Makalipas ang isang taon...
" Happy birthday to you... happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to....Peejay!."
"Happy birthday baby, i love you!" Pag bati ni Lisa sa kanyang anak, saka nito hinalikan.
"Happy Birthday little buddy." bati naman dito ni Patrick
Masayang ipinag diwang ang unang kaarawan ng anak ni Lisa. Naroon din ang mga magulang at mga kapatid nya. Umuwi ang dalawa na kapatid para sa kaarawan ng nag-iisang pamangkin.
Dumating din ang mga kaibigan ni Lisa na sina Lynnette, Yvette at Loraine.
Ganon din ang mga kaibigan ni Patrick na sina Henry, Marco, Ariel at Philip.
Hindi rin nawala ang tito Greg nila, kasama ang asawa nito.
Masayang nag kuwentohan ang mga bisita, magka kasama ang mga babae, at sa kabila naman ang mga kalalakihan na masayang umi-inom ng alak habang nagka kantiyawan.
"Pj, come to ninang Pretty. " ani Yvette na kinuha ang bata mula sa walker nito.
Tawanan naman ang ibang kaibigan nila dahil sa sinabi nito.
" Bangag ka ata gurl? baka maniwala sayo ang inaanak natin. " saway naman ni Lynnette. Kaya lalong nag tawanan ang iba.
"Baby, come to your tita ganda." sabi naman ni ate Michelle. "Let's take selfie my angel" at itinaas nito ang celpon.
" Sali ako!" sabi naman ni ate Mylene, hindi pa nakuntento at kinuha pa ang pamangkin nito at hinalikan sa pisnge habang click ng click ang Camera ni Michelle.
" Magsi-asawa na rin kasi kayo. Lalo kana Mylene, hindi kana bumabata." wika ng Mama nila, habang nakangiti.
" Don't worry Mama, Soon! and you guys are invited." Pahayag nito
" OMG! totoo ba yan ate?"tanong naman ni Michelle
" Talaga ate? kailan?" singit naman ni Lisa
" 'di nga? " sabi namn ng Mama nila na parang hindi maka paniwala.
" Who's the lucky guy?" tanonb naman ni Jo
" congrats ate" bati naman ni Lynette
Naka tawag naman ng pansin ang kasiyahan nila sa groupo ng mga lalaki kaya nag sitayuan na rin sila para maki maritess ay este makisali.
"Ano bang pinag-uusapan nyo dito at mukhang masaya kayo?" Takang tanong ng Papa nila.
" Manuel, ang panganay natin. Mag-aasawa na daw." ani ng mama nila.
"Kailan at bakit hindi mo sinabi ng maaga? Wala ka pang ipinakilala sa amin ng Mama mo na boyfriend, tapos ngayon mag-aasawa kana?." nasusurang tanong ni judge Miguel
" Papa, sorry po kung hindi ko agad nasabi sa inyo ni Mama." hinging paumanhin ni Mylene
" Nasaan ang fiancé mo hija? bakit hindi mo kasama para makilala naman namin at mapag-usapan na rin ang kasal nyo?" tanong ni tito Greg
Lalo naman napa kunot ang noo ng ama nila dahil sa mga narinig nya.
" Mag papakasal? Kanino? bakit hindi mo ipinakilala sa amin ng mama mo?" Sunod-sunod na tanong ng ama nila.
" Susunod po sya dito Papa, bukas po ang dating nya. Marami kasi syang inaayos sa Buseness nya kaya hindi ko po kasabay. French po sya Papa Mama." Mahabang paliwanag nito
"Kailangan makilala ko din sya, kaya sasama kami ng tita mo." saad ni tito Greg
"Sege po tito,bukas po ng gabi balik kayo for dinner." Sabi nya na malumanay kahit na sobrang kaba na nya.
..............
