Muling bumangon si Amber, mula sa pagka kadapa nito sa sahig. Nag handa naman si Lisa at balak na naman sana nitong tadyakan ang babae ng biglang nag labas ito ng patalim. "Ano ha? sugod! natakot kana ba? akala ko ba magaling ka?" sigaw ni Amber habang papalapit kay Lisa. Mataman na naka tingin lang si Lisa sa mga galaw ni Amber, pinag-aaralan nito ang bawat kilos ng babae. Bigla s'yang sinugod ni Amber, at desidido ang babae na saksakin sya. Hindi s'ya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Ngunit ng malapit na si Amber ay agad s'yang tumagilid, sabay hila sa kamay ni Amber na may hawak na patalim. Malakas din n'yang itinukod ang kanyang binti sa sikmura ni Amber, dahilan upang mamilipit ito sa sakit. Hindi pa nakontento si Lisa at ubod lakas n'yang pinilipit ang kamay ni Amber.

