Chapter 6

1609 Words
Nag mamadaling umuwi ang ama ni Lisa para sa Dinner. Pagka park ng kotse nya, ay sinalubong kaagad sya ng kanyang asawa. " Bilisan mo Manuel, nag hihintay na sina balae sa atin. " ani nya " Hay! pambihira kang tao ka. Kala mo naman napaka layo pa ng pupuntahan natin, eh hayan lang ang bahay nila oh!. " Sabay turo sa malaking Mansion sa harapan nila. "Katapat lang ng bahay natin ang pupuntahan natin, tatawid lang tayo sa kalsada. Kung maka pag madali ka wagas. " Patuloy pa nito. Katakot takot na pag-irap ang ginawa ni Lucille sa asawa. Tama naman kasi ang mga sinabi nito, sobrang excited lang sya na makita at mayakap ang kanyang anak. Dalawang lingo lang naman itong nawala pero talagang sabik na sabik na syang makita ito. Hindi sya sanay na nawawalay sa kanyang bunsong babae. Hindi katulad nina Mylene at Michelle na nasanay na syang malayo ang mga ito sa kanya. Pababa na ng hagdanan sina Lisa at Patrick nang makita nilang dumating sina Manuel at Lucille. "Mama!Papa! " sigaw ni Lisa, at sinalubong ang mga magulang at agad na niyakap ang ina at hinalikan. " Hija, i miss you so much" ani ni Lucille "Kamusta ang Honeymoon nyong dalawa?" tanonh naman ni Manuel bago niyakap ang anak. "Okay naman papa at nag enjoy po kami sa pamamasyal doon." sagot ni Lisa "Good evening Tito! Tita!" Pagbati naman ni Patrick sa mga inlaws nya. "Call me Papa, at Mama naman sa mama nyo iisang pamilya na tayo kaya dapat masanay kana sa ganon na pag tawag sa amin. " sabi ni Manuel sa manugang. "Tama hijo, kaya masanay kanang tawagin akong mama. " Sabi naman ni Lucille. "Mukhang pinakyaw na ninyo ang mga paninda sa Singapore?" Tanong ng Papa nila, habang naka tingin sa mga nag lalakihan na maleta na nasa Sala. "Hayaan mo na balae, ngayon lang naman sila nag Shopping ng ganyan karami."Sabi ni Joanne habang papalabas mula sa kusina, kasunod naman nito ang asawa. "Tama balae, dahil hindi ko talaga ma-alala kung kailan ang huling beses na nag Shopping si Lisa!" sang-ayon naman ni Lucille. "Eh! Mama, paano pa ako mag Shopping kung lagi mo naman pinupuno ang wardrobe ko? Lahat ng mga new designs mo sa akin mo unang pinapasuot. Lagi din ako binibigyan nila ate ng mga Branded na bag at sapatos." Paliwanag ni Lisa sa ina "Yun din ang reason ko mommy, if tatanongin mo ako?" singit naman ni Patrick "Every year na lang binabago mo ang laman ng Closet ko. Pati mga paborito kong damit tinatapon mo, pati mga gifts na galing kay Lisa nawawala lahat. And thats the reason why i hate Chinese New Year. Akala ko si Dad ang may lahing Chinese dahil kay Grandma, pero ikaw ang mahilig sumunod sa Tradition nila." patuloy pa nito na halata ang pagka- inis sa kanyang mukha. " By the way Dad, thanks sa paglipat mo sa pangalan ko itong Mansion. From now on ako na ang masusunod dito at hindi na puweding paki-alaman ni Mom ang Closet ko. " Dugtong pa nito. Tawanan naman ang lahat sa mga sinabi ni Patrick, maliban sa mommy nya na naka nanghahaba ang nguso dahil sa pasaway na anak nito. " What ever Son. 'di bale, mag kakaroon na kami ng apo, kaya sa kanya ko na lang ibibigay lahat ng luho sa mundo." sagot nito at inirapan pa ang anak. "At hindi ko naman tinatapon ang mga damit mo. Pinapadala ko 'yon sa Orphanage na tinutulongan namin ng daddy mo." patuloy pa nya. " Tama na yan, halina kayo at malamig na ang mga pag kain sa mesa." Putol ni Gil sa pag-uusap ng mag-ina. Masaya ang lahat na kumain ng hapunan habang nag kukuwentohan. " Sya nga pala hijo, ready kana bang mag training sa Company natin? " Tanong ni Gil sa anak. " Yes dad! i'm ready! kailan pala ako mag sisimula dad? " balik tanong nya sa ama. "You can start on monday son." sagot ng ama nya "Okay dad!" "Ikaw hija, any plans?" tanong din nya sa manugang. Uminom muna ito ng juice si Lisa bago sumagot sa tanong ng kanyang daddy Gil. "Gusto ko po sana munang pumasok sa Public Attorneys Office dad. Gusto ko pong tumulong sa mga mahihirap na walang kakayahang mag bayad ng Lawyer. Habang hindi pa po ako nanganganak." sagot nya "Good to hear that hija, pero kaya mo ba? baka mahirapan ka at maka apekto sa magiging apo ko." wika naman ng papa nya na bakas sa mukha nito ang pagka proud sa anak. "Don't worry papa, kaya ko pa naman po. Titigil na lang ako kapag malapit na ang kabuwanan ko." sagot nya ..... Naging masaya ang pagsasama ng mag-asawa. Araw-araw laging may dalang bulaklak si Patrick para sa kanyang asawa. Bumabawi daw sya sa mga panahon na hindi sya niligawan nito. Sya na rin ang bagong CEO ng kanilang Companya. Tumigil na rin sa pag tatrabaho si Lisa dahil binawalan na sya ng kanyang Doctor. Malapit na kasi ang kanyang panganganak kaya kailangan na mag pahinga na ito dahil lagi din sumasakit ang likod nya. Lagi naman umuuwi nang maaga si Patrick para maalagaan ang kanyang pinaka ma mahal na asawa. Lagi rin naka alalay kay Lisa ang Mama nya at ang kanyang Mommy Jo. Kasarapan ng tulog ni Patrick ng gisingin sya ng kanyang asawa. "Patrick... Patrick.... aaaah!. " Tawag ni Lisa sa asawa habang tinatapik ito sa balikat. "Humm" rinig nyang tinig ng asawa " Patrick, masakit ang t-tiyan ko-aaah!" Bigla syang napasigaw dahil sa biglang pag hilab ng kanyang tiyan. "Manganganak na ata ako. Ang sakit ng t- aaaaaaah! " sigaw pa nya Naalimpungatan naman si Patrick, hindi nya alam ang gagawin nya sa mga oras na iyon dahil sa kaba na nararamdaman. Tumakbo sya palabas ng kuwarto nila at pumunta sa kuwarto ng magulang. "Blaaag!" malakas na tunog ng pinto ng kuwarto nina Gil at Jo. Nagulat naman ang mag-asawa dahil sa malakas na tunog na narinig nila. "Ano yun? " an nii Gil at dali daling binuksan ang Lampshade. "Mommy... Daddy....gisiiing!. " sigaw ni Patrick sa magulang habang niyuyogyog pa ang ina. " What the h**l you doing bast**d? Are you out of your mind? Papatayin mo ba kami sa gulat ng Mommy mo?" Sigaw ng ama nya saka binato ng unan ang anak. "Aaaaah! Patrick!" rinig nilang sigaw ni Lisa Natigilan si Gil sa narinig na sigaw mula sa kabilang silid. Bukas ang pinto ng kuwarto nila kaya dinig na dinig nila ang malakas na sigaw ni Lisa. " Si Lisa, manganganak na yata? " Sabi namam ni mommy Jo, at nag madaling lumabas ng kuwarto at pinuntahan ang manugang. Naiwan parin si Patrick sa loob ng kuwarto at nanginginig kaya hinila na lang sya ng ama para puntahan si Lisa. Pinupunasan ni Jo ang pawis ng manugang nang pumasok ang dalawa. Kita sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. " Patrick, buhatin mo na si Lisa at dalhin na natin sa hospital." utos sa kanya ng mommy nya. Agad naman binuhat ni Patrick ang asawa at malalaki ang hakbang na lumabas ng kuwarto. Sumunod naman ang magulang sa kanya at isinakay sila sa kotse. Si Gil na ang nag drive dahil sa nangingig sa takot si Patrick at halatang hindi nito alam ang mga ginagawa. Hindi nanga ito nag bihis at naka padjama parin ito at tsenilas. Habang nasa Delevery Room si Lisa Nag hintay naman sila sa labas, palakad lakad pa rin si Patrick. Ilang beses na sya pina upo ng ama pero tatayo din agad. Humahangos naman na dumating ang magulang ni Lisa. Nasa daan na sila patungong hospital ng maalala ni Jo na tawagan ang amiga nya / balae. " Balae" bati ni Gil na sinalubong ang mga ito. " Balae, kamusta ang anak ko. " Tanong ni Lucille na sobrang nag- aalala sa anak. " Nasa Delivery Room pa rin balae. upo muna kayo at hintayin na lang natin na lumabas ang doctor. " Gil Makalipas ang tatlong oras, ay nag silang si Lisa ng isang malusog na batang lalaki. Masayang masaya ang lahat, ng ibalita ng doctor na nakaraos na ang pasyente. " Congratulations Mr. Sanchez. It's a boy " Sabi ng doctor habang kinakamayan si Patrick. Tuwang tuwa naman ang mga magulang nila. Naka hinga na rin sila ng maluwag sa oras na iyon, kaya napag pasyahan nilang pumunta na lang sa Private room na kinuha nila. Doon na nila hihin- tayin ang mag- ina. Maya- maya pa, dinala na si Lisa sa kanyang Private Room. Kasunod ang Nurse na may dalang baby. Tuwang-tuwa ang lahat habang pinag mamasdan ang baby na nasa tabi ni Lisa. " Cute cute nya balae " Jo "Kaya nga balae. " Lucille " Kamukha ko yan pag laki " Manuel " Ako ang kamukha, tingnan nyo ang mata, katulad sa mata ko. " Si Gil na proud na proud sa sarili. Bigla naman humikab ang baby, kaya lumabas din ang dimple sa pisnge nito. " My dimples sya, ang cute. " Jo Bigla naman bumukas ang pinto at nakita nilang pumasok si Miguelito na maraming mga bitbit na paper bag. " Breakfast delivery " malakas na sabi nya kaya nag tawanan ang lahat. Saka nilapag ang mga dala sa table. Bago binati ang mga magulang at ang ate nya't bayaw. " Ate, anong pangalan ni baby? " " Patrick Sanchez Jr. " si Patrick ang sumagot. " Wow! bagay na bagay kasi kamukha mo kuya. Mata pa lang Sanchez na. " saad nito Naka ngiti lang si Lisa na nakikinig, habang hinahaplos ni Patrick ang kanyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD