KAPATID siya ni Lucinda? Hindi ako makagalaw dahil sa narinig. Kilala ba siya ni Drusilla? Kung oo, yari na. Tapos na ang lahat ng pagpapanggap ko. Dahan-dahan akong napatingin kay Demetrius na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Aamin na ba ako o magpapatuloy pa rin sa pagpapanggap? Lumingon sa akin ang lalaking green ang mga mata. Sumeryoso ang mga mata nito hanggang sa tumalim na akala mo ay isa akong kalaban na aatakihin sila. “Are you a—” Napahinto siya sa pagsasalita nang sumingit si Demetrius. “Aren’t you irritated with him?” Pareho kaming napatanga sa kanya. Hindi ko ma-gets. Alam na ba niya o hindi? O baka naman iba ang ibig niyang sabihin? Baka gusto niyang lang sabihin na kapatid ni Lucinda ang lalaki at nago-overreact lang ako? Kahit hindi s

