Chapter 05

2322 Words
PARANG SINISILIHAN ang puwet ko dahil pabaling-baling ako sa iba’t ibang direksyon. Ang awkward kasi! Bakit ba kasi sa dami ng bakanteng upuan, dito ko pa naisip umupo? Ito namang lalaking ‘to. Akala mo walang nangyari kanina kung makaastang normal. Dito pa umupo kita nang nandito ako. Hindi ba siya nakakaramdam ng awkwardness matapos naming magsagutan kanina? “Ang likot mo.” Tumigil ako sa pagbaling-baling para sulyapan siya. Diretso lang ang tingin niya sa whiteboard. Seryosong-seryoso ang mga mata habang nakikinig sa professor na nagdi-discuss. Hindi ko napansin na natulala na naman pala ako. Napakaganda kasi ng mga mata niyang kulay gray. Malalim at napakahaba pa ng mga pilikmata niya. Ang suwerte siguro ng magiging asawa nito kapag nagkaanak. Sigurado na ang ganda ng lahi. “Stop staring. It’s irritating,” mariin niyang utos nang hindi tumitingin sa akin. Bumalik sa realidad ang isip kong naglakbay sandali. Nangalumbaba ako at hindi pa rin inalis ang tingin sa kanya kahit na alam kong naiirita siya. “Tingnan mo na lang din ako para ‘di ka na mairita. Ang ganda ko kaya. Sulit view mo,” pang-uuto ko. Nakalimutan yata ng mga baga kong huminga nang tumingin nga siya sa direksyon ko. Mas lalo kong napagmasdan nang maigi ang mukha niya. Walang kapores-pores, ang puti at mas makinis pa 'ata sa kahit anong marbol sa mundong ‘to. Walang-wala ang tumbong kong malapit nang mangulubot. Napakapula pa ng mga labi. Parang masarap kagatin— “Akala ko ba hindi ka tulad ng mga babaeng luluhod sa kaguwapuhan ko? Bakit mo ako pinagpapantasyahan ngayon?” malalim at seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ko. “Anong pinagpapantasyahan—” Nanlaki ang mga mata ko. “Naririnig mo ang iniisip ko?” Bumaling siya sa ‘kin. Nangungunot ang kanyang noo. “Have you gone completely crazy and forgotten what we are?” Parehas na kaming nagusot ang noo habang nakatingin sa isa’t isa. Ako ang naunang nagbawi nang tingin. Masyado na kasing nagtagal ang titigan namin. “H-hindi ako baliw.” Tumikhim ako. Bahagyang kasing pumiyok ang boses ko. “Naging makakalimutin lang ako these past few days.” Napakawalang kuwentang dahilan pero at least meron. “Are you sure?” “Oo!” Bahagyang tumaas ang boses ko. “Bakit naman ako hindi magiging sure? Katawan ko kaya ‘to.” Ilang segundo ko siyang hindi narinig magsalita kaya sumulyap ako sa kanya. Nag-iwas din ako dahil nakatingin pa rin pala siya sa akin. “Whatever. . .” dinig kong bulong niya. “I don’t care even if you go insane anyway.” Umawang ang labi ko. “Ang sama mo! Akala ko budhi lang maiitim sa ‘yo pati kaluluwa rin pala! Siguro maitim din mga laman-loob mo sa tiyan! Hindi mo dapat sinasabi iyon nang harapan! Kung ayaw mo sa akin. I-keep mo na lang sa sarili mo!” bulyaw ko. “What’s the difference though? Alam mo man o hindi. Wala pa rin akong pakialam sa ‘yo.” Dinuro ko siya sa sobrang inis. “Kotang-kota kana, ah!” gigil kong sigaw, pero impit lang. “What’s the commotion there, Mr. Augustus and Ms. Mortem?” Bumalik ang tingin ko sa whiteboard. Kahit nanggigigil ako ay nagbaba na lang ako ng tingin sa table. Kunwari ay nagsusulat sa notebook huwag lang mapagalitan ng prof namin. Nang bumalik sa pagtuturo si prof. Sinulyapan ko si