Tahimik ang biyahe patungo sa ospital. Nakasandal si Kaylyn sa balikat ni Ubeth, pilit na kumukuha ng lakas mula sa kaisa-isang taong hindi siya tinalikuran at hindi siya niloko. Nang makarating sila sa lobby, inalalayan siya ni Ubeth hanggang sa tapat ng silid ng kanyang ina. "Ubeth, salamat talaga," mahinang sabi ni Kaylyn habang pinapahid ang huling bakas ng luha. "Teka, kailan ka pa ba nakalabas? Diba dapat nagpapahinga ka pa dahil sa nangyari sa'yo?" Ngumiti nang tipid si Ubeth, bagaman bakas pa rin ang galit sa kanyang mga mata para kay Russo. "Kahapon lang, Kay. Hindi ako makatagal sa kama habang alam kong mag-isa kang humaharap sa halimaw na 'yun. I had to make sure you were safe." Bago pa makasagot si Kaylyn, lumapit ang isang nurse. "Ms. Kaylyn, pinapatawag po kayo ni Doc Sant

