Ang sikat ng araw ay tumatagos sa malalaking bintana ng penthouse, nagbibigay ng kakaibang kinang sa mga nakalatag na mood boards at mga sample ng mamahaling tela sa gitna ng dambuhalang mesa. Ang dating tahimik na opisina ni Ledger ay naging isang buhay na fashion atelier. Si Julian, ang wedding planner, ay mabilis na nagbibigay ng mga instruksyon sa kaniyang team habang si Ledger ay nakatayo sa gilid, nakahalukipkip at seryosong nakikinig sa bawat detalye. "Julian, I want the flowers to be imported from the Philippines and Holland. Gusto ko ang amoy ng simbahan ay parang hardin sa probinsya nina Kaylyn pero may touch ng New York elegance," utos ni Ledger habang sinusuri ang mga puting rosas at ang bango ng sampaguitang tila nagdadala sa kaniya sa init ng Pilipinas. "Consider it done, M

