Sa loob, napasandal si Kaylyn sa pader ng pasilyo, ang kaniyang dibdib ay mabilis na tumataas at bumababa. Hiniling ni Kaylyn kay Luming na itago siya; ang kaniyang mga mata ay puno ng pagsusumamo dahil wala pa siyang mukhang ihaharap sa asawa. Ayaw niya muna umuwi sa Pangasinan, o kahit bumalik sa puder ni Ledger, dahil sa bawat saglit na lumilipas, tila mas lalong dumidilim ang katotohanang natutuklasan niya. "Anong gagawin ko Tita? Nahihiya na akong harapin ang asawa ko, si tatay pala yung may nagawang kasalanan?" Umiiyak na tanong ni Kayln sa tiyahin. "Kaylyn, anak, kumalma ka," bulong ni Luming, pilit na hinahawakan ang nanginginig na mga balikat ng pamangkin. "Hindi mo kasalanan ang ginawa ng Papa mo. Ginawa niya iyon dahil sa hirap—" "Pero buhay ni Ledger ang itinaya niya, Tita!"

