Masayang masaya si Pj matapos marinig na hindi na aalis ang kanyang Lolo at Lola. Hiniling pa nito na tabihan syang matulog ng mga ito, pumayag naman ang dalawang matanda dahil gusto na rin nilang mag pahinga. Agad na himumiga sa tabi nya ang kanyang lolo at lola at hawak pa sya sa magka bilang kamay. "Hay! buti na lang at malaki itong kama at maka kapag pahinga rin ako. Masakit na ang tuhod ko dahil sa lamig." wika pa ng ama ni Lisa bago humiga. "Pa, paano nyo pala nalaman ang nangyari?" tanong naman ni Lisa sa ama habang ini-aabot ang blanket para rito. "Basta bigla na lang kinabahan ang mama mo at naisip nya si Pj, kaya napatawag kami at 'yun nga ang sinabi sa amin ni Joy. Kaya sa sobrang takot namin ng mama mo ay nagpa book kaagad kami. Masuwerte naman at naka kuha agad ang at

