Hindi malaman ni Henry kung paano ipa- paliwanag sa ina ni Lisa ang mga pangyayari. Hindi nito ma-aring sabihin ang totoo. Hindi dapat malaman ito ng sino man ang ginawa ni Lisa. "Tita, kalma lang. Hintayin na lang natin lumabas ang doctor." wika nya sa ginang at inalalayan itong umupo sa upuan na nasa harapan ng Emergency Room. Iyak ng iyak ang ina ni Lisa. Hindi nya lubos maisip ang mga sunod-sunod na pangyayari sa kanilang pamilya. "Bahit ba hindi na natapos-tapos ang mga pag subok sa buhay namin? bakit sunod-sunod na lang may nangyayaring masama sa bawat isa? ano bang kalbaryo itong ibinibigay mo sa amin dios ko?" wika ng ginang habang umiiyak. Nagma madali naman si Lynnette na nag lakad papasok ng hospital. Nag-a alala sya sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi man nasabi sa

