Chapter 1

1249 Words
KINSE anyos pa lamang si Sandra ay tumutulong na siya sa palayan. Nang umagang iyon ay malalaki ang hakbang niya dahil may pa-giik sila at kagaya nang nakalakihan ay siya ang magdadala ng pananghalian para sa mga trabahador nila. Seryoso siyang naglalakad sa masukal na bahagi ng kakahuyan nang marinig niya ang tunog ng mga tuyong dahon na tila naapakan sa kanyang gawing likuran.  "Alam kong ikaw 'yan, Narding, kaya lumabas ka na." Huminto siya sa paghakbang pero hindi nag-abalang lumingon. Maya-maya pa ay nasa harapan na nga niya ang kaibigan. Sagad ang ngiti habang napapakamot sa ulo. He was seventeen. Matangkad at gwapo. Maputi at makinis din ito kaya minsan ay tila gusto niyang mahiya dahil mas mukhang babae pa ang balat nito sa kanya. Kung sabagay ay hindi naman iyon kataka-taka dahil sa mansyon nga pala ito nakatira.  "Bakit ba nahuhulaan mo palagi kapag sinusundan kita?" reklamo nitong kunwa'y pinatulis pa ang nguso. "And by the way, how many times do I have to tell you na huwag mo akong tawaging Narding? Ang bantot kaya no'n. Call me, Glenard, Sandy." Hindi niya napigil ang mangiti dahil noon pa man ay inis na inis na talaga ito kapag tinatawag niyang ganoon pero sadyang natutuwa siyang asarin ito.  "Sino ba naman ang hindi makahuhula, e, halos araw-araw mong ginagawa ito! Bakit na naman ba? Nagmamadali ako dahil oras na ng kain ng mga tao. Makakatikim na naman ako ng kurot sa singit kay Nanay nito, e." Ibinaba niya ang dalawang basket na dala na may kabigatan din para magpunas ng pawisan na niyang leeg at noo.  "Ilang araw na kasi kitang hindi nakikita sa school, e. Akala ko may sakit ka." Bigla ay naging seryoso si Glenard.  "Nagpasabi naman ako sa teacher ko. Nauunawaan naman niya na abala ako sa bukid kapag ganitong panahon." Totoo ang sinabi niya rito. Madalas ay lumiliban siya sa klase kapag ganitong anihan pero binabawi naman niya iyon sa pamamagitan ng panghihiram ng notes sa mga kaklase niya. Kapag may exam ay nagugulat pa ang teacher at mga kaklase niya dahil madalas ay siya pa ang nakakukuha ng highest score.  "Ang sungit mo naman. Na-miss kaya kita," nakaismid nitong sabi. Mula sa bulsa ay kinuha rin nito ang panyolito at nagpahid rin ng pawisang mukha.  "Nagmamadali ako. Sa ibang araw na tayo mag-usap." Muli niyang binuhat ang mga dala para ipagpatuloy ang paglakad pero mukhang wala itong balak na paraanin siya. Nagmistula tuloy sila nagpapatintero sa bahaging iyon ng kakahuyan.  "Hindi kita pararaanin hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung bakit mo ako iniiwasan, Miss Sandra Francisco." Dinukwang pa siya nito at kinurot pa sa pisngi na hindi nito pwedeng hindi gawin kapag magkasama sila.  "Glenard naman, alam mo naman ang dahilan hindi ba?" Pumiksi siya dahil desidido siyang layuan ito.  "So, sinabihan ka na naman ni Aling Celia na iwasan mo ako?" Parang nasaktan na sabi nito.  "Iyon ang kabilin-bilinan ni Nanay simula nang mahuli niya tayong magkasama. Tinanong ko siya kung bakit hindi tayo pwedeng maging magkaibigan pero pinagalitan pa niya ako." Wala na siyang nagawa nang agawin nito sa kanya ang mga dala at umagapay sa kanyang paglalakad.  "Ang unfair naman kasi noon, Sandy. Wala tayong alam kung bakit kailangan nating mag-iwasan," himutok pa nito.  "Basta sumunod na lang tayo, Glen. Isa kang Galvez, e." "Is that enough reason para iwasan mo ako?" "Ba't ang kulit mo! Isa ka ngang Galvez at kulang na lang, e, umusok ang ilong ng Nanay ko marinig pa lang ang apelyido mo." Tuluy-tuloy na siyang humakbang paalis at sumunod na lamang ito.  "Wala akong ginagawang masama," paliwanag pa nito. "Wala akong kinalaman kung may away man ang mga pamilya natin, Sandy. Hindi ako galit sa inyong mga Francisco." Pilit na hinahabol nito ang malalaking hakbang niya. "I'm your friend, Sandy. