Mabilis na lumipas ang panahon. Ang isang taon ay tila isang kisapmata lamang sa loob ng nagkakaisang pamilya Russo at Obligado. Ngayon, ang penthouse na dati’y simbolo ng malamig na karangyaan ay nagmistulang isang makulay at masayang hardin para sa First Birthday ni Kledger Dan. Hindi katulad ng binyag na ginanap sa isang hotel, pinili nina Ledger at Kaylyn na gawin ang selebrasyon sa kanilang tahanan. Gusto ni Ledger na ang bawat sulok ng penthouse ay mapuno ng alaala ng unang kaarawan ng kaniyang panganay. Ang tema? Isang "Little CEO and Big Adventurer" party. May mga maliliit na tents para sa mga bata, pero ang dekorasyon ay kasing-elegante pa rin ng isang royal banquet. "Jaxon! Iyang litson, dapat nasa gitna!" utos ni Ledger, habang siya mismo ay nakasuot ng isang simpleng polo shi

