ELARA’S POV
Sakit na sakit ang paa ko, pero 'yung isip ko naiwan sa sinabi ni Celeste kanina.
“Dominic won't need an invisible wife much longer.”
Yung mga salita niya parang ayaw mawala sa isip ko. Pumasok ako sa madilim na kusina at inihagis ang bag ko sa mesa. Sa repleksyon ko sa bintana, mukha akong pagod na pagod—pale, may itim sa ilalim ng mata, at tumutulo na ang buhok ko mula sa clip.
Parang walang tao sa bahay. Wala si Maya sa kwarto niya. Dinala na naman siya ni Victoria nanay ni Dominic sa ibang bahay ng pamilya. Sabi pa niya, kailangan daw ng apo nila ng "maayos na kapaligiran ng mayayaman" at hindi sa ina na laging gabi na umuuwi galing trabaho.
Biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.
May notification galing sa hindi kilalang number, may ipinadalang litrato.
Binuksan ko ito.
Nasa loob ito ng private VIP booth. Nakaupo si Dominic doon, nakabukas ang jacket, mukhang relaxed na hindi ko naman nakikita kapag kasama ako. Katabi niya si Sienna. Nakadikit ang kamay niya sa dibdib ni Dominic, at halos magkadikit na ang mukha nila.
At sa pulso ni Dominic... nandoon yung gintong relo na binili ko. Ginastos ko pa lahat ng sweldo ko sa overtime ng tatlong buwan para sa anniversary namin, all this time, sobrang tanga ko.
Natigil ang daliri ko sa screen. Parang may sumakit sa dibdib ko at biglang nanikip. Ang hirap lunukin. Ang sakit makita na may ibang babaeng hawak siya nang ganun para akong sinampal sa mukha. Limang taon akong nagtiis at nagtrabaho, tapos ganito lang pala ang kapalit.
Huminga ako nang malalim para pigilan ang luha. Naging blangko ang mukha ko, isinara ang cellphone at inihagis ito pabalik sa mesa.
"Expected naman," bulong ko sa sarili ko.
Pero bago pa ako makalayo, bigla akong nahilo at nasuka.
Tumakbo ako sa banyo, kumapit ako sa lababo hanggang sa mamutla ako habang nagsusuka. Nanlamig ako sa takot.
Limang taon na akong hindi nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Binuksan ko ang cabinet sa ilalim ng lababo, nilipat ko lahat ng mamahaling pabango ni Dominic hanggang sa makita ko ang maliit na kahon sa likod. Pregnancy test. Binili ko ito noong nakaraang ilang linggo dahil hindi pa dumarating ang regla ko, pero laging ipinagpapaliban ko ang paggamit.
Mabilis at kalmado kong binuksan ang pregnancy test.
Inilagay ko ito sa ibabaw ng lababo, humarap ako sa orasan sa dingding.
Five...four...three...two..one...
Lumingon ako.
Isang guhit... pero unti-unting lumabas ang pangalawa. Kulay pink na kulay rosas at malinaw.
Positive.
Napatawa ako nang mahina. Hinawakan ko nang mahigpit ang test habang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas.
Umuwi na si Dominic.
Lumabas ako papunta sa kanya na handang humarap sa kanya. Pero pagdating ko sa pintuan, narinig ko ang boses niya na galit at naiinis.
"I don't have time for this, Victoria," sabi niya sa telepono habang naglalakad-lakad sa baba. "I'm not putting Sienna through a pregnancy. End of discussion."
Tumalikod ako at nagtago sa dilim, hindi gumagalaw kahit konti.
"Because her health is fragile!" sigaw niya. "Her family won't risk a high-risk pregnancy, and I’m not putting her through that just to give the council an heir."
May sagot pa ang nanay niya sa kabilang linya. Bumuntong-hininga si Dominic na parang walang pakialam.
"Elara already survived it once," sabi niya nang walang emosyon habang inaayos ang relo niya 'yung regalo ko. "She knows what to expect. Her body can handle the damage."
Mas lalong kumapit ang mga daliri ko sa hawak ko.
Limang taon na ang nakalipas noong nanganak ako kay Maya. Nawalan ako ng dugo at tumigil ang puso ko ng dalawang beses sabi ng mga doktor. Nagising ako mag-isa sa malamig na kwarto habang nasa ibang lugar siya para sa trabaho ng sindikato.
Yung sakit na naramdaman ko nung nakita ko yung litrato... nawala na lahat. Napalitan ito ng lamig at matinding determinasyon.
Para kay Dominic, hindi ako asawa. Isa lang akong matibay na kagamitan. Isang katawan na pwedeng pagpaguran para hindi mapahamak ang mahal niyang si Sienna.
"I'll be upstairs in a minute," pagtatapos niya sa tawag. "I'm only here to fulfill my obligations."
Itinago ko nang maigi ang pregnancy test sa bulsa ko, inayos ang damit ko, at humarang sa daan niya sa paanan ng hagdanan.
Tumigil si Dominic pagkakita sa akin. Matigas at walang emosyon ang tingin niya.
"You're awake," sabi niya habang tumitingin sa oras. "It's late."
"I work late. You know that," sagot ko ng kalmado.
Nagkrus siya ng braso at tumingin sa akin na parang naiinis lang. "You shouldn't be working at Vance's place anyway. It looks bad for the family."
"The family?" tumawa ako nang mahina. "Which family ba, Dominic? Yung pamilya na kinukuha ng nanay mo ang anak ko tuwing Sabado at Linggo, o yung pamilya na kumakain ka sa mamahaling restaurant kasama ang ibang babae habang ako naglilinis ng sahig?"
Nanliit ang mata niya at nagalit nang konti. "If you have something to say, Elara, say it. I'm tired."
"Oh, marami akong sasabihin," sabi ko habang humakbang palapit hanggang sa magkaharap kami nang malapitan. "Simulan natin sa Winter Gala ngayong Biyernes."
Umismid si Dominic. "You're not going to the Moretti Gala. It's a closed syndicate meeting."
"I'm going as your wife," matigas kong sagot. "Bibilhan mo ako ng damit, sasamahan mo ako pagpasok doon, at aarte ka na parang mabait na asawa tulad ng ginagawa mo sa loob ng limang taon."
Natigilan si Dominic, gulat sa biglaang pagbabago ng ugali ko. "And why on earth would I do that?"
Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa, naramdaman ko ang pregnancy test pero hindi ko ito inilabas.
"Because kung hindi," sabi ko habang nakangiti nang malamig at lumapit sa kanya, "Sisiguraduhin kong malalaman ng lahat ng pamilya doon kung gaano ka kahina humawak ng sarili mong pamilya. Sabay tayong pupunta, Dominic. At bago matapos ang linggong ito... pagbabayaran mo lahat ng taong sinayang mo sa akin."