Nanatiling nakayuko si Kaylyn habang nakikinig sa mga tanong ng kanyang mga kaibigan. Ang bawat salita nina Emberly at Eloise ay puno ng malasakit, pero para kay Kaylyn, ang bawat segundong pananatili nila sa tabi niya ay tila paglalagay sa kanila sa bingit ng panganib. "Kaylyn, seryoso ka ba talaga? Bakit ka magre-resign nang biglaan?" tanong ni Eloise habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Paano ang bills sa ospital? Paano ang mga kapatid mo? Alam naming hindi mo gagawin 'to kung wala lang." Huminga nang malalim si Kaylyn at pilit na kinalma ang sarili. "Disidido na ako, Eloise. Ayoko na. Hindi ko na kaya ang pressure sa factory. Pakiramdam ko, masisira na ang ulo ko kung mananatili pa ako roon." "Pero saan ka pupunta? Saan ka kukuha ng pambuhay?" singit naman ni Emberly. Tumingin

