HINDI MAN NIYA sabihin ngunit nararamdaman ko ang kalungkutan kay Demetrius. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay balik kami sa dati. Ako ay pumapasok sa campus habang siya naman ay ganoon pa rin ang ginagawa. Hatid sa umaga at sundo-sundo ako tuwing uwian ‘tapos minsan ay sa apartment ko na natutulog. ‘Di pala minsan. Palagi na pala. Hindi na siya nag-open up tungkol sa Papa niya pero alam kong may paghihirap sa kalooban niya. Nakikita ko sa mga mata niya. Kahit anong ngiti ang gawin niya, hindi no’n matatago ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang kausapin tungkol doon. Kung bakit ayaw niya pang bumalik sa Crastrense para bisitahin ang Papa niya. Kung bakit nandito pa rin siya at patuloy na umuuwi sa akin. Sa akin na parati siyang tinataboy palayo. . . Pero sa tuwing sinusu