Magaling nang tumakbo si Pj, nakikipag habulan na sina Lisa at Patrick sa kanya. Dito sila ngayon sa malawak na Garden sa likod ng Mansion nila. Araw ng lingo, kaya may oras ang mag-asawa na maka laro ang kanilang anak.
"Basa na ang likod nya Love, bihisan ko muna baka ubuhin." ani ni Lisa sa asawa
"Ok Love, mag pahanda na rin ako ng meryenda natin." sagot nya sa asawa.
"Dad-dy, ice-keyeam " bulol na sambit ni Pj kaya natawa ang mag-asawa.
"Ok baby, daddy is going to get your icecream." sagot naman ni Patrick na ikinatuwa ng bata at sabay na silang pumasok sa bahay.
Maagang gigising si Lisa at Patrick para mag handa ng mga kailangan nila at nang kanilang anak.
Pina pakain muna ito ni Lisa bago nya paliguan. Si Patrick naman ang nagluluto ng breakfast nila. Ito ang routine nila araw-araw bago sila pumasok sa trabaho. Ayaw nilang e asa lahat sa katulong lalo na ang anak nila.
"Love, ready kana?" si Patrick habang sinusuot ang necktie nito.
"Sandali na lang ito Love, inaayos ko lang ang buhok ko." sagot naman nito habang nilalagyan ng hairpin ang buhok.
May Court Hearing sila ngayon, kaya gusto nyang maging maayos ang kanyang sarili.
Pagbaba nila ng hagdan ay pinuntahan muna nila ang kanilang anak na naglalaro kasama ang yaya nito sa Garden.
Nadatnan naman nila ang mga magulang na kumakain ng breakfast doon.
" Good morning Dad, mom. " pagbati ni Patrick sa magulang.
"Good morning Mommy" si Lisa at hinalikan pa ang napaka bait nyang mother inlaw.
"Good morning Daddy" saka humalik din sa father inlaw.
"Aalis na ba kayo? ang aga pa." tanong ni Mommy Jo
"Yes po Mommy, may Hearing po kami mamaya kaya kailangan ko pong pumasok ng maaga." sagot nya
" Dad, alis na po kami. Kita na lang tayo mamaya sa Meycauayan. Dadaan pa ako sa Office ko. Kailangan kong mapag-aralang mabuti ang mga Contract para sa mga new investors natin." paalam nya sa ama.
" Ok son, and don't be late, last day na ng uncle Jose mo as Branch Manager. Gusto nyang nandoon tayo." paalala nya sa anak.
Matalik na mag kaibigan sina Gil at Jose Mendez noon nag-aaral palang sila. Kaya nang makapagtayo ng sariling negosyo si Gil ay kinuha nya ito bilang Manager. Si Jose ang nag managed ng unang Branch nila sa Meycauayan Bulacan. Taga roon kasi si Jose kaya tinangap nya agad ang offer noon ng kaibigan. Napalago nya naman ito at buong katapatan syang nag lingkod sa St. Patrick's hanggang ngayon na mag retire na sya.
Matapos halikan ni Lisa at Patrick ang kanilang anak ay iniwan na nila sa pangangalaga ng yaya nito.
Lagi din naka alalay si Nanay Rosa na syang tumatayo bilang Mayordoma sa Mansion ng mga Sanchez.
Araw-araw na isinasabay ni Patrick ang asawa sa pag pasok. Idadaan muna nya ito sa PAO bago pumasok sa kanyang opisina. Mabilis naman sila nakarating sa Building ng PAO.
Bago bumaba ay humalik muna si Lisa sa kanyang asawa. Niyakap pa sya ng mahigpit ni Patrick at maka ilang beses na hinalikan sa labi at buong mukha niya na animo'y napakatagal nilang hindi nagkita.
"Love, thank you for everthing, thank you for loving me and for being my better half and my best friend. Love, sana kahit anong mangyare, promise me na aalagaan mong mabuti ang baby natin. I love you both, kayo ang buhay ko at insperasyon." Madamdamin na wika ni Patrick sa asawa.
