NANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin kay Emma na hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha. Pareho kaming nakatayo at parang hindi alam ang gagawin. Ilang segundo kaming parang tuod na nakatayo at titig sa isa’t isa bago ako nagkalakas ng loob basagin ang katahimikan. Hindi ko naituloy ang sasabihin nang maunahan niya ako. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “H-ha?” lutang kong tanong. Kumurap siya at tumingin sa paligid. “Why are you here? Are you wandering around too?” Ilang beses akong napakurap bago nag-sink sa utak ko ang sinabi niya. “A-Ah, oo. Wala kasi akong magawa sa loob ng dorm.” Pilit akong tumawa upang pagtakpan ang kabang nararandaman ko. Lihim akong napabuga ng hangin. Daig ko pa ang isang akusado na napatunayang walang sala. Wala siyang narinig. Hindi niya kami nakita ni

