HINDI ko na namalayan ang paglipas ng isang buwan. Noong unang mga araw ay hindi ako mapakali. Maraming mga bumabagabag sa akin. Naroon pang muntik-muntikan ko nang suwayin ang utos ni Lilith. Mabuti na lamang at napigil ko ang sarili. Maayos naman na ang buhay ko. Ewan ko ba't ayaw pa ring tumigil ng puso at isip ko sa pag-aalala kay Demetrius. Matalino at malakas si Demetrius. Tiyak naman na magagawa niyang protektahan ang sarili kung sakaling may gawing hindi maganda si Drusilla. Itinuon ko ang mga mata sa reviewer. Nalalapit na ang exam namin kaya todo aral ako ngayon. Pilit akong nag-focus sa kabila ng nga demonyita at demonyito kong mga kaklase. Ang iingay. Akala mo walang darating na pagsusulit. Busy ako sa pagbabasa nang may kumalabit sa akin. Hindi ko muna pinansin dahil baka