Demetrius. Diretso ang tingin niya sa whiteboard. Mukhang naramdaman niya ang mga mata ko dahil lumingon siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala rin akong pakialam sa ‘yo! Pangit mo!” Inusod ko ang upuan sa pinakagilid. Kahit nasisiksik na ay wala akong pakialam. Nakakainis! Siya ba talaga ang lalandiin ko? Parang mas masarap siyang sakalin nang walang bitawan. Hindi nga nagsisinungaling si Lilith noong sabihin niyang hindi basta-basta ang lalaking ‘to. Bakit ba nagustuhan ni Drusilla ‘to? Oo, gwapo siya pero bukod doon wala na siyang ibang good qualities para sa akin. Takteng buhay ‘to. LUGONG-LUGO at badtrip ako pagpasok sa kuwarto ko. Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Lilith na naka-de kwatro sa sofa. Umangat ang mga mata niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa presensya niya. “How’s your day? I assume you’ve already met Demetrius. He’s your classmate in your last three subjects,” panimula niya. Naglakad ako papunta sa single sofa at naupo roon. Inilapag ko ang bag sa sahig. “Oo, nakita ko na siya,” saad ko. Lihim akong huminga nang malalim. “At tama ka. Mahirap nga siyang paamuhin pero huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para magawa ko nang tama ang trabaho ko.” Dahan-dahan siyang tumango at sumipsip sa wine na hawak. “That’s good to hear.” Inilapag niya ang baso sa lamesa. “I am happy we’re on the same page, but I am not happy about you avoiding Demetrius the whole day. How can you possibly get his attention if you’re avoiding him?” Napalunok ako sa nahihimigan kong banta sa boses niya. “I said you could be whoever you want and enjoy Drusilla’s lavish lifestyle, but I never said you should do anything that would jeopardize our agreement.” Pinagsiklop ko ang mga nanginginig na kamay nang mag-iba ang kulay ng mga mata niya. “I am also like you, Ember. We were both paid by Drusilla to do our job and I hate messing up. Kaya gawin mo nang maayos ang trabaho mo. If I ever hear you doing things that will turn our agreement south, I won’t hesitate to silence you.” Nilagok niya ang natitirang laman ng baso bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Para akong tinakasan ng lakas na sumandal sa sofa. Ipinikit ko ang mga mata upang pigilan ang mga luhang namumuo. Napakahirap talaga ng buhay ng isang katulad ko na kapos sa pera. Kung kaya ko lang buhayin ang sarili ko, hindi ako papasok sa ganitong kasunduan. Mahina akong napabuga ng hangin. “Walang sense ang pagsisi ngayon, Ember. Ang mahalagang gawin ngayon ay maisakatuparan ang kasunduan para makalaya rito.” SECOND DAY ko pa lang pero para na akong isang taon dito sa Crescent. Nakakabigat ng pakiramdam ang pag-uusap namin ni Lilith kahapon. Marahas akong napabuga ng hangin. Ang pangit na nga ng araw ko. Ayaw pa makisama ng lintek na paldang ‘to! Bakit kasi sobrang iksi nito? “Badtrip!” naiinis kong bulong. Hinayaan ko na lang at hindi na pilit na ibinaba para takpan pa ang hita ko. Dinampot ko ang bag saka lumabas ng kuwarto. “Drusilla!” Napaigtad ako nang may impaktang nanggulat sa akin. Pinanliitan ko ng mata si Emma. “Ang aga mo namang mang-inis,” reklamo ko. Hindi natinag ang ganda ng mood niya sa pagkabusangot ko. Malapad pa ang ngiti niyang lumapit at ikinawit ang braso sa ‘kin. Hinila niya ako palakad. “Ikaw kaya ‘yon. Ang aga tapos nakabusangot ka,” saad niya. “Badtrip kasi kahapon,” sambit ko kahit wala naman siyang alam sa pag-uusap namin ni Lilith. “Because of Demetrius?” Sinulyapan niya ako. Ungot lang ang sagot ko sa kanya. Hindi naman si Demetrius ang pinaka-dahilan kung bakit pero dahil wala naman siyang alam, um-oo na lang ako. “Forgot about it. Ang mahalaga hindi ka niya pinatulan pa pagkatapos ng away niyo. Kahit katabi mo siya kahapon, no say siya,” comfort niya. Hindi na lang ako umimik. Isa pa kasi ‘yon. Paano ako magi-start nito kung gano’n kasungit ‘yon? Unang kita pa lang namin hindi na kami nagkasundo. “Gano’n ba talaga ‘yon?” bigla kong tanong. “Huh? Who? Demetrius?” tanong niya. Tumango ako. “Gano’n ba talaga siya kakupal?” tanong ko. Mahina siyang tumawa. Napatingin ako sa kanya. “Nagtataka na talaga ako sa ‘yo. You act like you don’t know him at all. Ikaw kaya ang parating nakabuntot sa kanya.” Nga naman. Bakit hindi ko naisip na laging nakabuntot si Drusilla sa lalaking ‘yon, eh, baliw na baliw nga. Naisip pa ngang ipagamit ang katawan para lang ma-in love sa kanya ang lalaking ‘yon. Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi na ulit ako umimik hanggang sa maghiwalay kami. Hindi ko siya classmate sa first subject ko. Napahinto ako sa paglalakad. Mula kasi sa malayo ay natanaw ko si Demetrius. May kausap na babae. Hindi ko lang makita ang itsura dahil nakatalikod ito sa direksyon ko. Payak ang itsura ni kupal habang nakatingin sa babae. Mukha pa ngang bored na bored, eh. Kupal talaga. Malapitan nga. Habang papalapit ako ay narinig ko ang pag-uusap nila. Hindi naman nila ako napansin kaya oks lang. “P-please. . . Demetrius. Give me a chance.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Anak ng— ang taray! Babae pa nanliligaw sa kupal na ‘to! “Get out of my way,” rinig kong sambit ni Demetrius sa malamig na boses. Sabi na, eh. Kupal talaga ‘to. Bagay sa kanya ang nickname na bigay ko. “D-Demetrius—” “Hello, guys! Mawalang galang na pero nakaharang kayo sa daan,” singit ko. Napatingin silang pareho sa akin. Nilawakan ko ang ngiti ko nang masalubong ko ang mga mata ni kupal. Bahagyang nanliit ang mga mata niya. “And so? Bulag ka ba? Can’t you see that we’re talking?” naiiritang sambit ng babae. Namaywang ako. “Bulag ka rin ba at hindi mo nakikitang hallway ‘to? Nahiya naman sa inyo ang mga taong dumadaan ‘diba?” sarkastiko kong saad. Nanlisik ang mga mata ng babae. Wala akong pake kung magbaga pa ‘yan. Malakas ang loob ko. Ang tangkad kaya ni Drusilla. “Who are you to tell me that? Huh? Anak ka ba ng university?” gigil niyang tanong. “Hindi mo ‘ko kilala? Ako lang naman si Drusilla—” Natigilan ako. Ano nga uli apelyido ni Drusilla? Nang-iinsulto siyang tumawa. “What? Napipi ka ba o na-realize mo na galing ka sa hindi influential na family?” “Eh, kung pilipitin ko kaya ‘yang dila mong bata ka?” gigil kong saad. Naasar ako. Wala akong panlaban, eh! “Bata?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Excuse me! I’m eighteen!” “Bata pa rin ‘yon! Huwag ka nang magdahilan!” bulyaw ko. “I’m not a child!” depensa niya. Tumataas na pala ang boses namin nang hindi napapansin. Nagtitinginan na sa amin ang mga dumadaan. Ngunit lahat mukhang walang gustong umawat. “Sus! Hindi raw bata. Eh, ba’t ang liit mo?” Namumula na ang mukha niya sa sobrang gigil. “Sinabing hindi ako bata!” Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas ang kamay niyang may hawak na bulaklak. Parang nag-slow motion ang paghampas niya sa akin no’n. Huli na nang ma-realize kong nahila ko bigla si Demetrius. Sapol sa mukha niya ang bulaklak. Napasinghap ang babae. Napangiwi naman ako. Fresh flower kasi iyon. Kumalat ang pollen sa mukha niya. “I-I’m sorry,” hinging paumanhin ng babae. Pero hindi siya roon tumingin, kundi sa akin. Alanganin akong tumawa. Madilim ang mga abo niyang mata nang tingnan ako. “Hehe. . . Ikaw pala ‘yong nahila ko. Sorry, lods.” Nag-peace sign ako. Nagtagis ang mga panga niya. Yari na. Bago pa niya ako masakal, kumaripas na ako nang takbo. “Drusilla! Come back here!” rinig kong gigil niyang sigaw. Mamaya ko na lang siguro siya pakikitaan ng alindog ko. NANLALAKI ang mga mata ni Emma sa kuwento ko. Ang kalmado niyang mukha ay nauwi sa pagkataranta. Parang siya pa ang mas natatakot kaysa sa ‘kin. Chill lang kasi ako. Ayoko munang isipin si Demetrius. Malaki naman ‘tong Crescent. Marami akong puwedeng taguan. “Bakit hindi mo man lang tiningnan na siya iyon? He’s probably searching for you right now!” taranta niyang bulalas. “Pahampas na si liit, eh! Malay ko bang siya pala ‘yon?” pagtatanggol ko sa sarili. Nai-stress siyang napahilot sa sentido. Para siyang nanay na nangungunsumi sa anak. Bakit ba siya nai-stress sa akin? Ang bait ko kaya. Sadyang hindi ko lang alam na si Demetrius ang nahila ko. Aksidente ‘yon. “Oh my gosh! Drusilla! Hindi na ako magtataka kapag isang araw na-kick out ka na rito sa Crescent,” problemado niyang saad. Sumipsip ako sa coke na hawak. “Hindi niya ‘yon magagawa. Galing kaya ako sa angkan ng Temor! Sa ‘yo na mismo nanggaling. Mayaman ako,” pagmamayabang ko. “Temor? Anong Temor?” kunot-noo niyang tanong. “Apelyido ko.” Umawang ang labi niya. “It’s Mortem, Drusilla! Hindi Temor! What is happening with you? Nagda-drugs ka ba?” Mortem pala! Kaya pala tunog tumor ‘yung akin. Mali pala. “Nagbibiro lang naman. Hindi ka naman ma-joke. Huwag kang masyadong seryoso sa buhay. Nakakabawas ng life span ‘yan,” banta ko na lang. Napailing na lang siya. “Nagawa mong makatakas kahapon dahil mukhang walang balak si Demetrius makipag-away. But now? I don’t think so. Just pray that he will let this slip again. Because if not, embrace yourself." “Huwag kang mag-aalala. Kapag nahanap niya ako. Gagamitan ko ng alindog para mawala badtrip.” Humalakhak ako. Namumula ang mga pisngi na pinanlakihan niya ako ng mga mata. Dinampot ko ang burger saka kumagat. Tumaas ang kilay ko pagtingin sa kanya. Nanlalaki pa rin ang mga mata. Na-stuck na yata. “Bakit—” “Sigurado kang madadaan mo ‘ko sa alindog mo?” Nanigas ang leeg ko. Maging ang panga ko na nginunguya ang burger ay na-stuck. Daig ko pa ang nasa horror movie dahil sa mabagal kong paglingon sa kanya. Alanganin akong tumawa. “H-hi.” Madilim ang mga gray niyang mata. Parang handa na akong lapain anumang oras. “Stand up and follow me. We will talk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD