumulong ka sa harap ko. Hindi kita kukubabawan.” Umawang ang labi ko dahil sa kakapalan ng mukha niya. Sa ganda kong ito? I mean, sa gandang ‘to ni Drusilla? Gugulong para lang sa kanya? Utot niya may igit! Lumakad siya at nilampasan ako. “Kung may pinakamakapal na bagay sa mundong ‘to. Sure ako, mukha mo.” Mapang-asar akong tumawa. Humarap ako sa nilakaran niyang direksyon. Napahinto siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. “Aaminin ko. Guwapo ka pero hindi ibig sabihin no’n lahat ng babae luluhod sa ‘yo. Kasama ako sa mga babaeng ‘yon,” seryoso kong saad. “What?” Nakita kong lumabas na sa C.R si Emma at lumapit sa akin. “Ano’ng nangyayari?” nagtataka niyang tanong. Hindi ko siya pinansin. Lumakad ako papunta sa lalaking abuhin ang mga mata at huminto nang nasa harap na niya. Blangko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “At isa pa, hindi ko sinadyang bungguin ka. Sadyang nasa likod kita noong paatras na ako. Hindi iyon strategy para kunin ang atensyon mo kaya ‘wag mo sanang ma-misunderstood. Hindi kita type,” mariin kong saad. Umawang ang mga mapupula niyang labi. Bahagya ring nangunot ang noo niya pagkatapos marinig ang sinabi ko. “At hindi rin kita gusto. So, stop assuming.” Inismiran ko siya. “Drusilla!” suway ni Emma. Nakalapit na pala siya sa amin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. “T-tama na ‘yan! Tara na!” Sinulyapan ko ang lalaki. Inirapan ko muna siya bago tinalikuran. Para namang na-glue ang bibig niya dahil wala na akong narinig hanggang sa makaalis kami. “Why are you fighting with him?” histerikal na tanong ni Emma. Kanina pa ‘to histerikal. “Ang hangin, eh! Naatrasan ko lang tapos hindi sinasadyang mahigaan. ‘Di ko raw pagmamay-ari ang daan kaya tumabi-tabi ako. Akala mo naman kanya ‘yung hallway!” Napaismid ako. “You should’ve just said sorry! Hindi mo ba kilala ang lalaking ‘yon?” saad niya. “Bakit? Sino ba ‘yon? Anak ba ng may-ari ng University ‘yon?” “Hindi pero VIP student ‘yon dahil galing siya respetadong angkan. Kasama siya sa priority ng Crescent kaya wala dapat bumastos sa kanya!” bulalas niya. “Walang VIP-VIP sa akin! Bakit? Galing din naman ako sa kilalang angkan, ah? Kaya hindi niya ako puwedeng kaltiin!” Akala niya, ah! Nakahanap na siya ng katapat. Napasabunot sa buhok si Emma. Mukha na siyang sobrang stress sa akin. “You don’t understand! Higit sa ating dalawa, ikaw dapat ang mas nakakaalam dahil kilala mo siya!” saad niya. Kumunot ang noo ko. “Kilala ko ‘yon? Talaga?” “Yes! What’s happening with you, Drusilla? Nakalimutan mo na ba kung sino si Demetrius?” Daig ko pa ang na-stroke nang marinig ko ang pangalang sinabi niya. Marahas akong tumingin sa kanya. “D-Demetrius? Ibig mo bang sabihin, si Demetrius Augustus ang lalaking ‘yon?” kinakabahan kong tanong. Nagtataka siyang napatitig sa akin. “Yes, he is Demetrius Augustus. Bakit parang hindi mo alam—” Nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak sa sahig. H-hindi puwede ‘to. Si Demetrius ang lalaking ‘yon? Siya ang lalaking dapat kong paibigin para matapos ang kasunduan namin ni Drusilla? Siya iyon? Takte naman! Nagpapadyak ako dahil sa sobrang inis. Paano na ngayon ang plano kong paibigin siya, gayong inaway-away ko siya kanina? Paano na? Nakakainis naman! Paano ko na sisimulan mga da-moves ko? Baka kahit eye-to-eye contact hindi ko magawa kapag nagkita kami ulit. Sabi-sabi ko pa na hindi ako kasama sa mga babaeng luluhod sa kanya. “You okay?” nag-aalalang tanong ni Emma. “Hindi,” nakabusangot kong sagot. Kung nakakamatay lang ang kahihiyan. Baka inuuod na ako ngayon. “It’s okay. Ipagdasal mo na lang na palampasin niya ang ginawa mo,” pagko-komport niya. Sana nga gano’n lang ‘yon kadali, eh, kaso hindi. Bagsak ang mga balikat ko habang papunta kami sa room. Hindi muna ’ata ako magpapakita sa pinagkakautangan ko. Bukas na lang. Nai-stress ako. Kailangan ko ng straight hours na tulog saka maraming chocolate na rin. Daig ko pa ang may nakakahawang sakit nang magsitabihan ang mga nakaharang sa pinto. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong pumasok. Naupo ako malapit sa bintana. Sumubsob ako sa desk. Nakaka-stress naman ang araw na ‘to. “Drusilla!” rinig kong tawag ni Drusilla. Nagpa-panic ang boses niya pero dedma lang ako. Kanina pa siya histerikal, eh. Nature niya ata ‘yan. “Ano?” paungol kong tanong. Bagot na bagot. “May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo—” “Mamaya mo na lang sabihin.” Halos yumakap na ako sa desk para lang matakpan ang sinag na galing sa araw. “Drusilla—” Nagpasalamat ako’t hindi ko na narinig pa ang boses niya. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas— Teka, ano ‘yon? Suminghot ako. Parang pamilyar ang male perfume na ‘yon. Saan ko ba naamoy— Nanlaki ang mga mata ko at napaupo nang tuwid. “A-anong—” Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat sabihin nang lumingon siya sa akin. Natulala ako sa kulay grey niyang mga mata. Tila kumikinang ito dahil sa tumatamang sinag ng araw rito. “This is my seat kaya umurong ka,” malamig niyang saad. Wala akong nagawa at napasiksik na lang sa dingding nang hilahin niya ang upuan sa gilid ko. Palihim kong nasapo ang dibdib. Huta! Classmate ko siya! Kamalakasan ba ‘to o swerte?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD