CHAPTER 20

1883 Words

Pagkatapos dalawin ang ina, naglakas-loob si Kaylyn na pumunta sa kabilang ward kung nasaan si Ubeth. Sa pintuan pa lang, nakita na niya si Aling Cora na nag-aayos ng gamit. Pagpasok niya, sakto namang gising si Ubeth, bagaman puno pa rin ng benda ang mukha at hirap kumilos. "Ubeth..." tawag ni Kaylyn sa mahinang boses. Agad na tumalim ang tingin ni Aling Cora, pero hindi ito pinansin ni Kaylyn. Dire-diretso siyang lumapit sa paanan ng kama ni Ubeth at, sa gulat ng lahat, ay dahan-dahang lumuhod sa sahig. "Kaylyn, anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan," hirap na sabi ni Ubeth, pilit na gumagalaw. "Hindi, Ubeth. Hayaan mo ako," hikbi ni Kaylyn. Tumingin siya kay Aling Cora habang nasa sahig. "Aling Cora, patawarin niyo po ako. Tama po kayo, ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang anak ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD