Magka kasunod na sasakyan ang patungo sa China Town, nangunguna dito si Lisa na sakay ng kanyang Ducati. Matulin ang pagpa takbo nya sa kanyang motor, hindi alintana ang mga naka kasabayan nyang mga sasakyan sa hi-way. Naka sunod naman si Sam na sakay din ng isa pang motor. Pag dating nila sa lugar na itinuro ng isang tauhan ni master dragon ay tumigil si Lisa sa di kalayuan. Ipinarada nya ang kanyang motor sa gilid ng pader saka umakyat dito. Gamit ang kanyang maliit na telescope, nakita ni Lisa ang paligid ng Mansion ni Master Dragon. Napaka dami nitong tauhan na nag kalat sa loob at labas ng bahay. Naisip ni Lisa na kailangan na gulatin nya ang mga ito upang hindi maka pag handa ang mga ito. Kaya naman hinintay muna nyang makarating ang mga kasamahan nya upang sabay-saba

