CHAPTER 88

2151 Words

Sumapit ang unang gabi nila sa ospital. Sa kabila ng karangyaan ng kanilang private suite, ang hangin ay puno ng tensyon—hindi dahil sa negosyo, kundi dahil sa isang maliit na hamon na nakabalot sa lampin. Si Kaylyn ay mahimbing nang natutulog dahil sa sobrang pagod sa panganganak. Si Ledger naman, na nakasuot na ng disenteng damit pero bakas pa rin ang puyat, ay nakaupo sa tabi ng kuna ni Kledger Dan. Pinagmamasdan niya ang anak na tila isang mamahaling hiyas nang biglang... Pffft. Prrrrt. Isang kakaibang tunog ang narinig mula sa loob ng kuna, kasunod ang isang amoy na hindi kayang takpan ng kahit anong mamahaling pabango sa Manhattan. "Oh no... no, no, no," bulong ni Ledger habang unti-unting lumalaki ang kaniyang mga mata. "Arthur! Arthur, I think we have a biological hazard here!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD