Lalong uminit ang ulo ni Russo, nanginginig na ito sa galit. "Dámn it, Kaylyn!" sigaw ni Russo sa loob ng tahimik na hallway. Sinubukan niya muli, at muli, pero naka-off ang cellphone ng dalaga. Nag-uumapaw ang galit sa kanyang dibdib—hindi siya sanay na tinatalikuran at mas lalong hindi siya sanay na nawawalan ang kanyang pag-aari. _____ Sa loob ng marangyang conference room sa New York, ang atmospera ay tila baril na anumang oras ay puputok. Ang mga board members at matataas na ehekutibo ay nakaupo nang tuwid, hindi makahinga, habang pinapanood ang kanilang CEO na si Ledger Luke Russo—na pabalik-balik sa harap ng silid. Namumula ang mukha ni Russo at bakas ang naglalagablab na galit sa kanyang mga mata. Hawak pa rin niya ang kanyang cellphone na kanina pa niya sinusubukang itawag kay

