Hindi tumigil ang mga Agents ng ORBIT sa pag huli sa mga kasamahan ni Victor Chua. Nanibago rin sila sa mga mission nila, dahil kulang na sila. Nasanay silang lumalakad na magka kasama. Ngayon hindi na pweding lumabas si Agent Moon. Biglang nawalan sila ng Comander. Napaka laking kawalan sya sa groupo dahil napaka galing nito sa lahat ng bagay. Isama pa na hindi rin makakasama si Agent Star, dahil nagpa pagaling pa ito ng kanyang sugat. Ilang mga Politiko at mga kilalang businessman ng bansa ang mga kasapi sa Red Dragon. Nahuli na nila ang dalawang Senator at tatlong congressman. Pati mga Pulis na sangkot sa Red Dragon ay tinanggal na rin sa service. Naka takas naman ang dalawang businessman na kasama nila. Naka alis ng pilipinas ang mga ito bago pa nila malaman ang ugnayan ng mga

