Habang masayang nagkakainan ang lahat sa dining area ng penthouse, napansin ni Ledger ang panaka-nakang pagbuntong-hininga ng ina ni Kaylyn habang nakatanaw sa malalayong gusali. Alam ni Ledger na kahit gaano karangya ang kinalalagyan nila ngayon, may bahagi ng puso ng pamilya ni Kaylyn na nananabik sa payapang buhay na nakasanayan nila. Ibinaba ni Ledger ang kanyang kubyertos at marahang hinawakan ang kamay ni Kaylyn na nasa ibabaw ng lamesa. Ang lahat ay napatingin sa kanya, tila nararamdaman na may mahalaga siyang sasabihin. "Nay," panimula ni Ledger, ang boses ay seryoso pero puno ng respeto. "Alam kong marami tayong pinagdaanan nitong mga nakaraang araw. At alam kong kahit ligtas kayo rito, hinahanap-hanap niyo pa rin ang simoy ng hangin sa inyo." Napatigil ang ina ni Kaylyn at dah