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko rito. Huwag mo namang gawin sa akin ito." Nagsusumamo ang tinig ni Glenard.  "Kaibigan nga kita pero---" "Sandra!" Biglang umalingawngaw ang boses na iyon na bagaman hindi nila nakikita ay takot kaagad ang lumukob sa kanyang buong pagkatao.  "Ang Nanay!" kinakabahang sambit niya.  "Magtago tayo." Hinila siya nito sa likod ng bundok ng mga dayami na nasa gitna ng pinitak. Nagkubli sila roon. Patuloy sa pagtawag ang Nanay niya. "Ang kati, Sandy," maya-maya ay reklamo nito habang nagsisimula ng mag-kamot.  "Magtiis ka," anas niya sa napakahinang tinig. "Iyan ang napapala ng mga bigla na lang sumusulpot. Kung bakit naman kasi mukha kang kabute, Narding!" "Ang kati talaga, Sandy. Tulungan mo naman akong magkamot, please?" Nakangiwi ito habang kamot ng kamot kaya hindi niya alam kung matatawa o maaawa rito. Nakita niyang namumula na ang buong leeg nito gayundin ang expose na mga braso. "Tsk! Patingin nga!" Sinipat niya ang leeg at braso nito maging ang bahaging likod na pinipilit abutin ng kamay nito at saka kinamot-kamot iyon. "Makukurot na talaga ako ni Nanay nito, Glen. Lagot na talaga ako nito." Kinuha niya mula sa suot na sling bag ang alcohol na palagi niyang dala at nilagyan ang balat nitong may mga gasgas na.  "Ouch! Ang hapdi, Sandy!" Bulalas nito sabay tampal sa balat na nabuhusan niya ng alcohol na sa tingin niya ay naparami.  "Tiisin mo! Kasalanan mo naman kung bakit ka nangati, e," nakaismid niyang sabi habang isinasauli ang alcohol sa bag.  "Sandra!" muling sigaw ng Nanay niya na sa tingin niya ay malayo ng bahagya sa kanila batay sa volume ng boses nito.  "Lalabas na ako, ha? Maiwan ka rito at huwag na huwag kang lalabas," aniya kay Glenard.  "What?! Seriously? Iiwan mo talaga ako rito?"  "E, kung sabihin ko sa 'yong oo? Umuwi ka na rin tutal ay tanghalian na, Glen." Dahan-dahan ay nag-umpisa siyang tumayo at maingat na isinilip ang ulo sa gilid ng mga dayami. Nasa malayo nga ang Nanay niya pero nakaharap ito sa may gawi nila. Siguradong makikita siya nito sa oras na lumabas siya at pihadong pingot at kurot sa singit ang aabutin niya kapag nakita siya nitong nagtatago lamang roon.  "Okay, fine. Pero magkita tayo sa plaza sa fiesta, ha?"  "Hindi ko alam kung makakapunta ako---" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa mga yabag na narinig niyang papalapit. Dali-dali niya iyong nilingon at inihanda ang sarili sa pagbubunganga ng Nanay niya pero mali siya. "T-Tiya Emma?" nandididilat ang mata niya nang makita ang tiyahin. Si Tiya Emma ang bunsong kapatid ng Nanay niya. Madalang na madalang niya itong makita dahil palagi itong nasa bundok kasama ang mga kapwa nito rebelde. Malaking-malaki na ang ipinagbago ni Tiya Emma. Gupit-lalaki na ang buhok nito at sunog na ang balat dahil sa sikat ng araw. May mga bahid din ng grasa ang mukha nitong nangingintab dahil sa pawis.  "Glenard Galvez…" ani Tiya Emma na ngayon ay pinaglilipat-lipat na ang tingin sa kanila ni Glenard. "Umuwi ka na, hijo. Ako na ang bahala rito kay Sandra," ani Tiya Emma. Ang alam niya ay ngayon lamang nakita ni Tiya Emma si Glenard pero hindi niya makita sa mata ng tiyahin ang galit para sa kaibigan niya. Bagkus ay may kakaibang damdamin siyang nakikitang nakapaloob doon pero hindi niya matukoy.  "O-Opo." Kaagad tumalima si Glenard. Marahil ay natakot ito lalo't sa braso ng kanyang Tiya Emma ay nakasabit ng isang armalite.  "Humayo ka na, Sandra. Ako na ang bahala sa Nanay mo," dagdag pa nito kaya lalo siyang nagtaka. Tila wala itong balak sabihin sa Nanay niya ang nakita. Gusto pa sana niyang magtanong pero minabuti na lamang niya ang manahimik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD