Matapos ang tatlong araw sa ospital, sa wakas ay pinayagan na ring umuwi ang mag-asawa. Ngunit kung iniisip ni Kaylyn na magiging tahimik at simple ang kanilang pagbabalik, nagkamali siya. Dahil pagdating sa mga Russo, walang salitang "simple." Nang huminto ang convoy ng mga itim na sasakyan sa tapat ng main entrance ng kanilang tinitirhang gusali, laking gulat ni Kaylyn nang makitang may nakalatag na red carpet mula sa kalsada hanggang sa loob ng elevator. Ang lahat ng staff ng penthouse—mula sa mga chef, security, hanggang sa mga kasambahay—ay nakahilera sa magkabilang panig, lahat ay nakasuot ng kanilang pinakamalinis na uniporme na may puting guwantes. "Ledger, ano 'to? Oscars?" natatawang bulong ni Kaylyn habang karga-karga si Baby Kledger Dan sa kaniyang dibdib. "It’s a Russo welc

