CHAPTER 51

2235 Words

Ang bawat hakbang ni Ledger sa sementadong sahig ay umuukit ng matinding takot sa puso ni Marcus. Ang tanging liwanag sa loob ng abandonadong warehouse ay mula sa isang bumbilyang nakasabit sa kisame na pabalik-balik na gumagalaw, naglilikha ng malalaking anino na tila mga demonyong naghihintay ng hudyat. Dahan-dahang hinubad ni Ledger ang kanyang suit jacket at maingat itong isinabit sa isang kalawanging bakal. Itinupi niya ang manggas ng kanyang puting polo, inilalantad ang kanyang mga braso na bakas ang nagngangalit na mga ugat. Kumuha siya ng isang lumang upuan, pinihit ito, at naupo sa harap ni Marcus—ang titig niya ay mas malamig pa sa yelo.. "So, Tito Marcus," panimula ni Ledger, ang boses ay sobrang seryoso na naging dahilan para lalong matakot si Marcus. “Pag-usapan natin 'yung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD