Maingat ang bawat galaw na pumasok sa bakuran ng malaking bahay ang mga Agents ng ORBIT. Pina-ikotan din nila ang lugar para maka siguro silang hindi maka katakas ulit si Vincent Chua. Nilagyan din nila ng mga bomba ang mga motor sa garahe, pati na rin ang helecopter na nandoon. Nakita din ni Christian ang mga speedboat sa tabing dagat. Kaya't pinuntahan nya ito upang lagyan ng bomba. Matagumpay naman na naka pasok sa loob sina Sam at Lisa. Dumaan sila sa terrece ng second floor. Maingat na pumasok ang dalawa at ingat na ingat sila sa bawat pag apak nila sa sahig. Ayaw nilang maka likha ng kahit anong ingay upang hindi maka halata ang mga tauhan ni Vincent Chua. Naka pasok na rin sina Dianna at Pamela, dumaan naman sila sa back door ng bahay. Agad na nag tago si Dianna, dahil

