Alas singko na ng hapon nagising si Alfie. Nag madali pa s'yang bumama, upang sunduin si Evette. Pag pasok sa opisina ay agad na n'yang pinuntahan si Evette. "Eve, ready kana?" agad n'yang tanong sa babae Masakit na tingin naman ang isinalubong sa kanya ni Evette, bago padabog na tumayo at kinuha ang kanyang mga gamit. "Hey! sorry na, may importante lang akong nilakad kaya hindi ako nakakapasok." paliwanag ni Alfie, sabay kuha sa mga gamit ni Evette. "Saan ka ba kasi galing at pati telepono mo naka patay. Huwag mong sabihin sa akin na gumagawa kana naman ng milagro?" galit na tanong ni Evette sa lalaki. "Ito naman, wala ka parin palang tiwala sa akin. Inaamin ko naman na may pagka bakla ako dati pa, pero ni minsan, hindi ako umabot sa puntong... alam mo na! takot ko lang sa tata

