Limang buwan ang mabilis na lumipas at ang dating tahimik na penthouse ni Ledger ay tuluyan nang naging isang buhay na tahanan. Wala na ang kaba ng unang gabi; ngayon, ang bawat sulok ay puno na ng mga gamit ni Baby Kledger Dan at ng ingay ng pamilya Obligado. Nasa loob silang lahat ng malawak na work room ni Ledger. Ang silid na dati ay seryoso at puro mga asul na folder lamang ang laman, ngayon ay punong-puno ng mga sample ng tela, mga mood boards para sa binyag, at mga disenyo para sa darating na selebrasyon. Si Ledger ay nakaupo sa kaniyang malaking table, ngunit hindi stock market ang tinitingnan niya sa kaniyang monitor. Kasalukuyan niyang ipinapakita kay Nanay Rosa ang 3D model ng simbahan at ang reception hall. "Nay, tignan niyo po. Nagpalagay ako ng isang wall na puro puting ro

