ELARA’S POV
After 1 week....
"Elara! Bilisan mo nga 'yang kilos mo!"
Malakas na ibinagsak ni Vance ang mabigat na baso sa counter.
I kept wiping the surface.
"Twenty minutes ago pa tapos ang shift ko, Vance," malamig kong sabi.
"Matatapos lang ang shift mo kapag sinabi kong tapos na!" asik ni Vance, leaning over the counter until I could smell the stale gin on his breath. "Kailangan ko pa bang ipaalala sa 'yo kung sino ang nagbigay ng trabaho sa tulad mong broke? Lumuhod pa 'yang nanay mo sa harap ko para lang tanggapin kita. Gusto mo pa bang mapakain 'yang anak mo, o itatapon kita sa eskinita ngayon din?"
Itinigil ko ang pagpupunas at dahan-dahang inangat ang tingin ko, meeting his eyes with a cold, unyielding stare.
"Lumuhod si Minerva sa 'yo dahil may utang ka sa kanya sa sugal, Vance," steady and deadly calm ang boses ko. "And if you fire me tonight, good luck finding anyone else willing to clean blood and vomit off your floors for the pocket change you pay me."
Bumuka ang bibig ni Vance para sumigaw, pero nang makita niyang zero fear ang mata ko, nag-hesitate siya. He grunted and snapped his mouth shut.
"Linisin mo 'yang table four," asik niya habang tumatalikod. "Then get out."
"That's what I thought," pabulong kong sabi bago itinapon ang basahan sa sink.
Brutal ang lamig sa labas, pero the quiet was a relief until a sleek black SUV glided right in front of me, cutting off my path. Umugong ang makina sa eskinita.
Bumaba ang salamin sa likod. Nakasandal doon ang half-sister kong si Celeste, dripping in expensive diamonds and silk. She didn't even look at me; busy siya sa pag-inspect ng manicure niya.
"Get in," sabi ni Celeste in her usual flat, maarteng boses. "Galit na galit na naman si Mommy."
Nakalagay lang ang mga kamay ko sa bulsa ng coat ko at hindi ako gumalaw kahit isang pulgada. "Tell her to call me tomorrow. Uuwi na ako kay Maya."
Lumingon din sa wakas si Celeste, her eyes narrowing with pure irritation. "Bingi ka ba, Elara? Dalawang oras nang nagpapanic si Mommy sa penthouse over something massive. You don't get to say no."
"Watch me," sabi ko sabay talikod para lagpasan ang kotse.
"Hawakan niyo nga," maangas na utos ni Celeste.
Bumukas ang pinto ng driver at humarang sa sidewalk ang isang malaking enforcer, blocking my path.
"Fine," bored kong sabi sabay tingin kay Celeste sa bintana. "Pero kapag isa na naman 'to sa mga stupid emergencies niya, I'm throwing her gin out the window."
Pagkapasok na pagkapasok ko sa penthouse ni Minerva, sumalubong agad ang nakakasakal na amoy ng pabango at alak.
Minerva was marching across the marble floor, waving a gold-embossed envelope in the air. The moment she saw me, her eyes lit up.
"Finally! Look at this!" tili ni Minerva, ignoring my existence entirely as she paraded toward Celeste. "Dumating na! The black-gold invitation from the Moretti Syndicate!"
"The Morettis?" napasinghap si Celeste, sabay umayos ng upo. "Seryoso? Nagpadala talaga sila?"
"Dante Moretti is officially taking over as the chief Capo this weekend!" natutuwang kwento ni Minerva. "Lahat ng malalaking pamilya, ipapadala ang mga anak nila sa Winter Gala. This is our ticket out of the dirt, Celeste! Kapag nakuha mo ang interes ni Dante, ating-atin na ang buong city!"
Celeste smirked, casually twirling a strand of her styled hair. "Please, Mommy. Dante won't even notice other women once I step into that room. Ako pa ba? I know exactly how to handle men like him."
Nakatayo lang ako malapit sa pintuan, nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. "If you two are done fantasizing about syndicate bosses, uuwi na ako."
"Stop right there!" Minerva’s sharp voice sliced through the room. Humakbang siya pabalik, her heels clicking against the marble hanggang sa magkatapat ang mga mukha namin. "Saan ka sa tingin mo pupunta?"
"Uuwi, Minerva," bored kong sagot. "Where people actually care about my presence."
"Tingnan mo nga 'yang sarili mo!" Minerva sneered, looking down at my worn-out coat with absolute disgust. "Umasta ka, akala mo kung sinong mataas dahil lang nakasal ka kay Dominic! Sabihin mo nga sa akin, Elara—ano bang naibigay sa 'tin ng salbaheng 'yon? Ano bang naibigay niya sa 'yo?"
"Dominic keeps his affairs private," I replied, keeping my jaw tight.
"Dahil kinahihiya ka niya!" Minerva barked, laughing bitterly right in my face. "Limang taon ka nang nakatali sa isang high-ranking boss, pero namumuhay ka pa rin sa barya! Hindi mo man lang siya mabigyan ng anak na lalaki para ma-secure 'yang pwesto mo! Pinagtatawanan ka na nga ng biyenan mong si Victoria! You're nothing more than a glorified maid in his mansion!"
Hindi man lang ako nabagabag sa pait ng boses niya. I stepped closer, staring straight down into her eyes with an amused, cold smirk.
"At ano namang nakuha mo sa mga naging asawa mo, Minerva?" tanong ko sa napakalamig na boses. "A mountain of debts, a penthouse you can't afford, and a daughter who spends all your money on fake jewelry? At least kapag natutulog ako sa gabi, I don't owe my soul to the Morettis."
Minerva’s face turned bright red. "You ungrateful b***h—"
"Pupunta ka sa gala na 'yon," utos ni Minerva, her acrylic nail pointing directly at my nose. "You will hold Celeste's spare shoes, carry her makeup, and fix her dress. At kung may maawang guard sa 'yo roon, baka bilhin pa niya ang kontrata mo kay Dominic. Because everyone in this city knows Dominic is going to replace you anyway!"
Dahan-dahan kong itinabig ang kamay niya pabalik.
"Pupunta ako sa gala," I said, a dark, icy smile touching my lips. "Pero hindi para magbuhat ng bag ni Celeste, at lalong hindi para tulungan kayong magsumiksik sa pamilya ni Dominic. But don't worry, Minerva... you'll get exactly what's coming to you."
Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas.
Lumabas din si Celeste sa pinto, nakasandal sa doorframe habang nakakrus ang mga braso at may toxic na smile sa mukha.
"You can act tough all you want, Elara," Celeste purred, dripping with poison. "Pero tama si Mommy. Sa mundo natin, ang asawang hindi makapagbigay ng tagapagmana ay pabigat lang. Enjoy your little title while it lasts... dahil kapag nakuha na ni Dante Moretti ang posisyon, Dominic won't need an invisible wife anymore."
Huminto ako sa harap ng elevator at dahan-dahang lumingon para bigyan siya ng isang malamig na ngiti.
"Then tell Dominic and Victoria to try and replace me," I said evenly as the elevator doors opened. "Because unlike you, Celeste... I don't break. I shatter people."
Pumasok ako sa loob, pinapanood kung paano tuluyang nawala ang ngiti sa mukha niya bago tuluyang nagsara ang mga pinto.