Natigilan naman si Lisa, bigla sya kinilabutan sa mga tinuran ni Patrick. Hindi na bago sa pandinig nya ang mga katagang iyon mula sa asawa. Pero ngayon iba ang pakiramdam nya at parang iba ang dating sa kanya ng mga salita nito. Bigla syang kinabahan, kaya hindi nya napigilan ang sarili na tanungin ang asawa.
" Love, ano bang pinag sasasabi mo?umayos ka nga, kinakabahan ako sa mga pinagsa sasabi mo." ani nya sa asawa pero sa loob-loob nya ay gusto nyang umiyak. Niyakap na lang nya ng mahigpit ang asawa. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya, parang gusto nyang umiyak.
"Take care of yourself Love, sige na baka ma late kana sa Hearing nyo." paalala nito saka hinalikan muli ang asawa at niyakap ng mahigpit.
Nagtataka man si Lisa sa inaasta ng kanyang asawa ay binaliwala na lang nya. May Hearing pa sya na maaga kaya nag paalam na lang sya sa asawa.
"Bye Love, i love you! Drive safely!. " ani nya sa asawa bago bumaba ng kotse.
Hindi muna pumasok si Lisa sa loob ng building. Pinanuod muna nya ang pag alis ng kotse ni Patrick, hanggang sa hindi na nya ito matanaw pa bago sya pumasok sa loob. Malungkot ang pakiramdam nya, takot at pangamba ang bumalot sa kanyang puso. Pakiwari nya'y hindi na nya ito muling makikita pang muli.
Nakarating sya sa Opisina nya na wala sa sarili.
"Atty Lisa, bakit ka umiiyak?" Takang tanong ng kasamahan nya at kaibigan na si Atty. Alfonso Magtibay o mas kilala sa tawag na Atty. Alfie
Isa ito sa naging malapit sa kanya at ka close nya dito sa PAO. Lalaking lalaki kung titingnan si Atty. Alfie, ngunit sya ay may pusong babae.
" Mahapdi lang ang mata ko, Atty. Alfie, kailangan ko 'ata ng eye drops. " Pag sisinungaling nya sa kaibigan.
Pag dating ni Patrick sa office nya ay bumungad sa kanya ang tambak na mga files na nakapatong sa kanyang table. Kailangan nyang isa-isahin munang basahin at pag-aralan bago pirmahan. Dahil na rin sa dami na nyang mga Branches na pinatayo. Mas napa unlad pa nya ang kanilang mga negosyo mula ng sya na ang humawak ito. Ang St. Patrick's Pawnshop, Jewelleries and Money Changer. Ngayon ay
kilala na din bilang isang trusted na Money Transfer Remittance.
Ang Restaurant naman ng Mommy nya ay sya na rin ang namamahala. Nilipat ng Mommy nya sa pangalan nya, after his wedding. Kaya no choice sya kun'di e manage din ito.
Napalago na rin nya ang Joanne's Grill and Bar. Mula sa dalawang Branch lang noon, ngayon ay naging Ten Branches na at may plano na rin syang mag bukas ng branch nila abroad.
Meron din syang pinapagawa na Hotel, naka pangalan ito sa kanyang asawa dahil ere- regalo nya ito sa nalalapit nitong kaarawan.
Meron din syang ipinatayo na three story building para sa pangarap ng asawa nya na mag karoon ng sariling Law Firm. Four months from now ay kaarawan na ng kanyang mahal na asawa at gusto nyang matapos ang lahat ng project nya bago ang birthday nito.
Isang tawag sa intercom ang nagpatigil sa kanya sa kanyang ginagawa.
" Yes" tamad na sagot nito.
Alam nya na ang Secretary nya ang tumawag.
" Sir, remind ko lang about your schedule." sabi nito.
" Okay! thanks. " sagot nito
Tiningnan nya ang oras at mag-alas dose na pala. Kaya nag handa na sya sa pag alis dahil malayo layo din ang Meycauayan Bulakan. Kailangan nyang personal na pumunta doon para sa Farewell Party ng Manager. Malapit din sya sa kanyang uncle Jose kaya hindi nya ito bibiguin.
Agad na nyang tinawagan ang Pilot nya, ang Company Helicopter ang sasakyan nya pupunta doon.
Lumapag ang Chopper nya sa Helipad sa rooftop ng Building. Sinalubong naman sya ng ilang Staff, kasama ang bagong Branch Manager. Si Christian Mendez, na anak ng kanyang uncle Jose. Bumaba sila at pumasok sa Conference Room.
Nadatnan nya doon ang mga magulang, masaya sila habang nakikipag usap kay Jose at sa asawa nito.
" Good afternoon sir." halos sabay-sabay na pag bati ng mga empleyado sa kanya.
Sinalubong naman sya ni Jose at nakipag kamay pa ito bago sya niyakap.
Masaya silang kumain ng tanghalian, kasama ang mga empleyado nila. Marami rin silang napag-usapan tungkol sa negosyo, hanggang sa mag propose ng toast si Chairman Gilbert Sanchez. Kasabay ng kanilang pag toast ay may narinig silang sunod-sunod na mga putok ng baril at meron din malakas na pagsabog. Dinig rin ang malakas na pagka basag ng mga salamin.
Samantala sa first floor kung saan naka display ang mga alahas ay nabigla ang mga Staff at Costumer sa Shop sa biglang pag ulan ng bala ng mga matataas na kalibre ng baril. Basag ang Bullet proof na salamin sa harap, dahil sa walang tigil na pag ulan ng mga bala.
Patay din ang dalawang Security Guard, na naka Puwesto sa harapan ng Shop.
Agad naman pinindot ng isang Casher ang Button ng kanilang Security Alarm System, kaya nag alarm ang buong Building. Connected din ito sa Police Station kaya makakarespondi agad ang mga kapulisan sa kanila.
Matapos mag Crack ang mga salamin ay may ilang mga lalaki ang lumapit sa harapan at may nilagay pa silang mga bomba sa salamin para tuluyan na basagin ang salamin at makapasok sila sa loob.
Nag takbuhan naman ang lahat ng nasa loob paakyat sa second floor. Pati mga Costumer nila ay sinabihan na sumunod sa kanila sa itaas. Bago pa nila ma Locked ang pinto papunta sa taas ay pina-ulanan na sila ng bala. Maraming natamaan na Staff at ilan sa mga Costumer.
Napakaraming armadong lalaki ang pumasok sa Shop. Ang iba ay abala sa pag basag ng mga salamin na kinala- lagyan ng mga alahas. Ang iba naman ay humabol sa mga tao na tumatakas.
" Ano yun? " tanong ni Jose
" Wait sir, aalamin ko." sagot naman ng assistant
" Anong nangyayare?" tanong ni Mommy Jo na nanginginig sa takot sa mga naririnig.
" Calm down sweetheart." pag-alo naman ng Daddy nila.
" Doon tayo sa Safety Room, mukhang pinasok tayo. " sabi ni mngr Jose
Lalo naman natakot si Jo at Shirly, naka yakap naman sa kanila ang kani-kanilang asawa.
Nasalubong naman nila ang mga tao na umakyak at nag sisigawan.
" Anong nangyayari? tanong ni Chairman Gil
" Sir, pinasok tayo ng mga Holdaper. Nagawa nilang basagin ang salamin sa harapan sir. " Saad ng babae na Casher na nangingig pa sa sobrang takot.
Nagulat silang lahat dahil naka sunod pala ang mga armadong lalaki sa kanila. Pinag babaril ng mga ito ang mga tao na kasalukuyan na umaakyat sa hagdan.
" Balik sa loob" sigaw ni Jose sa mga kasama.