Chapter 2

990 Words
BAGAMAN ang kanyang buong pamilya ay ipinagpipilitan ang dapat niyang pag-iwas sa kaibigang si Glenard, pinanindigan naman niya na walang masamang makipag-kaibigan siya rito lalo't wala naman silang ginagawang masama.  "Sandy…" mula sa pagtitig sa salamin ng tokador niya ay natigilan si Sandra. "Sandy…" ulit ng pabulong na boses na sigurado siyang si Glenard. Bumato pa ito sa bintana niyang yari sa Capiz na muntik ng tumama sa salamin ng kanyang tokador. Dali-dali siyang tumayo at sumilip sa bintana. Nasa ibaba si Glenard at nakatingala sa bintana ng kwarto niya. Bihis na bihis ito at kahit madilim ay kitang-kita niya kung gaano ka-gwapo ang kaibigan.  "Ano'ng ginagawa mo rito?" anas niya. Pinakapigil ang sariling makalikha ng anumang ingay dahil noon ay mag-a-alas diyes pa lamang ng gabi at baka hindi pa mahimbing ang tulog ng Nanay niya.  "Come on, usapan natin na pupunta tayo sa plaza, right? Let's go," mahina ring sabi ni Glenard. Bisperas ng fiesta ngayon at nakagawian na ng sitio nila na magsagawa ng sayawan bago ang araw ng fiesta. Sa mismong araw naman ay iba't ibang palabas ang itinatanghal doon na dinarayo pa ng mga taga-ibang barangay.  "Wala akong natatandaang pumayag ako. Ikaw na lang, baka mapagalitan na naman ako kapag nakita ni Nanay na wala ako rito." "C'mon, sandali lang tayo. Ihahatid rin kita kaagad." Noon lamang niya napansin ang sasakyan nitong naka-park may kalayuan ng bahagya sa bahay nila. Doon ay hindi na nga naman ito mapapansin dahil sampung metro mahigit ang layo ng bahay ng kanyang mga tiyuhin. Hindi rin nila ugaling mag-alaga ng aso kaya walang palatandaan sa naging pagdating nito.  Dahil gusto rin naman talaga niyang makasama si Glenard, dali-dali siyang nagbihis. Isang simpleng bestida ang kanyang isinuot. Binili pa iyon ng Nanay niya noong nakaraang fiesta at ngayon ang unang pagkakataon na isusuot niya iyon dahil hindi talaga siya sanay na mag-bestida. Mapilit lamang ang Nanay niya dahil malapit na raw siyang maging isang ganap na dalaga.  Maingat na maingat siyang bumaba ng hagdanan. Ang mga paa niya ay halos hindi niya maitapak sa sahig niyon na kawayan dahil sigurado siyang lilikha iyon ng ingay. Nakahinga siya ng maluwag nang ganap ng makababa. Sa pintuan sa likod siya dumaan at nang makalabas ay tinakbo niya ang kinaroroonan ni Glenard.  "Kapag talaga tayo nahuli, hindi na kita kakausapin kahit kailan, Narding," aniya habang nakayukong naglalakad sa takot na baka dumungaw ang Nanay niya at mahagip sila ng tingin nitp sa ibaba.  "Hindi 'yan. Saka wala naman tayong gagawing masama, Sandy, kaya huwag kang matakot. We're just watching the performers and then uuwi na rin tayo." Hinila na siya nito at tinakbo nila ng tuluyan ang naka-park nitong sasakyan.  "P-Pero---" "Enough, okay? Huwag mo munang isipin si Aling Celia kahit ngayon lang. C'mon, once a year lang ang fiesta, Sandy," anito nang in-start na ang sasakyan. Saglit siyang natigilan. May point naman kasi ito. Once a year lang ito at ang tanging gagawin lang naman nila sa plaza ay mag-sayaw at makisaya sa pista ng kanilang patron bukas.  Pero pagdating sa plaza ay tila sumobra ang pagka-aliw nila. Pasado alas onse na ay sige pa rin sila sa pagsayaw at tila nakalimutan nila pareho ang oras. Ang mga tao sa paligid nila ay gising na gising pa rin. Samantalang habang lumalalim ang gabi ay lalo pang dumarami ang mga taong nakikita niyang nagdadatingan.  "Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyan, Sandy," halos bulong ni Glenard habang sumasayaw sila. Ilang pop song na ang naisayaw nila at ang kasalukuyang pumapailanlang ay isang sweet na melodiya. Nakahawak si Glenard sa magkabilang gilid ng baywang niya at siya naman ay nakahawak sa magkabilang balikat nito.  "Hindi kasi ako sanay. Si Nanay lang ang mapilit na magsuot ako ng ganito," sabi niyang nakatingin ng diresto sa mga mata nito. Komportable na siya kay Glenard noon pa man kaya hindi siya naiilang sa ayos nilang iyon.  "Bagay naman sa 'yo, e. Ang cute mo kaya lalo," nakangiting sabi nito saka pinisil ang kanyang kaliwang pisngi. "Pinaglololoko mo na ako, Narding," sambit niya saka balewalang iginala ang paningin para lamang manlaki ang mga mata. Sa di-kalayuan kasi ay nakatayo ang Tiyo Armando niya. Dagli ay kumabog ang dibdib niya. Sa oras kasi na igala nito ang paningin sa mga sumasayaw ay siguradong makikita sila nito.  "What's wrong? Ba't ganyan ang hitsura mo, Sandy?" nakangisi pa ito nang tanungin iyon.  "U-Umuwi na tayo, Glen," sabi niyang halos ay isubsob ang ulo sa dibdib nito para lamang ikubli ang mukha.  "Ha? Hey, may problema ba?" "S-Si Tiyo Armando, Glen. Huwag kang lilingon at baka makita tayo. Pero nakatayo siya sa gawing kanan mo. Patay! Lagot na ako nito... " "What?!" gulat din nitong bulalas. "Okay, relax. Huwag kang magpapahalata. Slowly, aatras ako at susunod ka, okay?" Sa sobrang takot ay hindi niya nagawang sumagot bagkus ay tango lamang ang kanyang naging tugon.  Dahan-dahan ay umalis sila sa bulwagan. Tila malalagutan siya ng hininga sa sobrang kaba at nakahinga lamang siya ng maluwag nang nasa loob na sila ng sasakyan ng kaibigan.  "Hay! Muntik na tayo," aniya sabay punas ng pawis sa pawisan niyang noo.  "Masyado ka kasing kinakabahan, e. So, what now, Sandy? Uuwi na ba tayo?" "Natural! Tingnan mo nga at mag-a-alas dose na pala. Sana lang talaga hindi nagising si Nanay."  "Sorry na. Aminin mo, nag-enjoy ka naman 'di ba?"  "Oo na!" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang tila mahimbing naman ang tulog ng lahat sa kanilang bahay. Patay pa rin ang ilaw sa kanilang sala at walang palatandaan na nagising ang Nanay niya.  "Thank you for tonight, Sandy. Salamat kasi pumayag kang sumama. Sana nag-enjoy ka rin." "Nag-enjoy naman ako, sige na umuwi ka na at baka magising pa si Nanay." Noon naman bumaha ng liwanag sa buong kabahayan.  "Sinasabi ko na nga ba at kasama mo na naman ang Glenard na 'yan!" Umaalingawngaw ang tinig ng Nanay niya sa kalaliman ng gabi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD